Isa ang cobra sa mga pinakainiiwasan at kinatatakutang uri ng ahas dahil sa laki nito at kakayahan na kumitil ng tao in an instant. Pero ang 2-year-old boy na ito sa India, walang kaabog-abog na napatay ang isang deadly cobra sa pamamagitan lang ng kaniyang mga ngipin.
Kung ano ang nangyari sa bata pagkatapos ng insidente, eto.
Naglalaro noon ang dalawang taong gulang na si Govinda Kumar malapit sa kanilang bahay sa bankatwa village nang makita nito ang cobra.
Bilang isang bata, dahil sa curiousity at ka-inosentehan sa dalang panganib ng ahas, binato ito ni Govinda.
Bilang response, pumulupot ang cobra sa kamay ng bata.
Ayon sa lola nito na si Mateshwari Devi, nataranta sila at agad na nilapitan ang kaniyang apo nang makita ang sitwasyon nito. Pero bago pa sila makakilos, nagulat na lang ang mga saksi nang kagatin ni Govinda ang ahas na dead on the spot.
Bagama’t walang tinamong sugat ang bata, nawalan ito ng malay matapos kagatin ang cobra dahil sa venom na tinukoy naman bilang isang mild effect at hindi sapat para ikamatay nito.
Dinala ang bata sa Government Medical College Hospital (GMCH) kung saan tinukoy ang insidente na highly unusual.
Samantala, hinihinalang binawian ng buhay ang cobra dahil sa tinamong trauma sa ulo at bibig dahil sa kagat ng bata. Habang si Govinda naman ay sumailalim sa gamutan matapos ang insidente.
Sa mga magulang diyan, gugustuhin niyo rin ba na maging ganito katapang ang anak niyo?