Umapela ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP na labanan ang modern day slavery sa bansa.
Ito’y kasunod na rin ng malagim na trahedya ng pagkakasunog ng Kentex Factory sa Valenzuela City na ikinamatay ng 72 manggagawa.
Ayon kay CBCP President at Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas, ang naturang insidente ay naging daan upang mamulat ang bansa hinggil sa reyalidad ng modern-day slavery sa bansa.
Hinikayat ni Villegas ang iba’t-ibang sektor lalo na ang simbahan na makibahagi at maging tagapagbantay ng mga mahihirap na manggagawa laban sa modern day slavery.
By Meann Tanbio | Aya Yupanco (Patrol 5)