Category
SPORTS
Boracay Dragons handang-handa nang sumabak sa World Championships of Beach Ultimate
written by DWIZ 882
Handang-handa na ang Boracay Dragons na sumabak sa World Championships of Beach Ultimate (WCBU) sa Plage Dela Grande Conche sa Royan, France sa June 18 hanggang 24.
Target ng Frisbee Team ng Pilipinas ang gold medal kasunod ng second place finish sa Open Division ng squad noong 2011 sa Italy laban sa team USA.
Ang WCBU ay pinakamalaking world ultimate championship na nilalahukan ng halos 1,100 atleta mula sa halos 40 bansa.
Ang Boracay Dragons na itinuturing na Beach Kings of Asia ay mayroong 60 miyembro at karamihan sa mga ito ay nagta-trabaho sa iba’t ibang resorts sa isla ng Boracay.
By Judith Larino
Photo Credit: Boracay Dragons Frisbee Team Facebook Page
Boracay Dragons handang-handa nang sumabak sa World Championships of Beach Ultimate was last modified: April 25th, 2017 by DWIZ 882
Hindi pa tapos sa pagbo-boksing si Senador Manny Pacquiao.
Sa gitna na rin ito nang paghahanda ni Pacman sa kaniyang laban kay Jeff Horn sa Brisbane, Australia sa July 2.
Ayon sa Pambansang Kamao, ang pakikipag bakbakan niya kay Horn ay pagkakataon para mapatunayan niyang pumapaimbulog pa rin siya sa mundo ng boksing sa edad na 38 kasabay ang karera niya sa pulitika bilang senador.
Inihayag ni Pacman na wala pa siyang napapanood na laban ni Horn subalit tututukan niya ang tatlong (3) huling laban ng Australian Boxer na aniya’y kilala bilang fighter.
Sinabi ni Pacquiao na passion na niya ang pagbo-boksing at bahagi na ito aniya ng kaniyang buhay kaya nga nagsimula siya rito sa batang edad.
By Judith Larino
Manny Pacquiao iginiit na may ibubuga pa sa boksing was last modified: April 24th, 2017 by DWIZ 882
Winalis ng defending champion na Cleveland Cavaliers ang Indiana Pacers sa Game 4 ng NBA Playoffs sa iskor na 106-102.
Pinatunayan ng Cavs na sila pa rin ang koponang dapat talunin nang palasapin ng sunod-sunod na apat (4) na pagkatalo ang Pacers.
Nanguna sa panalo ng Cavs si Lebron James na kumana ng 33 puntos.
Inamin naman ni James na bagamat nawalis nila ang Pacers ay matinding hirap naman aniya muna ang kanilang pinagdaanan bago malusutan ang karibal na koponan.
By Ralph Obina
Cleveland Cavaliers winalis ang Pacers was last modified: April 24th, 2017 by DWIZ 882
Nasungkit ni Spanish star Rafael Nadal ang kampeonato sa Monte Carlo Masters.
Walang kahirap –hirap na idinispatsa ni Nadal ang kapwa Spanish tennis star na si Albert Ramos-Vinolas sa iskor na 6-1 at 6-3.
Ito na ang ika-sampung Monte Carlo title ng 30-anyos na si Nadal.
Matatandaang 2005 nang unang maibulsa ni Nadal ang kampeonato ng Monte Carlo Masters.
By Ralph Obina
Photo Credit: Rafael Nadal Fans / Reuters
Rafael Nadal nasungkit ang kampeonato sa Monte Carlo Masters was last modified: April 24th, 2017 by DWIZ 882
Pinatunayan ng Filipino boxer na si Marlon Tapales na siya pa rin ang kampeon kahit binawian na ng World Boxing Organization (WBO) Bantamweight Crown dahil sa pagiging overweight.
Ito’y makaraang matalo ni Tapales ang Japanese contender na si Shohei Omori sa 11th round via technical knockout sa Edion Arena, sa Osaka, kagabi.
Pinatumba ng Filipino southpaw si Omori ng kaliwang left uppercut na sinundan ng mga suntok dahilan upang itigil ng referee ang laban.
Aminado si Tapales na nangako siya sa kanyang sarili na hindi niya ibibigay ang belt nang walang laban.
Sa kabila nito, mananatiling bakante ang WBO Bantamweight crown.
By Drew Nacino
*AFP Photo: Marlon Tapales of the Philippine (L) and Shohei Omori of Japan (R)
Pinoy boxer Marlon Tapales wagi kontra Japanese boxer was last modified: April 24th, 2017 by DWIZ 882
Nakatakdang pangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbubukas ng 60th Palarong Pambansa sa San Jose, Antique, mamaya.
Tinatayang labindalawang libong delegado na pawang high school student at sports official mula sa labingwalong rehiyon ang darating para sa opening ceremony.
Ayon kay Education Assistant-Secretary at Palarong Pambansa chairman Tonisito Umali, nasa dalawandaan limampung libong piso ang ini-release ng kagawaran para sa accommodation expenses ng mga delegadong pansamantalang tumutuloy sa mga paaralan.
Halos limampung milyong piso anya ang inaprubahang budget ng Department of Education para sa rehabilitasyon ng mga paaralan at ilang equipment habang nag-ambag ng 10 million pesos ang Philippine Sports Commission para sa iba pang kagamitan.
Tiniyak naman ni Umali na walang outdoor games ang gaganapin simula alas diyes ng umaga hanggang tanghali upang maiwasan ang masamang epekto ng mainit na panahon.
Signal jammers para sa kaligtasan ng mga manonood at delegado, kasado na
Kasado na ang signal jammers na gagamitin ng gobyerno para sa kaligtasan ng mga manunuod at delegado sa Palarong Pambansa sa Binarayan Sports Complex sa Antique.
Alas tres ngayong hapon magbubukas ang palarong pambansa na pangungunahan ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Education Assistant Secretary Tonicito Umali, secretary general ng palarong pambansa, ang paggamit ng signal jammers ay bahagi ng mahigpit na seguridad na ipatutupad sa mga venue ng laro simula ngayong araw na ito hanggang sa Abril 29.
Bukod dito, ipinabatid ni umali na bawal ding papasukin ang mga backpack maging ang mga bottled water sa mga lugar ng palaro.
Kabilang sa mga laro sa palarong pambansa ang arnis, athletics, badminton, baseball, basketball, chess, football, gymnastics, sepak takraw, softball, swimming, table tennis, taekwondo, tennis at volleyball.
By Drew Nacino/Judith Estrada-Larino
Pangulong Duterte pangungunahan ang pagbubukas ng Palarong Pambansa was last modified: April 23rd, 2017 by DWIZ 882
Tinalo ng La Clippers ang Utah Jazz sa unang round ng NBA Playoff Series sa iskor na 111 – 106.
Dahil dito, mayroon nang 2 – 1 lead ang Clippers sa unang round ng Playoffs.
Sa laban, naibuslo ni Chris Paul ang kanyang season – high score na 34 points at 10 assist.
Una nang dinomina ng Jazz ang laban at agad nabawi ng Clippers ang 14 – point deficit nang maibangko si Blake Griffin na na-injure sa paa sa unang bahagi ng laban.
By Katrina Valle
Utah Jazz pinadapa ng La Clippers sa unang round ng NBA Playoffs was last modified: April 22nd, 2017 by DWIZ 882
Nakahanda nang sumabak sa Barcelona Open sa susunod na linggo si World Number One Andy Murray.
Ito ay matapos siyang talunin ni Albert Ramos – Vinolas sa Monte Carlo Masters nitong nakaraang linggo.
Limang linggong nagpahinga si Murray matapos magtamo ng injury sa siko noong Marso.
Una nang sinabi ni Murray na sa Madrid at Rome lamang siya maglalaro bago ang French Open.
By Katrina Valle
Andy Murray handa na para sa Barcelona Open was last modified: April 22nd, 2017 by DWIZ 882
Nadepensahan ni Eduard Folayang ang kanyang one championship lightweight title matapos makuha ang unanimous decision win laban sa challenger na si Ev Ting sa main event ng “One: Kings of Destiny” sa Mall of Asia Arena.
Ito ang unang title defense ng kanyang korona na naagaw niya mula kay Japanese Shinya Aoki noong November 2016.
Dahil sa panalo ay umakyat na ang fight record ni Folayang sa 18 wins at 5 loses habang nalugmok naman si Ting sa 13-4 record.
Samantala, nanalo sa kani-kanilang laban ang ating mga kababayan na sina Kevin Belingon, Honorio Banario, Gina Iniong, Danny Kingad, at Robin Catalan habang natalo naman si Eugene Toquero.
By Jelbert Perdez
*Photo from ONE Championship
MMA: Folayang naidepensa ang championship lightweight title was last modified: April 22nd, 2017 by DWIZ 882