Home NATIONAL NEWS EXPLAINERS

EXPLAINERS

Kung inaakala mong tao lang ang may kakayahang magkalat ng lahi, nagkakamali kayo diyan dahil mayroong guinea pig sa England na hinihinalang nakabuntis sa isandaang mga guinea pigs matapos makapasok sa kulungan ng mga ito.

Ang kwento ng avdenturous na guinea pig, eto.

Nagulat na lang ang mga tauhan sa isang pasyalan sa England na Hatton Country World nang madiskubre nilang buntis ang isandaan sa mga guinea pigs na nasa kanilang pangangalaga.

Hanggang sa napag-alaman ng mga tauhan na nakatakas pala sa kulungan ng mga lalaking guinea pigs ang isa sa mga ito na pinangalanang ‘Randy’ at nakapuslit sa enclosure ng mga babaeng guinea pigs.

Ang 300 guinea pigs sa hatton country world, inaasahang madadagdagan pa dahil sa pagkakalat ni Randy ng kaniyang lahi, na siyang ring itinuturong dahilan ng mga staff kung bakit ito namayat.

Ayon sa manager ng pasyalan na si Richard Craddock, hindi tiyak kung gaano nagtagal si Randy sa kulungan ng mga babaeng guinea pigs, pero maaaring inabot ito ng ilang linggo kung kaya nagawa umano nitong mag good time.

Hinala naman ng mga staff na maaaring nagkamali ang isa sa mga bisita na ilagay si Randy sa kulungan ng mga babae o di naman kaya ay sadyang nakatakas lang talaga ito.

Samantala, naibalik naman na si Randy sa tamang kulungan habang nagbabalak naman ang mga staff na palakihin ang encolsure ng mga guinea pigs para sa malaking pamilya ni Randy.

Sa mga may alagang guinea pigs diyan, baka oras na para maging istrikto ka, at baka magulat ka na lang, mas marami na sila kaysa sa mga tao sa bahay niyo.

July 28, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

Kapag ayaw mag-anak, mag-ingat! O kung ano pa man ang dahilan mo, wag kang tatakas o magdadahilan kapag nakabuo ka. Hindi katulad ng lalaking ito na pineke ang kaniyang DNA test para lang makatakas sa pagbibigay ng suporta sa kaniyang anak na iniwanan niya tatlong araw matapos ipanganak.

Ang kinahinatnan ng lalaki, eto.

Taong 2022 nang makipaghiwalay sa 31-anyos na si Chelsea Miller mula sa United Kingdom ang kaniyang nobyo na si Sheldon B., tatlong araw lang matapos niyang isilang ang kanilang baby boy.

Bukod sa pangit na timing ng lalaki, itinanggi pa nito na siya ang ama ng bata, at may lakas pa ito ng loob na mag-demand ng paternity test. Pero si Chelsea, kumpiyansa at sigurado na si Sheldon ang ama ng kaniyang anak.

Pero ganon na lang ang gulat ni Chelsea nang magharap sila sa korte ni sheldon dahil ayon sa resulta ng paternity test, hindi ito ang ama ng kaniyang anak.

Dahil sa hindi kapani-paniwalang resulta ng DNA test, nakiusap si Chelsea sa nanay ni Sheldon para hingin ang DNA nito at ipinasuri sa isang laboratory.

Sa huli, napaamin na lang si Sheldon na pineke niya ang ginawa niyang paternity test sa pamamagitan ng pakikipagkuntsaba sa isang empleyado sa laboratoryo.

Ang resulta kasi ng DNA test ng nanay ni Sheldon, malinaw na lumabas na apo niya ang anak ni Chelsea.

Nagawa umano ito ng lalaki para tumakas sa pagbabayad ng child support.

Samantala, pinatawan na ng 50 weeks at 33 weeks na pagkakakulong dahil sa paglabag sa conspiracy to commit fraud ang mga kinuntsaba ni Sheldon kasama na ang kaniyang tiyahin na mayroong koneksyon sa lab employee.

Sa mga may kasintahan diyan, bago mag-anak, siguraduhin niyo muna na hindi tatakas sa responsibilidad ang partner niyo.

July 25, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

Sabi nga nila, kung hindi pa handang magka-anak, maging maingat. Hindi ‘yung pababayaan na lang basta-basta ang mga batang walang muwang. Katulad ng mga magulang na ito sa india na itinapon ang kanilang anak sa bintana matapos itong isilang sa bus.

Kung ano ang kinahinatnan ng baby, eto.

Isang umaga, nasa byahe ang 19-anyos na kinilalang si Ritika Dhere kasama ang umano’y asawa niya na si Altaf Shaikh sakay ng isang bus mula sa Pune patungo sa Parbhani.

Lulan ang dalawa ng isang sleeper coach o ‘yung uri ng bus na kung saan ang mga pasahero ay maaaring matulog nang komportable dahil mas applicable itong gamitin sa long drives.

Sa kalagitnaan ng byahe, nakaramdam ng sakit si Dhere at nagsimulang mag-labor. Hindi nagtagal, isinilang niya sa loob ng bus ang isang baby boy.

Habang dumadaan sa Pathri-Selu Road, isang tao ang nakapansin ng isang tela na ibinato mula sa bintana ng isang umaandar na bus.

Sa tulong ng taong ito, nakarating sa mga pulis ang insidente at nadiskubre na ang ibinato palang tela ay naglalaman ng isang bagong-silang na sanggol.

Samantala, hawak na ng mga otoridad sina Dhere at Shaikh na sinasabing sila ay magkasintahan, pero nang hingan ng mga dokumento ang mga ito na magpapatunay na sila ay ikinasal sa isa’t isa, wala naman silang maipakita.

Nang tanungin naman kung bakit nagawang itapon ng mga ito ang bata sa bintana, inamin umano ng dalawa na ito ay dahil hindi nila kayang buhayin ang sanggol.

Sa kasamaang palad, nagtamo ang baby ng injuries matapos ibato sa kalsada at binawian ng buhay.
Paalala lang, kung hindi pa handa sa isang lifetime responsibility katulad ng pagiging isang magulang, maging mas maingat. Tandaan, hindi ito isang laru-laro lang dahil buhay ng tao ang nakasalalay dito.

July 25, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

Kung inaakala niyong mga tao lang ang may kakayahang maglasing, ibahin niyo ang baboy na ito sa Australia. Bukod kasi sa pag-inom ng ninakaw nitong alkohol, nalasing din ito at sa isang pambihirang pagkakataon, nag-amok pa ito at naghamon ng away sa isang hayop na higit na mas malaki sa kaniya.

Kung ano ang kinahinatnan ng baboy matapos makipagbasag ulo, eto.

Sa isang camping site na Degrey River Rest Area na matatagpuan sa Western Australia, nahuli ang isang feral pig na nagnakaw ng labinwalong lata ng beer mula sa campers.

Huli na nang magising ang campers na nagmamay-ari ng mga alak dahil naitumba na ng baboy ang mga lata.

Ayon sa isa sa mga campers, matapos tumoma ay naghamon ng away ang baboy sa isang baka na siya namang humabol dito.

Ayon sa mga report, huli pang namataan ang lasing na baboy sa ilalim ng puno na pinaniniwalaang nagpapahinga dahil sa hangover.

Samantala, sa kasamaang palad, ito na pala ang pinakahuling wild adventure ng baboy na ito dahil ilang linggo lang nakalipas ay binawian ito ng buhay nang matapos masagasaan.

Sa mga mahilig mag-camping diyan, paki-secure na ang mga baon niyo at baka magising na lang kayo sa isang nag-aamok na hayop.

July 24, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

Sinong mag-aakala na sisikat at magiging remarkable ang logo ng isang sikat na production company na ang naging inspirasyon pala ay isang babaeng graphic artist naka-lunch break lang noon sa trabaho.

Kung ano ang production house na ito, eto.

Taong 1992 nang simulang gamitin ng production company na Columbia Pictures ang logo na nakikita pa rin natin sa kanilang mga pelikula hanggang ngayon.

Pero ang logo na ito, mayroon palang interesting na kwento. Narinig niyo na ba na ang babae sa logo ay hindi pala modelo kundi isang graphic artist?

Ayon mismo sa award winning photographer nito na si Kathy Anderson, ang ginawang model ng logo na noo’y 28-anyos na si Jenny Joseph ay isang graphic artist para sa isang dyaryo at naka-lunch break lang ito noong mga oras na gawin nila ang photoshoot.

Isinagawa ang photoshoot sa living room ng bahay ni Anderson sa new orleans, kung saan binihisan si Joseph gamit ang mga tela na ginawang tila isang bistida, habang ang nagsilbi naman nitong torch ay isa lang palang maliit na lamp.

Ang artist naman na si Michael Deas na siyang ikinumisyon ng columbia pictures para gawin ang logo ang nagdala ng mga nasabing props na ginamit ni joseph.

Ang logo, photoshoot, at litrato na ginawa from scratch, made it to the cut. Namangha na lang sina Deas at Anderson nang makita nila sa mga pelikula ng Columbia Pictures ang kanilang artwork.

Bukod sa unexpected success ng logo, sinabi ng model na si Joseph sa isang pahayag na noong panahon na kinuhanan ang litrato ay kadidiskubre niya lang na siya pala ay nagdadalantao.

Ikaw, nagulat ka rin ba nang malaman mo na mayroon palang mas malalim na kwento sa likod ng sikat na logo na ito?

July 24, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

Isang menor de edad ang ipinagpilitang ipagkasundo ng kaniyang ama sa isang babae para ipakasal, pero ang totoo, mayroon palang pailalim na pinaplano ang kaniyang tatay, at yan ay ang pakikipagtanan sa kaniyang fiancee.

Ang kwento ng pamilya, eto.

Ipinagkasundo mismo ng 55-anyos na si Shakeel mula sa Uttar Pradesh, India ang kaniyang 15-anyos na anak na si Aman sa 22-anyos na si Ayesha ngunit tinutulan ito ng kaniyang misis na si Shabbana dahil sa usaping pera.

Pero si shakeel, itinuloy pa rin ang engagement ng dalawa, at sa halip na hayaan ang mga ito na ayusin at paghandaan ang kanilang kasal, si Shakeel pa mismo ang bumibisita kay Ayesha para asikasuhin ang wedding preparations.

Dahil dito, unit-unting nagsuspetya si Shabbana na mayroong ginagawang kalokohan ang kaniyang mister. Sa tulong ng kaniyang anak na si Aman at ang iba pang mga proweba katulad ng video calls at intimate photos ni Shakeel at Ayesha, nakumpirma na mayroon ngang relasyon ang mga ito.

Bagama’t makailang ulit niya itong binanggit sa asawa, verbal at pisikal na pananakit lang ang ibinalik nito sa kaniya. Habang si Aman naman, nagdesisyon na huwag nang ituloy ang kasal.

Matapos nito ay nagtungo naman si Shakeel sa delhi para umano sa trabaho, pero nagulantang na lang ang kaniyang pamilya nang ibalita nito na ikinasal na siya kay Ayesha.

Nagpatung-patong ang kasalanan at sakit na ibinigay ni Shakeel sa kaniyang pamilya dahil bukod sa panloloko at biglaang pang-iiwan niya sa mga ito, bitbit niya ang mga alahas at family savings nang makipagtanan siya kay Ayesha.

Samantala, bagama’t legal sa India ang pagkakaroon ng mga lalaki ng apat na asawa, maaari naman itong maharap sa kasong theft ngunit wala pa umanong isinasampang reklamo laban sa lalaki, ayon sa mga pulis.

Sa mga hindi marunong makuntento diyan, huwag na huwag magco-commit sa isang relasyon kung hindi ka pa naman pala desidido na maging kuntento.

July 23, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

Mahirap, matrabaho, at magastos ang magsimula ng negosyo. Kaya ang gym owner na ito sa Bangladesh, hindi pumayag na maisahan nang mahuli niya ang tangkang pagnanakaw ng equipment ng isang kawatan. Sa halip na ipapulis, pinag-workout niya ito nang libre… hanggang sa maiyak na ito sa sobrang pananakit ng katawan.

Ang kinahinatnan ng umiyak na kawatan, eto.

Madalas tayong makakita sa social media ng videos o pictures ng mga gym rat o ‘yung mga aktibo sa pag gy-gym at fini-flex ang kanilang progress at pinaghirapang figure.

Pero ang viral video na ito sa Kutupalong Power Gym Centre sa Bangladesh, hindi kinuhanan para mag-flex ng katawan, kundi para ipakita kung paano pinarusahan ang kawatan na nagtangkang magnakaw ng mga equipment.

Inabutan na lang ng owner na si abdullah al mamun na magulo at nawawala na ang ilang equipment sa kaniyang gym sa Cox’s Bazaar at nadiskubre sa pamamagitan ng CCTV na nilooban pala ito ng isang lalaki.

Natukoy at natagpuan ang suspek sa tulong ng mga parokyano sa gym pero sa halip na isumbong ito sa mga pulis at ipahuli, dinala nila ito sa gym at pinag-workout.

Ayon sa owner, pinagsabihan niya ang mga gym-goers na huwag sasaktan ang suspek, kaya pinag-workout na lang nila ito at pinag-bench press, squat, push-up, leg press, pull-up, at chest press.

Sa video, makikita kung paano nahirapan ang suspek at namilipit sa sakit ng katawan habang ginagawa ang routine nang nakasuot ng polo shirt at maong na pantalon.

Nakuhanan din na halos hindi na maiangat ng lalaki ang kaniyang sarili habang nagpu-push up at sumesenyas sa lalaking nagvi-video sa kaniya na hindi na niya kayang ipagpatuloy ang page-exercise.
Pagkatapos nito ay mangiyak-ngiyak ang susppek at halos hindi na maituwid ang kaniyang mga binti habang naglalakad, pero ayon sa mga ulat, nagawa pa nitong tumakas at umamin na nagtangka itong magnakaw para sa kaniyang pagdo-droga.

Samantala, hati naman ang naging opinyon ng mga netizen online. Kung ang iba ay tinawag na creative at hindi bayolente ang ipinataw na parusa sa kawatan, pero ang iba ay hindi ito ikinatuwa at sinabing hayaan ang mga otoridad na magbigay ng karamparang parusa rito.

Sa mga gym rat diyan, ano ang opinyon niyo sa video na ito? Sa palagay niyo, ilang linggo bago makaka-recover ang suspek mula sa intense workout na ito?

July 23, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

Kilala naman nating lahat ang Japan dahil sa nakakabilib nitong innovations at advanced technology. Pero maniniwala ka ba na mayroon ding services sa bansa kung saan maaaring mag-renta ng mga tao? Kung namimiss mo ang presensya ng lola mo o namimiss mo na ang luto niya, pwede kang magrenta sa kumpanya na ito.

Kung anong kumpanya ang nakaisip ng matalinong ideya na ito, eto.

Taong 2010 nang i-launch ang Japanese company na Client Services kung saan ino-offer ang sandamakmak na serbisyo katulad ng cooking, cleaning, at babysitting.

Pero ang pinaka mabenta sa lahat ay ang Ok Oppa-Chan o Ok Grandma kung saan maaaring magrenta ang mga kliyente ng lola sa halagang 3,300 yen o 1,265 pesos per hour.

Ang siste, kailangan lang sabihin ng kliyente kung ano ang dahilan niya para magrenta. Isa sa dahilan ng mga kliyente ay kinulang ito ng bisita sa kaniyang kasal, habang ang isa naman ay kinailangan ng chaperone para makipag-break sa kaniyang boyfriend.

Mahigit isandaang senior citizens ang nagtatrabaho sa Client Sevrices. Bagama’t may katandaan na ang mga ito, siguradong subok na ang kaalaman at karanasan nila sa buhay, at naniniwala rin ang mga ito na marami pa silang maiaambag, maitutulong, at maituturo sa mga kliyenteng nangangailangan.

Samantala, ang kumpanya na mismo ang pipili ng lola na ia-assign sa bawat kliyente depende sa kanilang pangangailangan. Bukod sa paunang bayad, sagot na ng kliyente ang budget ng mga lola katulad ng pamasahe at anupamang gastusin.

Sa mga maka-lola diyan, namimiss mo na ba ang lola mo? Kung ganon, interesado ka ba sa offer na ito para mapunan ang pangungulila?

July 22, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

Kung mayroon kang fur babies, makinig ka sa kwentong ito. Ang isang babae kasi mula sa Pennsylvania, hindi inaasahan na magkakaroon pa sila ng reunion ng kaniyang childhood pet makalipas ang pitong taon matapos niyang mag-ampon ng aso.

Kung paano muling nagkita ang babae at ang kaniyang best friend, eto.

Hindi maiiwasan ng mga aso na gumawa ng ingay at magkalat sa loob ng bahay, at dahil naka-work from home ang tatay ng babae mula sa Pennsylvania na noo’y 14-anyos lang si Nicole Grimes, nadi-distract ito sa alaga niyang aso na si Chloe.

Wala nang nagawa si Nicole at napilitang i-surrender na lang ang kaniyang alaga sa Washington Area Humane Society para ipa-rehome.

Pagkalipas ng pitong taon, habang kaswal na nagso-scroll sa social media ay nakita ni Nicole ang post ng kaniyang friend kung saan naghahanap ito ng bagong mag-aalaga sa senior dog nito.

Walang pagdadalawang-isip na in-adopt ni Nicole ang aso lalo na at napansin niya ang pagkakahawig nito sa kaniyang childhood pet na si Chloe.

Nang tuluyang mapunta sa pangangalaga ni Nicole ang aso, unti-unti itong naghinala na ang 11-year-old na si Chloe at ang alaga niya sa pagkabata ay iisa, lalo na at kung umakto ang aso ay tila matagal na itong sanay sa presensya ni Nicole.

At nang dalhin niya ito sa veterinary clinic, nakumpirma niya sa pamamagitan ng number sa microchip nito na ito ang asong napilitan siyang i-let go noon.

Si Nicole, hindi lubos akalain na muli niya pang makakasama ang minamahal niyang aso. Sinabi niya na inakala niyang hindi niya na ito makikita pang muli, kung kaya pakiramdam niya ay nanalo siya sa lotto nang mabigyan siya ng ikalawang pagkakataon na makasama at alagaan ito.
Sa mga fur parents diyan, pwede niyo bang i-share ang kakatwang kwento nang una niyong na-meet ang mga alaga niyong pusa at aso?

July 21, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

Literal na caught on cam ang isang CEO at isang empleyado matapos mahuling nanonood ng concert nang magkasama at sweet na sweet pa sa isa’t isa. Sa halip na mag-enjoy, nag-viral ang mga ito at naakusahan pa ng cheating.

Kung ano ang mga sumunod na nangyari matapos ang concert, eto.

Kapag narinig mo ang mga kanta ng sikat na British band na Coldplay, baka ang una nang pumasok sa isip mo ay ang nahuling ceo at ang kayakap nitong babae sa katatapos lang na concert ng banda sa Gillette Stadium na matatagpuan sa Massachusetts.

Nakuhanan kasi ng kiss cam ang CEO ng AI-company na Astronomer na si Andy Byron na may kayakap na babae na hindi naman niya asawa. Ito ang hr head ng kumpanya na si Kristin Cabot.

Sa mga kumakalat na video online, makikita si Byron na naka-backhug kay Cabot. Kapwa komportable sa isa’t isa ang dalawa habang ineenjoy ang moment. Pero nang lumabas ang mga mukha nila sa jumbotron, agad na tumalikod si Cabot habang napaupo naman si Byron para magtago.

Dahil sa naging reaksyon ng mga ito, napa-comment ang singer ng banda na si Chris Martin at sinabing “either they’re having an affair or they’re just very shy.”

Matapos ang insidente ay napag-alaman ang pagkakakilanlan ng dalawa at nag-viral sa social media dahil sa umano’y pangangaliwa ni byron sa kaniyang misis na si Megan Kerrigan na siya namang nagtanggal ng apelido sa kaniyang social media account bago ito nag-deactivate.

Habang si cabot naman ay pinaniniwalaang kasal sa owner ng Privateer Rum na si Andy Cabot.

Samantala, maghahanap naman na ng bagong CEO ang Astronomer dahil kasunod ng mga kritisismo ay ang pagre-resign ni Byron na tinanggap naman ng board of directors.

Sa ngayon umani na ng mahigit 100 million views at mahigit 9 million likes ang viral video na nagbukas sa usapin ng kanilang mga personal na buahy.

Sa mga may asawa diyan, kumustahin niyo rin ang trabaho ng mga partner niyo at baka iba na pala ang kanilang tinatrabaho.

July 21, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest