Home NATIONAL NEWS EXPLAINERS

EXPLAINERS

Dumarami ngayon ang mga influencers na may iba’t ibang content na ibinibida sa kanilang social media accounts.

Kagaya na lang ng lalaking nasa kwentong ito kung saan kinareer niya ang kaniyang hilig sa pagvi-video hanggang siya ay naging sikat na food influencer.

Pero ang apoy na nagbibigay-buhay sa kaniyang content… ay bigla na lang nawala sa isang iglap.

Bakit? Eto.

Kilala sa online world si Michael Duarte bilang foodwithbearhands at mayroon siyang halos dalawang milyong followers sa kaniyang social media accounts.

Sa pamamagitan ng kaniyang grilling contents, binuhay ni Michael ang online world kung saan nagbigay siya ng inspirasyon at aliw sa maraming tao.

Pero tila magkaiba ang nangyari sa online world at real world dahil kung ano ang sayang ibinigay ni Michael sa mundo ng social media ay ganon na lang ang takot at kaba na naramdaman ng mga taong nakasaksi sa kaniyang ginawa.

Ayon sa mga otoridad, isang emergency call ang gumising sa Castroville, Texas kung saan isang lalaki umano ang may hawak na kutsilyo at kumikilos ng marahas.

Pagdating umano ng mga ito sa lugar ng insidente, maraming beses nilang pinakiusapan si Michael na ibaba ang hawak nitong kutsilyo at isuko ang sarili ngunit hindi ito nakinig.

Akmang lalapit daw si michael sa isang deputy habang sinasabi ang mga katagang “papaslangin kita”.

Nabigla ang lahat dahil tila hindi isang sikat na influencer ang kanilang nakita, kundi tila isang taong tila nawawala sa kaniyang sarili.

Kaya naman napilitang magpaputok ang mga otoridad ng dalawang beses dahilan para siya ay magtamo ng mga tama ng bala.

Nagawa pang bigyan ng atensyong medikal si Michael ngunit kalaunan ay nasawi pa rin ito.

Sa loob ng ilang segundo, dalawang putok ang nagwakas sa kanyang kwento at ang mas masaklap? Nangyari ang insidente ilang araw matapos ang wedding anniversary nila ng kaniyang misis.

Patuloy pa ring iniimbestigahan ng mga otoridad ang insidente pero isa lang ang malinaw, mananatiling magbibigay apoy ang ala-alang iniwan ni michael hindi lang para sa kaniyang pamilya kundi pati na rin sa kaniyang mga tagasubaybay.

Isa itong paalala na hindi sukatan ang kasikatan o tagumpay para sabihing perpekto ang buhay ng isang tao.

Paano ka mag-iiwan ng inspirasyon? Sa pagpapanggap ba, o sa tapat na pagharap sa realidad?

November 17, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

Ika nga nila walang hirap na hindi kayang tiisin para sa taong mahal mo at kung may patunay man sa kasabihang ito, iyon ay ang lalaking nasa kwentong ito kung saan hindi alintana ng isang lalaki ang sariling karamdaman mailigtas lang ang kaniyang ina.

Kung bakit handang ialay ng lalaki ang kaniyang buhay para sa kaniyang minamahal na ina? Eto.

Isang 35-anyos na lalaki na si Jermaine mula sa West Philadelphia ang nakuhanan ng video habang bumababa mula sa 15th floor ng isang nasusunog na gusali na tila isang eksena mula sa pelikulang Spiderman.

Kahit may hip fracture si Jermaine mula sa pagkakahulog sa hagdan ilang oras bago ang sunog, hindi siya nagdalawang-isip na akyatin ang mataas na gusali. Ang kanyang layunin: siguruhing ligtas ang kanyang 65-anyos na ina na si Shelia, na isang bedridden.

Ayon kay Jermaine, isang masaklap na balita ang kaniyang natanggap na nasusunog umano ang gusaling tinitirhan ni Shelia.

Kaya naman agad-agad siyang nagtungo sa nasabing gusali pero sarado raw ang main door at hindi gumagana ang elevator kaya inakyat niya na lang ito para tiyaking ligtas sa sunog ang ina.

Hindi na raw nagulat si Shelia sa ginawa ng kaniyang anak dahil alam niya na handang sisirin ni Jermaine ang apoy para sa kaniya.

Sa mundo kung saan puno ng sakitan, away, at gulo, may mga kwento talagang nagpapaalala sa atin na may pagmamahal pa rin na handang itaya ang sariling buhay para sa minamahal.

Ikaw? Isusugal mo rin ba ang iyong buhay para sa iyong inang nasa pan

November 17, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

Marami ang nagsasabi na kapag ang tao ay nagmahal ng tapat, mananatili ang kaniyang pagmamahal hanggang kamatayan. Pero para sa lalaking ito mula sa Georgia, tila hindi sapat ang katagang “’til death do us part” Dahil para sa kaniya, nananatiling buhay ang pagmamahalan nila kahit na ang asawa niya ay matagal nang sumakabilang buhay.

Sa paanong paraan nga ba ipinakita ng lalaki ang kaniyang eternal love para sa yumao niyang misis, eto.

Sa mundong puno ng panlilinlang, nagpamalas ng ibang klaseng pagmamahal ang isang lalaki na noo’y 93-anyos mula sa Reidsville, Georgia na si Clarence Purvis para sa kaniyang misis na si Carolyn na matagal nang pumanaw.

Naantig ang puso ng mga netizen matapos makuhanan ng litrato si Clarence na kumakain sa isang fastfood habang kaharap ang litrato ng kaniyang misis at mistulang nasa isang date lang ang mga ito.

Hindi alintana ng matanda ang mga taong nakamasid sa kaniya na para bang parte na ito ng kaniyang pang araw-araw na buhay kung saan pupunta siya sa isang kainan, oorderin ang kaniyang paboritong pagkain at kukwentuhan ang litrato ng misis.

Kwento ni Clarence, 64 years na silang kasal ni Carolyn. Dahil sa pagkamiss, araw-araw niya itong dinadalaw sa sementeryo at hinahalikan ang puntod nito para daw bigyan ng morning kiss.

Bago matapos ang araw, bumabalik si Clarence ng apat hanggang limang beses sa sementeryo para muling bisitahin ang asawa.

Dahil sa pangungulila, sinisigurado ni Clarence na katabi niya pa rin hanggang sa pagtulog ang litrato ni Carolyn.

Samantala, nang tanungin naman si Clarence kung bakit araw-araw niyang bitbit ang litrato ng kaniyang misis, sinabi niya na ito ay dahil ayaw niyang mapag-isa habang kumakain.

Ang pagmamahal ni Clarence para sa kaniyang misis ay isang patunay na ang true love ay hinding-hindi magbabago kahit pa hindi na kayo kailanman magkikita pa.

Ikaw, sa paanong paraan mo ipinapakita ang pagmamahal mo sa partner mo? Kaya mo bang manatiling faithful kapag hindi kayo magkasama?

November 14, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

Kung minsan, tumatanggi ang mga lalaki na sumama sa pagsha-shopping ng kanilang partner dahil sa iba’t ibang rason katulad ng pagkainip. Pero ang lalaking ito mula sa Russia, talagang in-effortan at umabot pa sa ibang level ang ginawang acting para lang hindi masamahan ang kaniyang asawa na mag-shopping.

Kung ano nga ba ang ginawa ng mister, eto.

Umabot sa sukdulan ang ginawang escape plan ng isang lalaki mula sa Russia matapos siyang magpanggap na na-carjack ang kaniyang sariling sasakyan hindi para tumakas sa utang, kundi para takasan ang kaniyang asawa sa pagsh-shopping.

Ayon sa natanggap na ulat ng mga otoridad, tumawag umano ang asawa ng lalaki na nagsasabing ninakaw sa isang parking lot malapit sa kanilang bahay ang sasakyan ng kaniyang asawa.

Pero makalipas ang ilang oras, muling tumawag ang misis para sabihin na nahanap na ang nasabing sasakyan.

Pero habang iniimbestigahan ng mga pulis ang sasakyan, napansin nila na hindi umano nagtutugma ang script ng mister sa kalagayan ng kotse na nakitaan ng senyales na pwersahan itong pinasok.

Pero sa huli, nadiskubre ng mga otoridad na umaakting lang pala ang mister at hindi totoo na na-carjack ang kaniyang sasakyan. Kung bakit niya ito nagawa? ‘Yun ay para tumakas sa plano ng kaniyang misis na mag-shopping.

Kung inaakala ng lalaki na makakalusot siya, nagkakamali siya, dahil nabahiran ng criminal record ang kaniyang background at nahaharap sa kasong Knowingly False Denunciation sa ilalim ng Article 306 ng Russian Criminal Code.

Totoo ngang makakatakas na ito sa pagsh-shopping kasama ang kaniyang misis dahil maaari itong makulong ng dalawang taon at may kasama pang travel ban.

Marami naman ang nagbigay ng komento sa kuwento katulad na lang ng mas mahirap daw magpaliwanag sa pulis kaysa maghintay sa labas ng fitting room.

Aabot ka rin ba sa mala-oscars na acting para makaiwas sa pagsh-shopping? O sasama ka na lang para hindi ka karmahin?

November 14, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

Sabi ng karamihan, kapag nagbigay ka nang bukal sa puso, babalik ito sayo nang higit pa sa inaasahan mo. Katulad na lang ng batang babae sa kuwentong ito na walang pagdadalawang-isip na i-dinonate ang laman ng kaniyang piggy bank para sa mga nangangailangan. Pero sinong mag-aakala na pagkalipas ng mahabang panahon ay babalik pa sa kaniya ang ipinamigay niyang pera at triple pa ang halaga.

Kung ano nga ba ang naging karma ng matulunging babae, eto.

Musmos at may gatas pa sa labi si Juliette Lamour nang maisipan niyang mag-donate ng pera mula sa kaniyang alkansiya para sa mga biktima ng lindol sa Haiti noong 2010.

Pero pagkalipas ng labintatlong taon, sinong mag-aakala na masusuklian pala ang kagandahang loob na ipinamalas niya sa paraang napapaginipan lang ng iba?

Ang dalaga kasi, nanalo lang naman ng 48 million Canadian Dollar o halos dalawang bilyong piso mula sa kaniyang first lottery experience.

Kuwento ni Juliette, napabili siya ng lottery ticket sa kaniyang mismong 18th birthday dahil sa impluwensiya ng kaniyang Lolo at para rin umano maranasan niya ang tumaya.

Nawala na nga raw sa isip ni Juliette na tumaya pala siya sa lotto at naalala niya na lang ito nang mabalitaan na sa lugar nila nagmula ang winner.

Nang magbaka sakali si Juliette na tingnan ang resulta, halos hindi siya makapaniwala nang mabasa niya sa kaniyang cellphone ang katagang “Big Winner”.

Hindi maipaliwanag ang naramdamang saya ng pamilya ni Juliette dahil sa isang iglap lang ay nangyari na ang pinakamalaking plot twist sa kaniyang buhay.

Samamtala, plano ng dalaga na gamitin ang pera para ituloy ang kaniyang pag-aaral at kumuha ng kursong medicine habang patuloy na isasabuhay ang pagiging mabuti sa kapwa.

Pinatunayan ng kwentong ito na tunay ngang bilog ang mundo, dahil kahit ilang taon pa ang lumipas, babalik at babalik pa rin sayo ang mga kabutihang ginawa mo.

Ikaw, ano ang gagawin mo sa premyo kapag nabalitaan mo na sa wakas ay tumama rin ang mga itinaya mong numero?

November 13, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

Man’s bestfriend kung ituring ng karamihan ang mga aso at para naman sa mga furparents ay tila anak kung pahalagahan nila ang mga ito. Kaya ganon na lang ang pag-aalala ng isang rescue team mula sa Chile sa kalusugan ng isa sa kanilang rescue dogs dahil sa pagiging unresponsive nito. Pero nang dalhin nila ito sa isang Veterinarian clinic, healthy naman daw pala ang aso.

Kung bakit nga ba hindi kumikibo ang aso? Eto.

Isang anim na taong gulang na rescue dog mula sa Chile Na Pinangalanang Don Luis ang nagbigay ng tuwa sa online world matapos i-share ng Fundación Santas Patitas ang ginagawa nitong pakulo.

Ayon sa organisyasyon, takot at aggressive si Don Luis nang i-rescue nila ito mula sa isang aksidente pero kalaunan ay naging friendly na rin naman ang aso.

Pero isang araw, dinala ng rescue team sa isang veterinary clinic si Don Luis sa pag-aalala na baka nabulag ito dahil napansin nila na naging unresponsive at tila wala itong pakialam sa kaniyang paligid.

Pero nang matapos ang check up, lumabas sa resulta na walang problema sa kalusugan ang aso at sinadya lang talaga ni Don Luis na mangdedma lalo na kung wala ito sa mood.

Ang mga netizen, tinawag pa si Don Luis na patron saint of settng boundaries at mayroon ding mga nakaka-relate dahil ito raw ang kanilang mood tuwing Lunes–ang hindi mamansin ng iba o mangdedma.

Dahil dito, mas naintindihan ng mga rescuers ang ugali ni Don Luis at hindi na manghihingi pa ng atensyon mula sa aso dahil dededmahin lang din naman daw sila nito.

Samantala sa kabila ng aliw na naibigay ni Don Luis, nananawagan pa rin ang kaniyang rescue team ng pamilyang magmamahal at handang mag-alaga sa kanilang sweet at silent lover na aso.

Ikaw ba, hindi ka rin ba namamansin kung wala ka sa mood? O gusto mo lang ng personal space?

November 13, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

Isang malaking compliment ang maihambing o masabihan na mayroon tayong kamukhang artista. Pero sino ang matutuwa kung ang magiging lookalike mo ay isang kriminal? Nasayang ang labimpitong taon sa buhay ng isang lalaki mula sa Kansas, matapos itong makulong dahil sa kasong ginawa ng isang lalaki na kapangalan niya na nga, kamukha niya pa. Ang akusado, nag-demand ng milyong halaga ng kompensasyon bilang kabayaran sa perwisyo.

Ang buong kwento ng isang kaso ng mistaken identity, eto.

Taong 1999 nang arestuhin si Richard Anthony Jones mula sa Kansas City, U.S.A. Dahil sa kasong aggravated robbery matapos umano nitong subukang nakawin ang bag ng isang babae sa labas ng isang grocery store pero tanging cellphone lang ang nakuha nito dahil nanlaban ang biktima.

Sa pamamagitan ng mga witness na nakakita sa plate number ng sasakyan na ginamit sa krimen, natunton ng mga imbestigador ang bahay ng isang lalaking nagngangalang Rick Amos.

Nagpunta naman ang driver ng nasabing sasakyan sa presinto at naghanap sa photobook ng lalaking nagngangalang Richard at nahahawig umano sa itsura ng suspek.

Si Richard Jones na dati nang may criminal record, napagbintangan at napagkamalang si Ricky Lee Amos, ang tunay na suspek.

Bagama’t sinubukang patunayan ni Jones sa korte na sa araw at oras na nangyari ang krimen ay nasa birthday party siya ng kaniyang girlfriend at marami ang nakakita sa kaniya, hindi ito pinaniwalaan ng jury at nasentensyahan ng 19 na taong pagkakakulong.

Habang nasa bilangguan, nakahanap ng pag-asa si Jones sa non-profit organization na Midwest Innocence Project na siyang tumulong sa paghahanap sa tunay na suspek.
Makalipas ang 18 taong pagbabayad sa kasalanan ng ibang tao, si Jones, nakalaya na.

Kasabay nito ay ang kompensasyon na $1.1 million, counseling, health benefits, at iba pang benepisyo na kabayaran sa mga nasayang na taon sa buhay nito.

Bagama’t hindi na maibabalik pa ang mga panahon na iginugol ni Jones sa bilangguan, sinabi ng abugado nito na wala itong sama ng loob kay mos.

Ikaw, anong kompensasyon ang hihingin ko kapag sayo nangyari ang malagim na kwento na ito?

November 12, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

Aakalain mo na na-predict at napaghandaan ng isang lalaki sa Florida ang kahihinatnan niya nang magsuot ito ng uniporme ng mga inmate bilang costume para sa Halloween. Habang naka-costume kasi, hindi inaasahang naaresto ang lalaki dahil sa iligal na pagmamaneho noong bisperas ng Undas.

Kung nagtagal nga ba sa kulungan ang tila prepared na inmate na ito, eto.

Nagmamaneho noon sa Port St. Lucie, Florida kinaumagahan ng bisperas ng undas ang 18-anyos na si Jimmie Glover mula sa isang party nang pahintuin ito ng mga pulis para sumailalim sa sobriety test o ‘yung uri ng assessment na ipinapagawa ng mga law enforecement sa mga motorista para kumpirmahin kung nakainom ba ito ng alak o gumamit ng droga bago magmaneho.

Sa isang parking lot, kinuhanan ang video kung saan pinaglakad ito sa isang linya para alamin kung makakapaglakad ito nang tuwid. Maitatawid na sana ng lalaki ang test pero nahuli pa itong gumewang bago natapos ang video.

Sa kabila ng efforts ng lalaki, bumagsak pa rin ito sa assessment at tuluyang napunta sa kostodiya ng mga pulis dahil sa legal charge na DUI o Driving Under the Influence at sa pagtanggi nito na sumailalim sa sobreity test.

Kung titingnan, bagama’t wala sa plano ng lalaki na mahuli matapos manggaling sa isang halloween party, nagmukha itong prepared na maaresto dahil sa suot nitong uniporme ng inmate bilang costume.

Nagbiro pa nga ang police department na mas pipiliin nilang rumesponde dahil sa makatotohanang costume ng mga party-goer at hindi dahil sa DUI. Nagpaalala rin ang mga ito na mag-celebrate responsibly.

Gayunpaman, tila nag-overnight lang naman ang lalaki sa prisinto at pinalaya rin pagkalipas ng sampung oras.

Ikaw, ano ang costume mo noong halloween? Tandaan, labanan yan ng creativity, pero make sure na hindi mao-offend ang inspirasyon ng costume mo.

November 12, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

Minsan mo na rin bang nakalimutan kung saan mo pinark ang sasakyan mo? Bukod kasi sa pagiging makakalimutin, talaga namang nakakaligaw ang mga parking lot. Ganyan din ang nangyari sa isang lalaki mula sa Germany na nakalimot kung niya ipinarada ang kaniyang sasakyan at muli itong natagpuan after 20 years.

Kung paano nga ba nag-reunion ang dalawa, eto.

Taong 1997 nang iparada ng isang hindi pinangalanang lalaki mula sa Frankfurt, Germany ang kaniyang sasakyan sa garahe ng isang industrial building.

Bilang modern na ngayon at tinetake advantage na ng mga car owner ang camera ng kanilang cellphone, uso na ang pagpi-picture sa mga nakakalat na signage sa mga parking area bilang palatandaan kung saan sila pumarada.

Pero ang lalaki sa kwentong ito, matapos pumarada, kataka-taka na hindi muling nakita pa ang kaniyang sasakyan. Wala rin itong kaide-ideya na iyon na pala ang huling pagkakataon na masasakyan niya ito.

Ayon sa mga ulat, inireport ng lalaki sa mga pulis ang pagkawala ng nasabing kotse dahil sa pag-aakala na ninakaw ito.

Pagdating naman ng 2017, natagpuan ng mga otoridad ang sasakyan at agad na hinanap ang owner na noong panahon na yon ay 76-anyos na para dalhin sa kaniyang long lost car.

Bagama’t huli na ang lahat, muling nakita ng lalaki ang kaniyang sasakyan sa kaparehas na lugar kung saan niya ito ipinarada dalawampung taon na ang nakararaan.

Ayon sa mga pulis, nakatakda nang i-demolish ang building kung saan naiwan ang kotse na sa kasamaang palad ay hindi na maaaring magamit pa kung kaya dinala na ito sa tambakan ng mga basura.

Sa katunayan, kung titingnan, hindi ang kotse ang nawala, kundi ang owner nito.

Ikaw, makakalimutin ka rin ba? Kung ganon, simula ngayon, humanap ka na ng palatandaan kung saan ka paparada at baka hindi mo man lang masulit ang perang ipinambayad mo sa sasakyan.

November 11, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

Kadalasan, last minute checking ang pinaghahandaan ng mga kababaihan bago ang mismong araw ng kanilang kasal. Pero ang soon-to-be-bride na ito sa China, pinaghandaan ang pagsailalim sa surgery matapos madiskubre ng mga doktor na biologically, isa pala itong lalaki dahil sa nakitang male testicles sa loob ng tiyan nito.

Kung naging matagumpay ba ang operasyon ng bride, eto.

Bata pa lang ay nagtataka na ang noo’y 27-anyos na babae na tinago sa pangalang Li Yuan mula sa probinsya ng Hubei, China dahil hindi umano siya dinadatnan at delayed na nag-develop ang kaniyang mga dibdib.

Sa edad na 18, na-diagnose ito ng abnormal hormone levels at maagang binalaan na may potensyal din itong magkaroon ng ovarian failure.

Dahil sa mga komplikasyon ni Li sa kalusugan, inabisuhan ito ng doktor na sumailalim sa chromosome test pero hindi nila ito sineryoso ng kaniyang pamilya.

9 years later, doon lang naisipan ni Li na sumailalim sa nasabing test kung saan na-diagnose siya ng rare disorder na Congenital Adrenal Hyperplasia (CAH) o ang pagkakaroon ng imbalanced hormones. Sa sobrang rare nito, tanging isa sa 50,000 babies ang nagkakaroon ng nasabing sakit.

Ayon sa doktor, babae si Li pero mayroon itong male chromosomes, dahilan kung bakit mayroong na-detect na male testicles sa loob ng tiyan nito.

Bukod pa riyan, kapwa mayroong recessive disorder-causing genes ang mga mabulang ni Li at mayroong isa sa apat na tyansa na mamana niya ito.

Gayunpaman, agad na sumailalim si Li sa operasyon para tanggalin ang male testicles para maagapan ang posibilidad na magdulot ito ng cancer.

Dahil ipinagsawalang bahala noon ni Li ang kaniyang kondisyon, nagkaroon na ito ng osteoporosis at vitamin D deficiency.

Samantala, ayon sa mga ulat, wala naman nang balita tungkol sa nasabing kasal na pinaghahandaan nito.

Ikaw, ano ang gagawin mo kapag nagkaroon ng ganitong rebelasyon bago ka ikasal? Saan ka huhugot ng lakas ng loob para umamin sa fiance mo?

November 11, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest