Home NATIONAL NEWS EXPLAINERS

EXPLAINERS

Kumakapit sa patalim ang mga taong matindi ang pangangailangan sa buhay kung saan sa mabilisang paraan na lang sino-solusyunan ang kanilang problema at hindi na lumalaban nang patas.

Pero kakaiba ang mga magnanakaw sa kwentong ito dahil naging pihikan ang mga ito sa kanilang ninanakaw.

Kung ano ang specific na bagay ang in-ispatan ng mga kawatan? Eto.

Labis na ikinaalarma ng mga otoridad sa London ang pagtaas ng kaso ng phone theft pero tila mas nakaka-alarma ang modus ng mga kawatan dahil pinipili ng mga ito ang kanilang ninanakaw.

Batay sa salaysay ng isa sa mga nanakawan na si Mark, habang nasa labas siya ng kaniyang pinagta-trabahuan, bigla na lang umano hinablot ng lalaking nakasakay ng e-bike ang kaniyang cellphone.

Sinubukan niya pa itong habulin pero dahil sa bilis ng takbo ay hindi niya na ito nahabol pa.

Pero natigilan daw si Mark nang mapansin niyang huminto ang mga kawatan habang sinusuri ang kaniyang cellphone at bigla na lang itong hinagis sa gilid ng daan bago umalis.

Nakuha raw ulit ni Mark ang kaniyang cellphone pero nakaramdam siya ng rejection at naapakan daw ang kaniyang ego dahil sa naging asta ng mga kawatan.

Sa iba pang insidente, ayon naman kay Simon na nanakawan din ng telepono, kinausap umano siya ng isang lalaki sa daan at tinanong kung gumagamit ba siya ng music app.

At nang inilabas daw ni Simon ang kaniyang cellphone, bigla na lang umano naglakad palayo ang kaniyang kausap at narinig niyang sinabi sa kasabwat nito na “phone’s dead, not iPhone”

Dahil sa insidente, napansin ng mga otoridad na dumami ang bilang ng mga nanakawan na iOS users kumpara sa mga android users.

Ayon naman sa isang cybersecurity advisor na si Jake Moore, tina-target ng mga kawatan ang iPhone dahil mas mataas ang halaga nito kumpara sa android at pwede nila itong ibenta sa presyong gusto nila.

Ikaw, mao-offend ka ba dahil hindi tinuloy ng magnanakaw na nakawin ang cellphone mo? O magpapasalamat ka na lang?

December 1, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

Puso at pagmamahalan ang umiral tuwing araw ng mga puso pero kabaliktaran ang nangyari sa isang paaralan sa Florida dahil sa nakakabinging putok ng baril na narinig sa buong school campus.

Imbes bulaklak ang pupuno sa bawat sulok ng paaralan, dugo ang dumanak dahil sa mga nasawing buhay pero kagaya ng mga kwento sa pelikula na mayroong bida, hindi nagpahuli ang isang estudyante na iligtas ang kaniyang mga kaklase dahil sa shooting incident sa kanilang paaralan.

Kung anong katapangan at kabayanihan ang ginawa ng lalaki? Eto.

Isang madugong insidente ang nangyari sa Majory Stoneman Douglas High School sa Parkland, Florida noong February 14, 2018 na ikinasawi ng 14 na estudyante at tatlong school staff.

Batay sa imbestigasyon, umalingawngaw ang putok ng baril sa building 12 ng paaralan kaya agad nagsitakbuhan ang mga estudyante para magtago sa isang classroom pero bago nila ito nagawa ay naabutan sila ng gunman na si Nikolas Cruz.

Pero labis na ikinabigla ng mga estudyante ang ginawa ni Anthony Borges na noo’y 15-anyos pa lang, dahil hinarang niya ang kaniyang katawan sa pinto ng classroom para mailigtas ang kaniyang mga kaklase.

Ayon sa salaysay ng kaniyang bestfriend na si Carlos Rodriguez, nabaril ng apat na beses si Anthony sa likod at sa paa.

Bago isugod sa ospital si Anthony, nagawa pa umano nitong tawagan ang kaniyang ama na si Royer Borges at sinabi na may bumaril sa kaniya.

Matagumpay na nailigtas si Anthony matapos siyang sumailalim sa 9 na surgeries dahil sa tindi ng tinamong pinsala ng kaniyang katawan.

Samantala, ang suspek na si Nikolas ay naharap sa life sentence imprisonment at ipinagbabawal din ng gobyerno na gamitin ang kwento ni Nikolas at Anthony para i-rpoduce at gawing movie o libro ng kahit anong media company.

Bukod dito, pumayag din si Nikolas na i-donate ang kaniyang katawan sa siyensa at maging organ donor sa institusyon na mapipili ni Anthony.

Ito ang ginawang settlement ng mga otoridad at abogado ng pamilya ni Anthony para tiyakin ang hustisya at ang kapakanan ng teenager.

Sa kasalukuyan, patuloy na nagpapagaling si anthony sa kaniyang post-traumatic stress disorder dahil sa insidente.

Ikaw, hindi ka rin ba magdadalawang-isip na iligtas ang mga tao sa paligid mo sa oras ng kapahamakan?

December 1, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

Hindi lingid sa ating kaalaman na ang tunay na yaman ng magulang ay ang tagumpay ng anak na bunga ng kanilang pagod at sakripisyo kagaya na lang ng mga magulang sa Vietnam kung saan kakaibang paraan ang kanilang naisip para makapasok sa paaralan ang kanilang mga anak sa gitna ng matinding pagbaha sa kanilang lugar.

Kung bakit paglalagay sa plastic bags ang naisip ng mga magulang? Eto.

Hindi nagpatinag sa tubig-baha ang mga magulang mula sa isang village sa Vietnam matapos silang makuhanan ng video noong 2013 na nilalagay sa loob ng malaking plastic bags ang kanilang anak para umano makapasok sa paaralan.

Ayon sa ulat, ito ang pamamaraan ng mga magulang para hindi makaliban sa klase ang kanilang anak matapos masira ang tulay na tatawiran sana ng mga ito dahil sa baha.

Makikita sa video na binabalot ng lalaki ang isang bata sa malaking plastic bag bago lumangoy sa ilog na hanggang leeg ang lalim habang hila-hila ang plastic bag at pagkatapos na matagumpay na maitawid ang bata ay babalik ito para muling gawin sa iba pang bata.

Ayon sa teacher na si Tong Thi Minh na siyang kumuha ng video, normal na pangyayari ito sa nasabing lugar dahil sa matinding baha na nararanasan nila noong panahong iyon.

Kung iyong papanooring mabuti, tila sanay na sanay na ang lalaki sa kaniyang ginagawa at hindi alintana ang lalim ng ilog para tiyaking ligtas ang mga estudyante kung saan nakikita rin dito ang kanilang determinasyong makamit ang kanilang mga pangarap sa buhay.

Ikaw, isasakripisyo mo rin ba ang iyong buhay para suportahan ang pangarap ng iyong anak?

November 28, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

Laging sinasabi ng ating mga lolo at lola na maghanap tayo ng mapapangasawang matapat at mapagmahal para masaya ang ating buhay pamilya.

Katulad na lang ng mag-asawa sa kwentong ito na hindi ininda ang “‘til death do us part” na vow nila sa kanilang kasal dahil kahit pumanaw na ang asawa nito ay tila buhay pa rin ang kanilang pagmamahalan.

Kung anong klaseng pagmamahal ang ipinakita ng magsasaka? Eto.

Noong 1977, nanirahan sa argentina ang mag-asawang sina Pedro Martin Ureta at Graciela Yraizoz na noo’y 25-anyos pa lang.

Isang araw, habang nasa himpapawid ang mag-asawa, napansin ni Graciela ang isang farm na milk pail-shape at doo’y nabanggit niya kay Pedro na gusto niya rin ng ganong farm pero dapat hugis gitara ang disenyo dahil ito ang paborito niyang instrumento.

Tiniyak naman ni Pedro na pag-uusapan nila ang iba pang detalye sa hiling ni Graciela pero sa kasamaang palad, hindi na nila ito muling napag-usapan nang pumanaw si Graciela dahil sa brain aneursym habang ipinagbubuntis ang kanilang anak ni Pedro.

Kahit ilang taon na ang lumipas, hindi kinalimutan ni Pedro ang huling hiling ni Graciela na guitar-shaped forest kaya naman noong 1979, sinimulan na ni Pedro at ng kaniyang apat na anak ang pagtatanim ng 7,000 puno sa kanilang farm sa Cordoba, Argentina.

Cypress trees ang itinanim nila para magsilbing outline ng gitara at ng star shaped na makikita sa gitna nito, habang eucalyptus trees naman ang kanilang itinanim na nagsilbing strings ng gitara.

Hindi lang mga kaibigan at pamilya nina Pedro at Graciela ang saksi ng kanilang pagmamahalan dahil kahit ang NASA ay gumawa rin ng documentation para dito, matapos itong makita mula sa space gamit ang advanced spaceborne thermal emission and reflection radiometer o ASTER sa Terra satellite.

Hindi lang ‘yan, dahil hanggang ngayon, visible din ang guitar-shaped forest sa Google Earth kung saan ilalagay mo lang sa search bar ang Estancia La Guitarra at makikita mo na ang kamangha-manghang hugis gitara na garden.

Marami ang naantig sa unconditional love na ipinamalas ni Pedro para kay Graciela at hindi inaakala ng karamihan na posible pala ang ganitong pagmamahalan.

Ayon kay Pedro, ginawa niya ang forest guitar-shaped bilang tanda ng kaniyang pagmamahal at alaala ni Graciela.

Ikaw, paano mo ipapamalas ang pagmamahal mo para sa iyong kabiyak? Susungkitin mo rin ba ang mga bituin para sa kaniya?

November 28, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

Ika nga nila, ang buhay ay hindi karera at may kaniya-kaniya tayong panahon para umabante sa buhay katulad na lang ng matandang babae sa kwentong ito na hindi hinayaang hadlangan siya ng kaniyang suliranin sa buhay upang hindi ituloy ang kaniyang pag-aaral.

Kung anong matinding pagsubok ang nalampasan ng babae? Eto.

Isang 81-anyos na babae na pinangalanang si Ann Gabb mula England ang nagtapos ng kolehiyo at nakakuha ng bachelor’s degree in arts and humanities sa isang Open University.

Ibinahagi ng anak ni Ann na si Andrew Gabb na na-diagnosed ang kaniyang ina ng blood cancer at magkasunod din na pumanaw ang kaniyang ama na si Trevor Gabb at ang kaniyang kapatid na si Wendy Jones habang nag-aaral ang ina.

Ayon kay Gabb malaki ang ipinagbago ng buhay nila simula nang mawala ang kaniyang ama at kapatid pero hindi hinayaan ni Ann na mawalan siya ng pag-asa para makamit ang kaniyang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral.

Sa araw ng graduation noong October 2025, tinatayang nasa 2,000 katao ang dumalo sa graduation ceremony na ginanap sa Symphony Hall sa Birmingham at nang inanunsyo ang pangalan ni Ann, nakakabinging hiyawan at palakpakan ang narinig sa apat na sulok ng hall.

Labis na ipinagmalaki ni Gabb ang kaniyang ina dahil sa ipinamalas na kasipagan at katapangan matapos nitong malampasan ang pagsubok sa buhay at nagtapos ng pag-aaral.

Nais din iparating ni Ann sa mga tao na walang limitasyon sa edad ang edukasyon at hindi required na kailangan 20-anyos ang isang tao para maging estudyante.

Umaasa si Ann na bigyang pansin ang kaniyang kwento at magsilbi itong inspirasyon sa karamihan dahil pinatunayan ng kwentong ito na walang imposible sa taong may pangarap.

Ikaw, nais mo rin bang gumawa ng kakaiba na magbibigay inspirasyon sa mga tao para huwag sumuko sa buhay?

November 27, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

Ika nga nila, ang tunay na kaibigan ay sasamahan ka sa hirap at ginhawa dahil siya ang magsisilbing karamay mo sa lahat ng pagkakataon.

Katulad ng magpinsan sa kwentong ito na walang sawang ipaliwanag sa kaniyang pinsan ang detalye ng bawat pangyayari sa isang football match.

Kung anong kabayanihan ang ipinakita ng lalaki? Eto.

Dream come true para sa mga fans ang mapanood na maglaro ang kanilang idols ng live katulad na lang ng magpinsang sina Stephen Garcia at Mike Kearny na parehong fan ng isang football team.

Noong 2018, nakuhanan ng video sina Stephen at Mike na parehong abot tenga ang ngiti matapos manalo ang kanilang paboritong football team ngunit kapansin-pansin ang paulit-ulit na paglapit ni Stephen sa tenga ni Mike.

‘Yon pala, mayroong sight problems si Mike at ikinuwento ni Stephen sa kaniya ang bawat nangyayari sa football field, kung sino ang naka-score, kung anong team ang nanalo, at kung paano nag-agawan ang mga players sa bola.

Matapos mag-viral ang tagpong ‘yon, inimbitahan ni Mo Salah, ang team star ng kanilang paboritong team, sina Stephen at Mike para manood ng final game ng nasabing laban.

Dito, nakilala at nakita nila ng personal si Mo Salah at ibang players at nabigyan pa sila ng jersey mula sa team player.

Habang papalapit si Mo Salah sa dalawa ay sinasabi rin ni Stephen kay Mike kung saan inilalarawan din niya ang height ng player.

Para kay Stephen, normal na gawain na lang sa kaniya ang idetalye kay mike ang bawat ganap sa football field para maimagine ni Mike ang nangyayari at para makasabay siya sa tagumpay ng ibang football fans.

Ayon kay Mike, kung ang mga fans ay masayang naghihiyawan, doon niya nalalamang nakaka-score ang kanilang sinusuportahang grupo pero kung ang naririnig niya ay malalakas na buntong-hininga, doon niya nalalamang kalaban ang nagwagi.

Marami ang naantig sa tagpo ng magpinsan at nagbahagi ng kanilang paghanga sa samahan ng dalawa habang nagsilbi namang inspirasyon si Mike para kay Mo Salah na pag-igihan at ipagpatuloy ang kaniyang paglalaro.

Ikaw, ikakahiya mo ba ang magkaroon ng kaibigan na may kapansanan? O handa mo rin siyang samahan sa hirap at ginhawa?

November 27, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

Ika nga nila, kung pag-uusapan ang isang tao ay dapat walang makaririnig o dapat walang bakas ng ebidensya maiiwan dahil baka matulad kayo ng mga doktor sa kwentong ito na kinasuhan ng kanilang pasyente dahil sa pang-iinsulto sa kaniya habang tulog.

Kung ano nga ba ang ginawa ng mga doktor? Eto.

Isang hindi pinangalanang lalaki mula sa Vienna, Virginia ang nagsampa ng kaso laban sa kaniyang mga doktor matapos niyang aksidenteng marinig na siya ay iniinsulto ng mga ito habang nasa ilalim ng anesthesia at isinasagawa ang colonoscopy medical procedure.

Ayon sa lalaki, ginamit niya ang kaniyang cellphone para i-record ang mga bilin sa kaniya ng mga doktor para sa mga dapat at hindi dapat gawin sa kaniyang post-operative care pero nakalimutan niyang patayin ang recording hanggang sa sinimulan na ng mga doktor ang colonoscopy.

Habang pauwi ang lalaki mula sa ospital, pinakinggan niya na ang ni-record na mga bilin ng doktor pero sa hindi inaasahang pagkakataon, narinig at natuklasan niya ang mga pinagsasabi ng kaniya ng anesthesiologist na si Tiffany Ingham at iba pang medical staff tungkol sa kaniya.

Inihayag ni Ingham na gusto niyang suntukin ang pasyente pagkatapos ng kanilang limang minutong pag-uusap tungkol sa pre-op procedures.

Pero hindi lang ‘yan dahil nais pa umanong lagyan ni Ingham ng false diagnosis ang pasyente matapos niyang sabihin na mamarkahan niya ng hemorrhoids ang chart nito kahit wala namang nakitang sintomas na mayroon siyang hemorrhoids.

Hindi pa nagpaawat ng komento si Ingham nang mahawakan ng medical assistant ang genital area ng pasyente at sinabi niyang maaari siyang makakuha ng sexually transmitted infection dahil dito.

Inamin ng lalaki na nakararanas siya ng mental anguish, lack of focus at anxiety dahil sa insidente na kinakailangan niyang kumonsulta ng healthcare professionals at bigyan ng anti-anxiety medications.

Napagesisyunan ng lalaki na sampahan ng defamation, intentional and negligent infliction of emotional distress, violation of virginia health codes at medical malpractice sina Ingham at iba pang medical staff gamit ang recording bilang ebidensya.

Matapos ang tatlong araw na trial, nanalo ng $100,000 ang lalaki dahil sa defamation, $200,000 dahil sa medical malpractice at dagdag na $200,000 dahil sa punitive damages o sa kabuuan ay mahigit 29 million pesos.

Naglabas din ng pahayag ang kumpanyang pinagta-trabahuan ni Ingham kung saan hindi na umano associated ang doktor sa kanila at titiyaking susundin na ng kanilang anesthesia staff member ang professional organization’s code of ethics.

Ikaw, hindi mo rin ba palalampasin ang gagawing paninira at pang-iinsulto sa iyo at sisiguruhing mananagot ang mga ito sa batas?

November 26, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

Hulog ng langit kung ituring ng karamihan ang isang pangyayari kung saan nasolusyunan na o nabigyan na ng kasagutan ang kanilang pinagdaraanang problema. Kagaya na lang ng lalaki sa kwentong ito na may iniindang sakit at tila naghihintay na lang ng himala para siya ay gumaling na.

Kung anong himala ang dumating sa lalaki? Eto.

Isang normal lang na araw kung ituring ni Krissy Miler na noo’y 49-anyos na house wife at isang lisensyadong social worker ay matagal nang may kagustuhang makapag-donate ng kidney matapos niyang makita ang isang social media post kung saan isang lalaki ang nangangailangan ng kidney.

Ayon sa kaniya, kung asawa niya ang nasa gano’ng kalagayan ay gusto niyang may tumulong sa kanila kaya naman napagdesisyunan niyang mag-donate para sa lalaki pero sa kasamaang palad, hindi siya qualified maging kidney donor dahil mataas ang kaniyang blood sugar at kailangan niya munang magbawas ng 10 pounds para bumaba ang kaniyang blood sugar.

Mula noon, naging inspirasyon ni Krissy ang kaniyang ideyang maging kidney donor kaya sinimulan niyang mag-hiking ng tatlo o apat na beses sa isang linggo at mag intermittent fasting hanggang sa tuluyan nang mabawasan ang kaniyang timbang.

Dagdag pa ni Krissy, bago siya maghiking sa Y mountain sa Provo, Utah noong September 14, 2023, ay naisipan niyang magdasal muna at manghingi ng patnubay sa maykapal kung dapat pa ba niyang ipagpatuloy ang pagdo-donate ng kidney o i-let go na lang niya ang ideyang ito.

Ngunit sa isang pambihirang pagkakataon, nakilala niya si Shiller Joseph na noo’y 46-anyos na isang former paramedic, volunteer firefighter at pastor at ang kaniyang asawa na si Rhona habang nagha-hiking.

Nagkaroon sila ng kaunting kwentuhan hanggang sa ibahagi ni Joseph na lumipat sila ng kaniyang pamilya sa Utah mula Florida noong March 2020 dahil sa kaniyang paniniwala na mas bibilis ang proseso ng pila sa kidney transplant sa Utah kesa sa Florida.

Nang marinig ito ni Krissy, napaiyak na lang siya dahil nakita niya ito bilang kasagutan sa kaniyang dasal bago siya magsimula mag hiking.

Si Joseph pala ay na-diagnose ng lupus noong siya ay 20-taong gulang pa lang at hanggang sa naapektuhan na ang kaniyang kidney dahil sa pagtaas ng kaniyang high blood pressure at pagdagdag ng kaniyang timbang at aniya, nagsimula na siyang mag-dialysis noong 2021.

Tinanong niya muna si Joseph kung ano ang kaniyang blood type at nang malamang parehas ang kanilang blood type na O+ ay saka niya sinabi na ido-donate niya ang kaniyang kidney kay Joseph.

Sa isang normal na araw at pambihirang pagkakataon, swerte, himala, at hulog ng langit ito para kay Joseph at Rhona kaya naman agad nilang ibinigay ang impormasyon sa isa’t isa para sa kanilang susunod na hakbang.

Marami ang humanga sa kwento ng dalawang tao na tila piangtagpo ng tadhana na pati doktor nila ay testigo na rare o hindi pangkaraniwang sitwasyon na naging great match si Joseph at Krissy.

Naging matagumpay ang kidney transplant para kay Joseph at hanggang ngayon, nagpapatuloy ang kanilang pagkakaibigan kung saan naging close friends na ang kanilang mga pamilya.

Ikaw, minsan ka na bang nagkaroon ng kagustuhang tumulong sa iyong kapwa at magsilbing anghel para sa buhay ng iba?

November 26, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

Sabi nga nila, kapag nalagay sa alanganin ang buhay mo at himalang nakaligtas ka pa rin, ibig sabihin ay hindi mo pa oras. Kagaya na lang ng isang babae mula sa United Kingdom na bigla na lang inatake sa puso habang nasa ere. Ang babae na maliit ang tyansa na maka-survive, nabigyan ng second chance dahil ang sinasakyan niyang eroplano, puno pala ng mga cardiologist.

Ang kwento ng kabayanihan ng labinlimang doktor, eto.

Bumibiyahe ang noo’y 67-anyos na si Dorothy Fletcher mula sa Manchester City, England patungo sa Florida para sana um-attend sa kasal ng kaniyang anak nang bigla itong atakehin sa puso habang nasa eroplano.

Mabilis namang kumilos ang mga flight attendant at nanawagan para magbaka sakali na makahanap ng doktor na magbibigay ng paunang lunas kay Fletcher.

Sa isang pambihirang pagkakataon, labinlimang pasahero ang sabay-sabay na tumayo para tumugon sa tawag ng tungkulin.

Ang eroplano, mayroon palang sakay na labinlimang cardiologists na patungo sa Orlando para um-attend sa isang conference.

Gamit ang mga medical equipment na nasa eroplano, matagumpay na na-control ng mga doktor ang sitwasyon at ligtas na isinugod sa ospital ang pasyente matapos mag-emergency landing ng eroplano sa North Carolina.

Bagama’t inaatake sa puso, sinabi ni Fletcher na nakita pa niya kung paano mabilis na rumesponde ang kapwa niya pasahero na mga doktor. Aniya, gusto pa niya sanang magpasalamat sa mga doktor pero hindi na niya nakilala pa ang mga ito.

Gayunpaman, sa tulong ng mga tila superhero na kasama nilang lumilipad sa ere nang mangyari ang insidente, nagawang um-attend at masaksihan ni Fletcher ang kasal ng kaniyang anak.

Ikaw, naisalba ka na rin ba ng mga good samaritan noong mga panahon na ikaw naman ang nangangailangan?

November 25, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

Nakakita ka na ba ng kasal na may policy na ‘No pay, No entry’? Sa sobrang gastos magpakasal, nade-delay ang dream wedding ng iba dahil hindi pa afford ng budget. Pero ang mag-asawa na ito sa New York, may kakaibang strategy para makatipid at ma-achieve ang kanilang dream wedding sa pamamagitan ng paniningil sa kanilang mga bisita para makadalo sa kasal.

Kung mayroon nga bang mga um-attend na invitees, eto.

Uso ngayon sa social media ang pagshe-share ng mga newly-weds ng mga hindi pangkaraniwang activities na ginawa nila para gawing exciting, simple, o kakaiba ang kanilang kasal.

Katulad na lang ng mag-asawang Nova at Reemo Styles mula sa New York City na ikinasal noong 2023. Ibinida nila sa kanilang account na dumaan muna ang mga bisita nila sa sound meditation habang nakasakay sa isang double-decker bus.

Hindi rin pahirapan ang paghahanap ng outfit para sa mga guests dahil ang kanilang dress code, New York City street style denim look. Ang goal ng mag-asawa ay maging komportable ang guests dahil inabot ng labindalawang oras ang kasal.

Nakakabilib man ang hindi nila pagsunod sa tradisyon, naging usap-usapan naman ang mga ito dahil sa paniningil nila sa mga bisita.

Sa katunayan, 350 ang imbitado sa kasal pero 60 lang ang dumalo.

Sa isang panayam, sinabi ng mag-asawa na nagdesisyon silang pagbayarin ang mga bisita ng $333 o mahigit 19,000 pesos matapos ma-realize na mahal ang magpakasal sa New York City at maaaring abutin ng mahigit 8 million pesos.

Gayunpaman, bagama’t kinwestyon ng ilan ang kasal na tila may ticketing system, tinawag naman itong matalinong desisyon ng iba, lalo na at hindi sila natakot na maging kakaiba sa nakasanayan ng karamihan.

Ikaw, mayroon ka na bang naiisip na non-traditional activities na balak mong gawin sa sarili mong kasal?

November 25, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest