Inihain ng mga CIBAC party-list representatives ang panukalang batas na magsasama sa basic education curriculum ang anti-corruption and governance teaching.
Ayon kay House Deputy Speaker Eddie Villanueva sa ilalim ng house bill number 581 o anti-graft and corrupt practices information and education act, isasama sa curriculum ang anti-corruption education.
Sa ilalim nito ay ituturo sa mga kabataan ang kanilang magagawa para masugpo ang korapsyon at ipakita ang gampanin ng mga mamamayan para makamit ang maayos na pamamahala.
Ngunit kailangang siguraduhin ng Department of Education na sa positibong paraan ang pagtuturo ng naturang asignatura.
With report from Jill Resontoc.