Category
SPORTS
Kampeon ang San Miguel Beermen sa 2017 PBA Commissioner’s Cup Finals matapos talunin ang Talk and Text Katropa sa game 6 sa score na 115-91.
Ito na ang ika-limang titulong nakuha ng San Miguel sa loob ng tatlong (3) taon.
Dahil sa panibagong kampeonato, umakyat na sa 24 ang nakuhang overall championship ng koponan sa kabuuang 38 finals appearance.
Matapos ang Commissioner’s Cup, tanging ang Governor’s Cup na lamang ang kailangang masungkit ng Beermen upang mapasakamay ang grand slam ngayong PBA season.
By Meann Tanbio
Beermen kampeon sa PBA Commissioner’s Cup was last modified: July 3rd, 2017 by DWIZ 882
Golden State Warriors Superstar Stephen Curry itinanghal na “highest paid” NBA player
written by DWIZ 882
Muling lumagda sa five year deal na nagkakahalaga ng 201 million dollars si Golden State Warriors Superstar Stephen Curry.
Dahil dito, napawi na ang mga ulat na walang katiyakan ang career ni Curry sa Golden State bunsod ng maliit umanong 12.1 million dollar 4-year contract deal noong nakaraang season.
Si Steph na ang highest paid NBA player sa ngayon at nalampasan na si Lebron James ng Cleveland Cavaliers na aabot sa 33 million dollars kada taon ang sweldo.
Pang-apat naman si Curry sa mga atletang may pinaka-malaking sweldo kada taon.
By Drew Nacino
Golden State Warriors Superstar Stephen Curry itinanghal na “highest paid” NBA player was last modified: July 2nd, 2017 by DWIZ 882
Nahaharap ngayon si Tennis Player Venus Williams sa wrongful-death lawsuit matapos masangkot sa vehicular accident na ikinasawi ng isang pasahero noong Hunyo 9.
Ayon sa police report, sakay ng Toyota SUV si Williams at patawid na sana ng intersection sa bahagi ng Palm Beach Gardens nang bumangga siya sa kotse na minamaneho naman ni Linda Barson noong Hunyo 9, bandang 1:00 ng hapon.
Nasawi sa aksidente ang asawa ni Linda na si Jerome.
Nagtamo naman si Linda ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.
By Meann Tanbio
Tennis Superstar Venus Williams kinasuhan dahil sa vehicular accident was last modified: July 1st, 2017 by DWIZ 882
Kapwa pasok sa timbang para sa kanilang laban bukas sina 8-division world champion Manny Pacquiao at Australian boxer Jeff Horn.
Rumehistro ang Pambansang Kamao sa timbang na 146 pounds habang 147 pounds naman si Horn.
Dahil dito, inaasahan ang matinding sagupaan sa pagitan ng dalawang boksingero kung saan nakataya ang WBO welterweight title ni Pacquiao.
Hawak ng fighting senator ang kartadang 59 wins, 6 losses, draws at 38 knockouts habang si Horn naman ay may fight record na 16 wins, zero loss, 1 draw at labing isang (11) knockouts.
Ang sagupaang Pacquiao-Horn na tinaguriang “Battle of Brisbane” ay gaganapin bukas, Hulyo 2, sa Suncorp Stadium sa Australia sa harap ng limampung libong (50,000) boxing supporters.
Samantala, inamin ni Manny na hindi niya minamaliit ang punching power ni Jeff Horn.
Gayunman, naniniwala ang boxing legend na may kakayahan pa rin siyang patulugin si Horn sa kanilang bakbakan bukas.
Bagama’t nakataya ang World Boxing Organization welterweight crown ng 38-anyos na Pinoy fighter, sinabi niya na hindi siya nangangamba sa lakas ni Horn.
Ayon kay Pacquiao, napatumba na niya noon ang mga mababangis na boksingero na sina Miguel Cotto at Antonio Margarito kaya’t tiwala siyang magagawa niya rin ito kay Horn.
Magugunitang pinasuko ni Pacquiao si Cotto noong 2009 sa kanilang WBO clash habang tinapos niya sa loob ng 12 rounds si Margarito noong 2010 sa kanilang WBC super welterweight title fight.
By Jelbert Perdez / Ralph Obina
Pacquiao at Horn kapwa pasok ang timbang sa weigh in was last modified: July 1st, 2017 by DWIZ 882
Pasok na sa semifinals ng Eastbourne International si Novak Djokovic.
Ito ay makaraang idispatsa ng Serbian tennis star ang kalabang si Donald Young sa iskor na 6-2 at 7-6.
Susunod na makakalaban ni Djokovic ang Russian na si Daniil Medvedev na tumalo naman kay Fourth Seeded Steve Johnson.
Si Djokovic ay kasalukuyang hawak ang ika-apat na pwesto sa world tennis rankings.
By Ralph Obina
Novak Djokovic pasok na sa semifinals ng Eastbourne International was last modified: June 30th, 2017 by DWIZ 882
Bahagi na ng Houston Rockets si Chris Paul.
Ito ay matapos siyang i-trade ng kanyang koponang Los Angeles Clippers.
Dahil dito, makakasama na ng 32 anyos na point guard na si Paul ang shooting guard na si James Harden kung saan inaasahang magtutulungan ang dalawa (2) na buhatin ang Rockets.
Ipinalit naman ng Rockets sa Clippers ang kanilang forward na si Sam Dekker at guards na sina Patrick Beverley at Lou Williams.
Si Chris Paul ay bahagi ng US basketball team na nanalo ng gintong medalya sa 2008 Beijing at 2012 London Olympics.
By Ralph Obina
Chris Paul bahagi na ng Rockets was last modified: June 29th, 2017 by DWIZ 882
Kumpiyansa ang kampo ni Australian boxer Jeff Horn na matatalo sa darating na laban sa Linggo si 8-division World Champion Manny Pacquiao.
Ayon sa kapatid ni Horn na si Ben, ramdam niyang magkakaroon ng bagong world champion.
Sinabi naman ng trainer ni Horn na si Glenn Rushton, hindi lamang si Pacquiao ang kayang magpakawala ng mabibigat na suntok.
Tiyak aniyang doble ng lakas ni Pacquiao ang kayang ibalik ni Horn sa fighting senator.
Ang bakbakang Pacquiao-Horn na tinaguriang “Battle of Brisbane” ay gaganapin sa Suncorp Stadium sa Australia.
By Ralph Obina
Kampo ni Horn kumpiyansang matatalo si Pacquiao sa Linggo was last modified: June 29th, 2017 by DWIZ 882
Nakabawi ang TNT Katropa sa San Miguel Beermen makaraang maitabla sa 2-2 ang best of seven finals ng PBA Commissioner’s Cup, 102-97.
Kumamada si Jayson Castro ng 17 points habang nag-ambag ng 20 points at 15 rebounds si Joshua Smith.
Naging hamon sa Beermen ang last quarter matapos na ma-fouled out si June Mar Fajardo sa natitirang mahigit na dalawang minuto.
Na-eject naman sa basketball court ang kanilang import na si Charles Rhodes matapos na patawan ng pangalawang technical foul.
By Meann Tanbio
TNT at Beermen tabla na sa serye ng PBA Cup Finals, 2-2 was last modified: June 29th, 2017 by DWIZ 882
Hindi na aabutin ng ika-anim na round ang si Australian boxer Jeff Horn sa laban nito kontra kay 8-division world champion Manny Pacquiao.
Ayon sa tagapagsalita ni Pacquiao na si Achiles Zonio, ito ang prediksyon nga mga sports analyst na nanood sa media workout ni Horn noong nakalipas na Lunes.
Ayon dito, nagkakaisa sa puna ang mga sports analyst na malayong malayo ang galaw ni Horn sa Pambansang Kamao lalot wala aniya itong bilis nang gaya ng kay Pacquiao.
Ilan pa nga ang nagbirong baka hindi na maiere ang ibang commercial sa laban ni Pacquiao dahil sa malamang ay maagang mapapatumba ng pambansang kamao si Horn.
By Ralph Obina
Horn hindi aabutin ng ika-anim na round—sports analysts was last modified: June 28th, 2017 by DWIZ 882



