Nag-isyu na ng show cause order ang Commission on Elections laban sa dalawampu’t pitong government contractor na sinasabing nagbigay ng donasyon sa mga kandidato noong 2022 elections.
Sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na pagpapaliwanagin ang mga government contractor kung bakit hindi dapat panagutin ang mga ito sa posibleng paglabag.
Dagdag pa ni Chairman Garcia, itinakda na ng kanilang Political Finance and Affairs Department ang pagdinig kaugnay sa mga kasong ito sa Nobyembre a-bente uno.
Ipinagbabawal sa ilalim ng Section 95-C ng Omnibus Election Code ang pagtanggap ng donasyon ng mga kandidato mula sa mga indibidwal o kumpanyang may kontrata sa pamahalaan para mapanatili ang patas at malinis na halalan.
—Sa panulat ni John Riz Calata




