Home NATIONAL NEWS EXPLAINERS

EXPLAINERS

Sino ba naman ang hindi matutuwa kapag dumating na ang pinakahihintay mong araw ng sweldo at nakita mo na pumaldo ka? Ganyang-ganyan ang naramdaman ng isang factory worker sa Russia nang matanggap niya ang kaniyang sahod.

Pero ang tiba-tibang empleyado, hindi naman pala dapat papaldo dahil ang ilan sa mga perang natanggap niya, naisend lang sa kaniya nang hindi sinasadya. Ngayon, nahaharap ito sa kaso dahil sa pagtanggi na ibalik ang sahod ng kaniyang mga katrabaho.

Kung magkano nga ba ang sinahod ng factory worker, eto.

Nagulantang na lang ang factory worker na si Vladimir Rychagov mula sa Khanty-Mansiysk, Russia nang makita na higit na mas malaki ang natanggap niyang sahod na umabot sa tumataginting na mahigit 7 million Russian rubles o mahigit 5 million pesos.

Bagama’t hindi makapaniwala, labis ang naramdamang saya ni Vladimir dahil sa wakas, milyonaryo na siya.

Pero ang instant millionaire na ito, agad ding naputol ang pagsasaya dahil sa sunud-sunod na tawag na natanggap mula sa accounting department ng kumpanya kung saan inabisuhan siya na kinakailangan niyang ibalik ang ilan sa mga pera na sinahod niya.

Ayon sa kumpanya, aksidenteng nai-deposit sa bank account ni Vladimir ang mga pera na pampasahod sana sa 34 nilang mga empleyado dulot ng software glitch.

Pero si Vladimir, pinanghahawakan ang paniniwala na malaki ang sinahod niya dahil kasama roon ang kaniyang vacation pay noong January, sahod para sa disyembre, at bonus na 13th month pay.

Mas lalo pa itong nagmatigas nang madiskubre na technical error ang dahilan kung bakit naitransfer sa kaniya ang mga pera at ayon umano sa internet, nakadepende sa kaniya kung ibabalik niya pa ang mga ito.

Matapos nitong bumili ng bagong sasakyan at lumipat ng tirahan kasama ang kaniyang pamilya, doon na ipinag-utos ng kumpanya na ipa-freeze ang accounts ng lalaki.

Nang dahil sa malaking pagkakamali ng kumpanya at pagmamatigas ng empleyado nito, doon na nagsimula si Vladimir at ang kumpanya na magsampa ng kaso laban sa isa’t isa.

Samantala, nilinaw naman ng acting CEO ng kumpanya na walang involved na 13th month pay sa issue at hindi sila titigil hanggang sa mabawi nila sa legal na paraan ang mga inangking pera ni Vladimir.

Kung ikaw ang nakatanggap ng ganoon kalaking halaga ng pera, isasauli mo pa ba o magbabagong buhay ka rin bilang isang milyoanryo?

November 24, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

Kung ang pamamaraan ng mga taong hindi sapat ang pera para may pangbayad ng restaurant bill ay paghuhugas ng pinggan, ibang paraan naman ang ipinamalas ng isang lalaki mula sa Spain matapos niyang takasan ang kaniyang bill na mahigit dalawang libong piso mula sa isang fancy restaurant.

Kung anong modus ang ginawa ng lalaki? Eto.

Isang 50-anyos na lalaki na kinilalang si Aidas J. na nakatira sa Alicante, Spain ang kumain sa isang fancy restaurant pero pagkatapos niyang mabusog, inaresto si Aidas ng spanish authorities matapos tumawag ng mga pulis ang manager ng kinainan niyang restaurant dahil napansin umano ng isang staff na tila nagbabalak siyang mag dine and dash.

Ayon sa manager, nag-order ng dalawang whiskey at isang seafood paella si Aidas na nagkakahalagang 34.85 euros o 2,367 pesos at nang sinisingil na siya ay kukuha muna raw ito ng pera sa kaniyang hotel room.

Pero hindi nagpatinag ang mga staff at hindi hinayaang makalabas ng restaurant si aidas.

Tila nasa isang shooting si aidas nang mala-dramatic niyang hinawakan ang kaniyang dibdib at biglang natumba na para bang inaatake siya sa puso.

Pero hindi effective ang acting ni Aidas dahil imbes na ambulansya ang tawagan ng mga staff ay pulis ang tinawagan ng mga ito.

Pagdating ng mga pulis sa restaurant, nakilala agad nila si aidas dahil isa pala siyang repeat offender at ang kaniyang modus? Ay pagpapanggap na hina-heart attack para hindi makapagbayad ng kaniyang bill mula sa isang restaurant.

Dagdag pa ng otoridad, hindi umano ito ang unang beses na ginawa ito ni Aidas, hindi lang din dalawa, kundi 20 beses na niyang itong inulit sa loob ng isang taon.

Ibig sabihin, 20 beses na ring nadakip si Aidas at hanggang sa ngumingiti na raw siya tuwing inaaresto kung saan dahil wala na itong pakialam kung matutulog siya ng ilang gabi sa selda basta makakain lang ng masarap.

Kahit ilang restaurants na ang nanawagan sa mga otoridad na tuluyan nang ikulong si Aidas, hindi nila ito mapagbibigyan dahil tinuturing lamang na minor crimes ang ginawa ni Aidas.

Magtatagal lamang ng 42 days ang pagkakakulong ng lalaki dahil ang mga bill nito sa mga restaurants ay nagkakahalaga lamang ng 13 euros hanggang 60 euros o 800 hanggang 4,000 pesos.

Ikaw, gagawin mo ba ang lahat ng klase ng modus makakain lang ng masarap? O pag-iipunan mo ito para makakain sa pangarap mong fancy restaurant?

November 24, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

Kung ang mga mag-asawang naghihiwalay ay naghahati ng ari-arian at nagkakasundo sa pagbibigay ng child support ibahin mo ang kwento ng mag-asawang ito mula sa Turkey dahil tila kakaiba ang naging divorce settlement ng dalawa kung saan imbes ari-arian ang pag-uusapan ay alagang pusa ang kanilang pinagtuunan ng pansin.

Kung ano ang naging kasunduan ng mag-asawa para sa kanilang alagang pusa? Eto.

Hindi na bago ang napapa-ulat na mag-asawang nagdi-divorce dahil sa iba’t ibang dahilan. May iba namang naghihiwalay na lang para iwasan ang gastos at proseso sa pag-file ng divorce.

Para naman sa mag-asawang sina Buğra B. at Ezgi B. mula sa Istanbul, Turkey kinonsidera nila ang magiging kalagayan ng kanilang mga alagang pusa kaya napag-desisyunan nilang idaan sa proseso ang kanilang paghihiwalay na ang dahilan ay incompatibility at nasirang pundasyon ng kanilang pagsasama.

Isa sa sinilip ng Istanbul Family Court ang magiging estado ng alagang pusa ng mag-asawa kaya naman kasama sa agreement ng dalawang panig na si Ezgi B. Ang mag-aalaga ng pusa pero dapat umano magbibigay ng financial support si Buğra B. Para sa mga ito.

Kung iniisip niyong umatras ang lalaki, nagkakamali kayo dahil pumayag siya na magbigay ng 10,000 Turkish lira o aabot sa halos ₱14,000 every three months sa loob ng 10 taon.

Hindi lang ‘yan, maaari pang ma-adjust annually ang sustento ni Buğra b. Para sa mga pusa alinsunod sa Consumer Price Index na ilalathala ng Turkish Statistical Institute.

Makakatanggap din si Ezgi B. mula kay Buğra B. ng 550,000 Turkish lira o mahigit ₱700,000.

Marami ang nagsabi kung ang financial support para sa pusa ay bagong alimony o financial support na ibinibigay sa isang asawa para sa kaniyang asawa matapos ang divorce.

Sa ilalim ng Turkish law, tinuturing nila ang mga pets bilang moveable property kung saan maaaring mag-desisyon ang korte ng agreements tungkol sa magiging kustodiya, pangangalaga, at financial support ng mga alagang halyop.

Ikaw, agree ka ba na dapat na ring i-konsidera ng batas sa Pilipinas ang pagbibigay ng pet support para sa mga pets ng mga mag-asawang naghihiwalay? O dapat iiwan na lang ang mga pets sa isang pet center na siyang mag-aalaga sa mga ito?

November 21, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

Pangunahing tungkulin ng mga nagta-trabaho sa medical field ang gamutin, agapan, at tugunan ang pangkalusugang pangangailangan ng mga pasyente pero tila nakalimutan ng isang lalaki mula sa Germany ang kaniyang tunay na trabaho bilang nurse nang gawin niya ang isang karumal-dumal na krimen.

Kung bakit nauwi sa isang trahedya ang pagta-trabaho ng nurse? Eto.

Hinatulan ng life imprisonment ang isang lalaking nurse matapos madiskubreng sinadya niyang patayin ang 10 elderly patients at pagtangkaang patayin ang 27 iba pang pasyente sa kaniyang pinagtatrabahuang ospital sa Würselen sa Western Germany.

Batay sa imbestigasyon, tinuturukan umano ng nurse ang mga pasyente ng matataas na dosage ng morphine na isang painkiller at midazolam na isang uri ng sedative.

At nang tanungin ang nurse kung ano ang kaniyang dahilan kung bakit niya iyon ginawa ay hindi ito makatarungan dahil aniya ginawa niya ‘yon para umano mabawasan ang kaniyang trabaho tuwing night shifts.

Ayon sa mga prosecutors, may personality disorder ang nurse matapos nilang makita na walang naramdamang awa ang lalaki sa mga pasyenteng kaniyang pinaslang.

Napatunayan ito ng mga prosecutors nang minsang iharap sa nurse ang mga pasyenteng nangnangailangan ng agarang atensyong medikal at puro iritasyon at kawalan ng malasakit ang kaniyang ipinakita para sa mga ito.

Patuloy pang inaalam ng mga imbestigador kung may iba pa ba itong biktima bukod sa mga nasawing pasyente sa pamamagitan ng paghuhukay ng mga labi.

Ikaw, hahayaan mo bang mapunta sa wala ang iyong pinaghirapan ng ilang taon? O titiisin at tatanggapin mo ang trabahong ibinigay sa’yo para sa iyong iniingatang career?

November 21, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

Hindi natin maitatangging ginagawa ng mga magulang ang lahat para lang matugunan ang obligasyon para sa kanilang anak na mabigyan ng maayos na buhay ngunit para sa isang lalaki mula sa Russia, tila hindi niya alintana ang kaniyang responsibilidad bilang ama para sa kaniyang anak matapos niya itong pagtaguan.

Kung anong pambihirang plano ang ginawa ng lalaki para hindi siya matunton? Eto.

Kung mayroong mga taong walang permanenteng tirahan, mayroon ding taong walang permanenteng pangalan kagaya na lang ng isang lalaki mula sa Tyumen, Russia na naging invisible o anonymous sa buhay ng kaniyang anak.

Ayon sa bailiff service ng Russia na responsable sa pangongolekta ng child support na si Roman Korenev, nadiskubre niya ang isang modus ng isang ama na legal nitong pinapalitan ang kaniyang buong pangalan at pagkalipas ng isang taon ay ibinabalik rin umano ang dati niyang pangalan para muling ulitin ang proseso ng kaniyang modus.

Nang tanungin ang lalaki kung bakit niya ito ginawa ay para umano malito ang mga otoridad, makaiwas sa mga bailiff, at ma-zero ang kaniyang utang na child support.

Sa ilalim ng Family Code of the Russian Federation, ang child support ay isang legal obligation ng mga magulang kung saan obligado silang suportahan ang kanilang anak.

At maaari ring maparusahan ang magulang kapag hindi na nila nagagawa ang kanilang obligasyon.

Pero kung akala ng lalaki ay magtatagumpay siya, nagkakamali siya dahil itinuring ni korenev na walang silbi ang modus ng lalaki.

Ipinaliwanag ni Korenev na kapag nagpalit ng pangalan ang isang tao ay awtomatikong inirereport ng registry office ang impormasyon sa mga bailiff kaya nat-trace pa rin nila ito.

Iba’t ibang modus o pakulo talaga ang naiisip ng isang tao kapag may gustong takasan pero kakaiba rin ang karmang aabutin mo.

Kaya mahigpit na ipinapaalala sa atin na huwag papasok sa pagpapamilya kung hindi mo kayang gawin ang iyong obligasyon dahil sa huli, kawawa ang iyong anak.

Ikaw, hahayaan mo bang umiral ang iyong pagka-duwag? O tatapangan mo ang iyong sarili at harapin ang responsibilidad mo?

November 20, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

Karamihan ngayon, dating app na ang naging takbuhan para maghanap ng makakausap pero kakaiba ang matandang milyonaryong nasa kwentong ito dahil nag-download siya ng dating app para maghanap ng makakasama sa buhay.

Kung bakit? Eto.

Isang 79-anyos na lalaki na pinangalanang si Benjamin Slade ang sumubok na mag-download ng dating app para makahanap ng babaeng mas bata sa kaniya na kayang magbigay ng dalawang anak na lalaki na siyang magmamana ng kaniyang baronetcy, maunsel house, at 50-room mansion sa Somerset, England.

Hindi lang ‘yan, naglagay pa siya ng ad sa isang newspaper na siya ay looking for a wife at naging guest din siya ng isang British reality show para ikwento ang kaniyang buhay at ng kaniyang tunay na layunin.

Ayon sa ulat, minsan na umanong naikasal si Benjamin ngunit nanatili itong walang anak na siyang pinaghuhugutan nito para patuloy na maghanap ng mapapangasawa.

Naniniwala si Benjamin na hindi dahilan ang kaniyang edad para siya ay hindi magka-anak dahil ayon sa kaniya, mayroon siyang nine-month na supply ng frozen sperm mula sa isang sperm bank na pwede niyang gamitin para magka-anak.

Inamin din ni Benjamin na metikuloso siya pagdating sa edad ng kaniyang papakasalan kaya sumuko na lang siya at sinabing ang paghahanap ng mapapangasawa online ay hindi para sa kaniya.

Kung kailan umayaw na si Benjamin sa paghahanap ng asawa ay saka naman na-wish granted ang kaniyang hiling matapos niyang makilala si Sahara Sunday Spain na isang 46-anyos.

Pero ang akalang wish granted ng karamihan ay tila naging isang kwento na lang nang kanselahin ni Benjamin ang supposed to be wedding nila ni Sahara.

Ayon kay Sahara, duda siya na kaya kinansela ni Benjamin ang kanilang kasal ay dahil babae ang kanilang magiging anak pero dagdag pa niya, hindi pa raw alam ni Benjamin kung babae o lalaki ang bata.

Lahat ng tao ay umaabot sa punto ng pagiging desperado at pinapatunayan din ng kwentong ito na hindi kayang punan ng kayamanan ang kulang sa buhay natin.

Ikaw, ano ang magiging batayan mo sa paghahanap ng makakasama sa buhay? Kaya mo bang mamuhay mag-isa habang-buhay o ikaw ang tipo ng tao na naniniwala sa destiny at true love?

November 20, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

Nakakita na ba kayo ng kambal na hindi magkapareho ang mga magulang? Hindi pangkaraniwan at tila isang himala ang nangyari sa isang teen mom mula sa Brazil nang magbuntis ito ng kambal pero kataka-taka na magkaiba ang kanilang tatay.

Himala nga ba ang nangyari o mayroong eksplanasyon ang syensya? Alamin.

Walong buwan nang buntis ang noo’y 19-anyos na hindi pinangalanang babae mula sa Minerios, Goias, Brazil nang maisipan nitong magpa-paternity test dahil siya mismo ay napaisip kung sino nga ba ang tatay ng dinadala niyang kambal.

Mabuti na lang at cooperative ang lalaking hinihinala niyang ama ng mga bata at nagbigay ng kaniyang dna samples. Pagkatapos sumailalim sa dalawang dna tests, lumabas sa resulta na ang lalaki nga ang tatay. Pero isa lang ang anak nito sa kambal.

Kung titingnan, tila isang himala ang kaso na ito dahil sino ba naman ang magbubuntis ng kambal na magkaiba ang tatay?

Agad namang nabigyang-linaw ang pambihirang sitwasyon ng babae dahil matapos ang unang test, saka lang nito naalala na dalawang lalaki pala ang nakatalik niya sa iisang araw.

Muling kumuha ng dna samples ang babae sa isa pang lalaki na nakatalik niya at doon nakumpirma na ito ang tatay ng isa pang sanggol.

Nakakapagtaka man, pero mayroong scientific explanation ang naging doctor ng babae na si Dr. Tulio Jorge Franco at tinawag ang rare phenomenon na ito na heteroparental superfecundation.

Sa sobrang bihira nito na mangyari, mismong ang doktor ay hindi makapaniwala na minsan sa buhay niya ay mawi-witness niya ang phenomenon na ito.

Ayon kay Dr. Franco, mangyayari lang ito kung ang dalawang eggs mula sa iisang nanay ay mafe-fertilize ng dalawang lalaki. Paglilinaw niya, bagama’t iisa ang genetic material na nakuha ng mga bata mula sa nanay, lalaki pa rin ang mga ito sa magkaibang placenta habang nasa sinapupunan.

Gayunpaman, nagkabuhol-buhol man ang kwento ng pagbubuntis ng babae, nakatanggap pa rin ito ng suporta at tulong sa isa sa mga tatay sa pagpapalaki sa kaniyang babies.

Sa mga mahilig mag-explore diyan, wala namang masama na mag-enjoy. Pero siguraduhin mo na responsable ka kung ayaw mong magulat sa balita na may anak ka na pala.

Ikaw, magpapa-dalos dalos ka ba sa page-explore? O pipiliin mo ng maigi ang lalaking makakasalamuha mo?

November 19, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

Sa hirap ng buhay, napapakapit na lang sa patalim ang ilan para lang maka-survive sa araw-araw, kagaya ng pang-iiscam. Sa kasamaang palad, bagama’t talamak ang ganitong uri ng modus, nahulog pa rin sa patibong at nawalan ng sandamakmak na pera ang isang babae mula sa South Korea matapos ma-inlove sa scammer na nagpanggap bilang isang korean actor.

Kung natagpuan pa nga ba ang feeling artista na scammer, eto.

Nalimas ang milyun-milyong halaga ng pera ng isang babae mula sa south korea nang makilala at makausap nito sa social media ang isang scammer na nagpanggap bilang ang korean actor na si Lee Jung-Jae na bumida sa sikat na series na Squid Game.

Ayon sa ulat, ang fake actor ang nag-first move sa babae at sinabi na nag-message ito para makausap ang kaniyang fans. Agad na kinilig ang babae sa isang simpleng message na siya ring naging simula ng regular na pag-uusap ng dalawa.

Mabilis na nag-step up ang moves ng scammer at binigyan agad ng pet name na honey at sweetie ang biktima para agad na makuha ang loob nito. Ang naramdamang kilig ng clueless na babae, umapaw na lang nang umapaw dahil sa pag-aakala na nai-inlove na sa kaniya ang aktor.

Dahil komportable na ang babae, doon na nagsimulang kumilos ang scammer at nagbigay ng kung anu-anong excuses para makakulimbat ng pera. Nag-send pa ito ng AI-generated ids para patunayan na stranded ito sa airport at hindi makauwi sa korea.

Dahil sa kagustuhan na makipag-meet up, gumastos pa ng mahigit 400,000 pesos na VIP pass ang babae para lang personal na makita at makausap ang lalaki. Pero ang scammer, ilang beses na nagdahilan para lang hindi sila magkita.

Huli na ang lahat at mahigit 20 million pesos na ang naiwaldas ng babae bago ito natauhan at na-realize na biktima na pala siya ng modus na Romance Scam kung tawagin.

Nang magsumbong ang biktima sa mga pulis, nadiskubre ng mga ito na may koneksyon sa Cambodian crime syndicate ang suspek at sinabi na malabo nang mabawi pa ang mga pera.

Gayunpaman, nakikipagtulungan na sa mga otoridad ang agency ng aktor para ma-trace ang suspek. Naglabas din ito ng babala sa mga fans na huwag magpapaloko dahil kahit kailan ay hindi manghihingi ng pera ang kanilang kumpanya at mga mina-manage na artists.

Sa mga may chatmates diyan, huwag magpapauto sa mga mabubulaklak na salita. Baka paasahin ka lang ng mga yan at iwanan kapag nakuha na nila ang pakay nila sayo.

Ikaw, kikilatisin mo ba ang iyong kausap o mabilis ka ring magpauto kagaya ni lola?

November 19, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

Sabi nga nila mahirap mawalan ng magulang pero mas mahirap mawalan ng anak. Ngunit sa mundong hindi pantay-pantay ang estado sa buhay, hindi maipalawinag ang sakit na naranasan ng isang ama mula sa China matapos niyang maghukay ng libingan para sa kaniyang anak.

Kung bakit kailangan niya itong gawin? Eto.

Sa probinsya ng Sichuan, China, isang ama na si Zhang Liyong ang naharap sa isang matinding pagsubok para sa kaniyang dalawang taong gulang na anak na si Zhang Xinlei na may sakit.

Si Xinlei ay na-diagnose ng thalassemia o isang genetic blood disorder kung saan ang katawan ay hindi kayang mag-produce ng sapat na hemoglobin.

Ang sakit ni Xinlei ay nadiskubre noong siya ay dalawang buwang taong gulang pa lamang. Kaya ganon na lang ang pagsusumikap nila ng kaniyang asawa para makaipon at maipagamot ang anak.

Ibinahagi ni Liyong sa isang video na nagawa na nilang magmakaawa at mangutang hanggang sa wala nang kayang magpahiram sa kanilang ng pera at ang kaya na lang daw niyang gawin ay samahan ang anak kung saan ito mamamahinga.

Naisip ng mag-asawa na magkaroon ng isa pang anak para gamitin ang umbilical cord ng sanggol upang iligtas si Xinlei sa pamamagitan ng stem cell transplant ngunit hindi daw nila kaya ang gastos ng procedure.

Kaya naman napag-desisyunan ni Liyong na magsimula na lang siyang maghukay para sa magiging libingan ni xinlei.

Araw-araw niyang dinadala ang anak sa hinukay nitong lupa para umano masanay si Xinlei at hindi matakot kung dadating man ang panahon na pumanaw ito.

Marami ang naki-simpatya sa kwento ng kanilang pamilya pero marami rin ang nagpahayag ng pagkabahala dahil magbibigay umano ng posibleng trauma at pagkasira sa mental health ng bata ang pagdadala nila kay Xinlei sa libingan nito.

Bukod dito, tinawag ding iresponsable ng mga netizens ang mag-asawa dahil sa desisyon nilang magkaroon ng isa pang anak na maaari rin nitong manahin ang sakit na nakuha ni Xinlei.

Pero sa gitna ng pambabatikos ng publiko, nagtulong-tulong pa rin ang Chinese community para makalikom ng sapat na donasyon para may pampagamot kay Xinlei.

Pinapakita ng kwentong ito ang tunay na pagmamahal na walang hanggan ng isang magulang. Ang paghuhukay ni liyong ng libingan para sa kaniyang anak ay hindi simbolo ng pagsuko, kundi isa itong simbolo ng katapangan at sakripisyo.

Ikaw, anong sakripisyo ang handa mong ipamalas para sa anak mo? O tatanggapin mo na lang ba ang tadhanang nakaabang para sa’yo?

November 18, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

Hindi iniisip ng isang pamilya kung anong klaseng sakripisyo ang kanilang gagawin para mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang anak. Katulad na lang ng lalaking nasa kwentong ito na hindi hadlang ang kaniyang kapansanan para magsikap sa buhay mapa-aral lang ang kaniyang anak.

Kung anong pagsusumikap at sakrisipisyo ang nalampasan ng lalaki? Eto.

Isang ama mula sa syria na si Jad Issa ang may Down syndrome o genetic disorder na naaapektuhan ang pag-develop ng katawan at utak na dahilan para magkaroon ng developmental delays at iba pang kumplikasyon sa pisikal ng isang tao.

Pero hindi naging hadlang ang kapansanan ni Jad para maging responsableng ama at asawa sa kaniyang pamilya.

Mahirap man pero sa kabila ng limitasyon, ginawa niya ang lahat para makapag-ipon ng pang-college tuition ng kaniyang anak na si Sader Issa dahil nag-aaral ito ng kursong dentistry na isa sa mga trabahong malaki ang sahod sa kanilang bansa.

Marami ang naantig sa kwento ng kanilang pamilya matapos ibahagi ng kaniyang anak kung gaano siya ka-proud sa ama nitong may Down syndrome.

Ipinagmalaki niya sa buong mundo ang pinagdaanang hirap at pagsubok ng kaniyang ama para mabigyan siya ng normal na buhay.

Ang kwentong ito ay taliwas sa paningin ng ibang tao na tila kamalasan o kinakaawaan ang pagkakaroon ng miyembro ng pamilya na may kapansanan.

Pero sa kwento ni Jad siya ang nagsilbing lakas at sandalan ng kaniyang pamilya.

Kaya naman ito ang naging inspirasyon ni Sader para para maging passionate sa kaniyang tinatahak na career.

Nais iparating ng kwentong ito na hindi dapat maliitin ang mga taong may kapansanan dahil kakaibang sakripisyo at pagmamahal ang kaya nilang ipamalas para sa kanilang mahal sa buhay.

Ikaw, handa mo bang ialay ang dugo’t pawis mo para sa tagumpay ng pamilya mo? O hahayaan mong hadlangan ka ng pagsubok at pangunahan ng takot?

November 18, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest