Inirekomenda ni Commission on Elections (COMELEC) Commissioner Rey Bulay na tanggalin sa puwesto sina Director James Jimenez at Frances Arabe kaugnay ng kontrobersiyang naging dahilan ng pagkansela ng huling Presidential at Vice Presidential Debates.
Aniya, may mga tungkulin sina Jimenez at Arabe na kinasasangkutan ng media relations at exposure.
Ang rekomendasyon ay upang matiyak na walang kinikilingan ang pagsisiyasat sa nakanselang debate.
Bagaman, para maiwasan na maabala ang mahahalagang operasyon ng halalan, iminungkahi sina Director Jimenez at Arabe na ipagpatuloy ang iba pang mga tungkulin sa ilalim ng pangangasiwa ng kanilang mga pinuno ng komite.
Ang town hall debates, na diumano ay ang mga huling debate bago ang halalan sa may 9 ay orihinal na naka-iskedyul noong April 23 at 24 ngunit inilipat sa April 30 at May 1.
Nabatid na ito ay dahil sa kabiguan umano ng impact hub manila, ang pribadong kasosyo ng comelec para sa mga debate, na ganap na bayaran ang Sofitel Garden Plaza para sa mga serbisyong ibinigay nito bilang opisyal na lugar ng mga nakaraang debate.