Inirekomenda ng World Health Organization o WHO na isalang sa clinical trials ang anti-parasitic drug na ivermectin para malaman kung tunay nga itong epektibo panglaban sa COVID-19.
Ayon kay Socorro Escalante, Coordinator for Essential Medicines and Health Technologies ng WHO Western Pacific, batay sa kasalukuyang datos meron ang ivermectin, nakitang walang direktang ebidensya, epekto o anti viral action laban sa SARS COV-2 o ang virus na dahilan ng COVID-19.
Kaya aniya hindi ito mairerekomenda ng who bilang gamot sa COVID-19 bagkus maaari itong isalang sa clinical trials para mas mapalawig ang pagaaral sa sinasabing epekto nito sa nakahahawang sakit.