Dismayado si Bayan Muna Partylist Representative Neri Colmenares sa pagbasura ni Pangulong Benigno Aquino III sa panukalang P2,000 peso additional pension ng mga retiradong miyembro ng Social Security System o SSS.
Ayon kay Colmenares, napakawalang-puso ni Pangulong Aquino at walang malasakit sa mga senior citizen.
“Bilang author ng bill una nalungkot ako tapos nagalit, masama talaga ang loob ko, 2011 ko pa finile ang bill na yan, manhid, yun ang term ko kay Pangulong Aquino, manhid siya, wala siyang pag-iisip, ang pension sa SSS hindi nakakabuhay, mas inuna niya pa yung pagpapahaba ng buhay ng pondo kesa pagpapahaba ng buhay ng tao.” Ani Colmenares.
Kahit aniya taasan ang pensyon para sa mga retiradong miyembro ay hindi naman masisimot ang pondo ng SSS lalo’t matagal pa bago ito mangyari.
“Actually hindi maba-bankrupt ang SSS sa punto na, inamin naman ng SSS na hanggang 2029 ang buhay nila, lahat naman kasi ng SSS sa buong mundo ay may hangganan ang buhay, actually ngayon pa lang kahit walang 2,000 increase, ang pondo ng SSS ay hanggang 2040.” Dagdag ni Colmenares.
Samantala, inihayag ni Colmenares na maaari namang harangin ng Kongreso ang pag-veto ng Pangulo sa nabanggit na panukala kahit nalalapit na ang halalan.
By Drew Nacino