Home NATIONAL NEWS EXPLAINERS

EXPLAINERS

Sa sobrang sikat ng masalimuot na kwentong pag-ibig nila Romeo at Juliet, ikinwento na ito sa magkakaibang mga pelikula at stage plays kung saan iba’t ibang aktor ang gumanap, hindi na kataka-taka na mayroon na naman itong bagong version. Pero this time, hindi na ito mga tao kundi mga construction trucks.

Kung naging matagumpay ba ang first acting gig ng mga truck, eto.

Kung gusto mong subukin ang creativity at imagination mo habang nanonood, i-challenge mo na ito sa pamamagitan ng pagnood sa pinakabago at pinaka kakaibang version ng Romeo and Juliet.

Sa Estonia kasi, ginawa ng independent theater na Kinoteater ang sarili nilang version ng nasabing hit movie kung saan hindi na kinailangan pang magpa-audition dahil hindi mga tao ang cast nito kundi mga construction trucks.

Sa version na ito na pinamagatang “Romula & Julia”, isang kulay pulang pickup truck ang gumanap na juliet, habang isa namang rally truck ang gumanap bilang romeo.

Sinamahan din ang mga ito ng mga truck ng bumbero, mga bus, at mga truck ng semento na mayroon pang disenyo na mga puso.

Bukod sa pagsalang ng mga truck na ito sa entablado, tila umarte rin ang sampung drivers, dalawang mekanino, at isang pyrotechnics expert na nag-operate ng mga makina.

Ayon sa co-director na si Paavo Piik, experimental ang ginawa nilang play para tingnan kung posible bang magkapag-deliver ng emosyon katulad ng pagmamahal ang mga nasabing machines.

Bukod sa pag-ikot at pagsasagawa ng tricks, gumamit din ng fireworks at music sa play for additional feelings.

Bagama’t halos walang nagsalita sa play na ito at walang kakayahan na magpakita ng emosyon ang mga truck, sinabi ng isa sa mga nakapanood na naibigay pa rin ng mga makina ang tamang emosyon na dapat ipakita sa mga manonood.

Ikaw, gugustuhin mo rin bang panoorin ang play na ito and let your imagination do the works?

August 18, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

Kaniya-kaniya na talaga ng paraan ang mga mandurugas ngayon para lang makakulimbat ng easy money. Katulad na lang ng mga scammers na ito sa China na binentahan ang isang lalaki ng gym membership na kung saan ay kikita rin daw siya ng pera.

Kung anong modus ang ginamit sa kawawang lalaki, eto.

Tatlong taon nang parokyano ang Chinese man na tinawag na si Mr. Jin sa Ranyan Fitness Gym. Dahil matagal nang suki, in-offer-an ito ng gym membership na isa ring possible sideline para sa lalaki.

Ayon mismo kay Mr. Jin, nagkakahalaga ng 8,888 yuan o mahigit 70,000 pesos ang membership card sa nasabing gym.

Sinabi umano ng salesperson na kapag naibenta nila ang gym membership card ni Jin sa ibang customer sa halagang 16,666 yuan o mahigit 132,000 pesos ay matatanggap ni Jin ang bayad bukod sa 10% commission na parte ng gym.

Bukod pa rito, may iba pa umanong promo ang gym kung saan ipinangako na mas malaki pa ang kikitain ni Mr. Jin. Ang gym memberships sa nasabing gym, lumalabas na isang investemnt.

Nangako rin ang Ranyan Fitness Gym na kapag hindi nila naibenta ang gym card ni Mr. Jin sa loob ng dalawang buwan ay makakatanggap ito ng refund.

Sa huli, nagbayad ang lalaki ng 130,000 yuan o mahigit 1 million pesos para sa gym memberships para sa 1,200 sessions ng fitness classes at 300 years of gym memberships.

Pero nang dumating ang araw na dapat ay makakatanggap na ng refund si Mr. Jin, naglaho na lang na parang bula ang mga tauhan ng Ranyan tangay ang kaniyang pera.

Sa kasamaang palad, huli na nang madiskubre na ang nakasaad pala pinirmahan palang mga kontrata ni Mr. Jin ay non-transferable ang mga binayaran nitong gym memberships at benefits.

Samantala, umaasa pa rin si Mr. Jin na maibalik sa kaniya ang ininvest niyang pera kung kaya nagsampa na ito ng kaso laban sa mga mambubudol.

Sa mga gym rat diyan, ingat-ingat sa pagpirma sa mga kontrata at baka mapilitan kayong mabuhay ng mahigit isandaang taon para lang masulit niyo ang binayaran niyong gym membership.

August 15, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

Mala-drama ang naging eksena sa isang eskwelahan sa South Korea dahil sa panghihimasok ng nanay at tutor ng isang estudyante sa mismong eskwelahan para nakawin ang exam papers at mapanatili ang valedictory spot ng bata.

Kung ano ang kinahinatnan ng nanay at ng tutor, eto.

Pasado alas dos ng madaling araw nang pumasok sa isang all girl’s school na matatagpuan sa Andong, North Gyeongsang sa South Korea ang nanay ng isang estudyante kasama ang tutor ng kaniyang anak na dati palang guro sa nasabing eskwelahan.

Gamit ang hindi pa binuburang biometrics ng tutor sa school’s security database, nakapasok ang mga ito sa eskwelahan at nagtungo sa faculty offices kung nasaan ang mga exam papers.

Sa pamamagitan ng CCTV cameras, nabisto ang ginawang panghihimasok ng nanay at ng tutor sa eskwelahan kung kaya agad ding naaresto ang mga ito makalipas lang ang ilang oras.

Suspetya ng mga otoridad na ginawa na rin ng tutor ang kaparehong stunt dahil nakita sa bank records nito na nakatanggap ito ng 2 million won o mahigit 80,000 pesos mula sa nanay ng estudyante kapag kasagsagan ng exams.

Bukod pa riyan ay kinumpirma rin ng eskwelahan na pitong beses nanghimasok sa kanila ang tutor matapos nitong mag-resign.

Hinihinala rin na sinuhulan nito ang facilities manager para mabura ang mga ebidensya sa CCTV.

Ang suspetya ng mga pulis, nagawa ito ng mga suspek para mapanatili ang mataas na grades at ang pagiging top student ng bata sa eskwelahan.

Samantala, na-invalidate ang lahat ng test results ng bata at na-expell sa eskwelahan. Habang ang mga suspek naman ay patuloy na iimbestigahan dahil sa patung-patong na kaso.

Sa mga mahilig manood ng mga pelikula at series diyan, pamilyar ba sa inyo ang kwento na ito?

August 15, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

Kung nasanay tayo sa kwento ng magkaaway na daga at pusa, maiba tayo ngayon dahil sa London, mayroong dalawang daga na nakuhanan ng litrato na nag-aaway, at ang chance encounter na ito, nagdala pa ng karangalan sa isang photographer.

Kung bakit nag-away ang mga daga, eto.

Sinong mag-aakala na ang isang simpleng video na natanggap ng wildlife photographer na si Sam Rowley mula sa kaniyang kaibigan kung saan makikitang nagtatalo ang dalawang daga ay ang magpapanalo sa kaniya sa isang contest.

Dahil sa ideya na ito, limang araw na nagpabalik-balik si Rowley sa London underground platform para tyempuhan ang dalawang daga na pakalat-kalat sa nasabing istasyon.

Ayon sa mga ulat, hindi na bago sa mga pasahero ang mga nasabing daga dahil paikot-ikot umano ang mga ito sa train station at magkahiwalay na nangangalakal ng mga pagkain.

Dahil sa pagbabaka sakali, umabot pa sa punto na dumapa si Rowley sa sahig ng platform para lang makakuha ng perfect shot ng mga daga.

Sa pagpapabalik-balik ni Rowley sa istasyon, nakuhanan din nito ng litrato ang dalawang daga at nagkataon pa na nag-aaway ang mga ito dahil sa pag-aagawan sa mga tira-tirang pagkain na nahuhulog mula sa mga pasahero.

Nagbunga naman ang ilang araw na pag-aabang ni Rowley sa mga daga dahil ang kaniyang litrato na pinamagatang ‘Station Squabble’ ay nakakuha lang naman ng 28,000 votes.

Bagama’t inamin ni Rowley na tila na-weirduhan ang mga pasahero sa ginawa niyang pag-aabang sa mga daga, naging sulit naman ito dahil si Rowley ang nag-uwi ng Wildlife Photographer of the Year Lumix People’s Choice Award mula sa London’s Natural History Museum.
Samantala, ayon sa director ng museum na si Michael Dixon, ipinapakita ng litrato ng mga daga kung paano gumagalaw ang mga hayop sa mundo ng mga tao at nagsisilbing paalala sa kaugnayan ng mga tao at kalikasan.

Sa mga aspiring photographers diyan, mayroon din ba kayong nakuhanang kakaibang litrato na maaaring maging isnag winning shot? Kung ganon, pwede niyo bang i-share ang kwento sa likod nito?

August 15, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

Apat na detainees sa argentina ang panandaliang nakalaya mula sa pagkakakulong. Hindi dahil sa pagpipyansa, kundi dahil isang pulis mismo ang nag-release sa kanila para utusang tumulong sa kaniyang wedding preparations.

Kung ano ang kapursahang ipinataw sa pulis, eto.

Parusa ang inabot ng isang Argentinian police matapos nitong palayain ang apat na bilanggo sa istasyon na kaniyang pinagtatrabahuhan, hindi dahil tapos na ang mga ito sa kanilang sentensya, kundi para pakilusin ang mga ito sa kaniyang wedding day.

Ayon sa mga local reports, ang mga pinalayang detainee ay nagsilbing crew sa kasal ng pulis.

Mayroong pinag-ihaw, nagluto, nag-ala waiter, at taga-linis.

Bukod pa riyan, malapit lang din ang venue na pinagganapan ng kasal sa kulungan ng mga prisoners na hindi malinaw ang dahilan ng pagkakakulong.

Matapos umekstra ng mga ito sa special day ng pulis ay bumalik ang mga ito sa likod ng mga rehas.

Ayon sa prosecutor na si Guillermo Sancho, maswerte ang nasabing pulis na walang nagtangkang tumakas sa mga pinalaya nitong detainees.

Gayunpaman, pinatawan na ng labinlimang buwan ng suspended sentence ang pulis dahil sa pang-aabuso nito sa kaniyang kapangyarihan.

Sa mga may makapangyarihang posisyon diyan, huwag abusado at gamitin nang tama ang pwesto. Dahil ang trono mo, hindi habangbuhay nasayo at kayang-kayang agawin ng kahit na sino.

August 15, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

Bukod sa may kaniya-kaniya tayong trip, may kaniya-kaniya rin tayong paraan para maibsan ang stress. Pero ni minsan ba ay sumagi sa isip mo na bukod sa mga babies ay mapapakinabangan ng mga adults ang pacifier bilang stress reliever?

Curious ka na ba sa kung paano nila nasabing nakakatanggal ito ng stress? Ang eksplanasyon ng mga eskperto, eto.

Trending ngayon ang kakaiba at makabagong pang tanggal-stress ng mga adults sa China na adult pacifiers na nagkakahalaga ng 10 at 500 yuan o may katumbas na 80 at 4,000 pesos.

Kakaiba at bago man sa pandinig dahil alam naman nating lahat ang tunay na purpose ng pacifiers, minamarket na ito ngayon sa mga Chinese online shopping platforms bilang stress reliever para sa mga adults.

Nakakatulong din umano ito sa pagtulog at pag-manage ng anxiety.

Kung ano ang eksplanasyon kung bakit nga ba tila bumabalik ang mga adults sa gawain ng mga bata?

Ayon sa Chinese psychologists, hango ang trend na ito sa concept na Regression Phenomenon kung saan hindi sinasadyang nanunumbalik ang isang indibidwal sa earlier stage of development ng mga tao.

Sa kasong ito, ang pacifier na ginagamit ng mga baby ay nagbibigay ng security at comfort sa mga adults.

Samantala, bagama’t may mga benepisyo, delikado rin ang adult pacifiers, partikular na sa oral health dahil ayon kay Dr. Tang Caomin ng Sichuan University’s Huaxi’s College of Stomatology, magkaiba ang oral structure ng mga babies sa mga adults.

Maaari rin itong magdulot ng joint pain and disorderss, clicking sounds, at limitadong pagbuka ng bibig, habang ang matagal na paggamit naman nito ay maaaring magdulot ng mucosal damage at ulcer.

Sa mga stressed na sa buhay diyan, mayroon din ba kayong kakaibang trip na epektibong pangtanggal ng stress?

August 14, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

Kadalasan ay alagang-alaga at mahigpit na binabantayan ang mga bata para maiiwas sa kapahamakan, pero ibahin niyo ang kaso na ito sa New Zealand dahil isang bata ang isinilid sa isang maleta at inilagay pa sa mainit na compartment ng bus.

Kung ano na ang kalagayan ng bata matapos ang insidente, eto.

Binuksan ng bus driver ang luggage compartment ng kaniyang bus nang mag-request ang isang pasahero na buksan ito habang nakahinto sila sa Kaiwaka, North New Zealand.

Dito napansin ng driver ang isa sa mga kargang bagahe ng bus ay gumagalaw.

Inobserbahan muna ng driver ang maleta bago tuluyang binuksan at doon nadiskubre ang isang dalawang taong gulang na batang babae.

Dahil sa pagkabahala ay agad na humingi ng tulong ang driver sa mga otoridad at nang dumating ang New Zealand Police ay napag-alaman na ligtas ang bata ngunit mainit ang katawan nito.

Bukod pa riyan, hindi rin tukoy kung gaano katagal na nakasilid sa loob ng maleta at ng luggage compartment ang bata, o kung aling mga lugar ang dinaanan ng nasabing bus.

Matapos nito ay inaresto ang isang hindi tukoy na 27-anyos na babae na siyang naglagay sa bata sa nasabing compartment. Hindi rin malinaw kung ano ang kaugnayan nito sa biktim at nahaharap sa kasong ill-treatment or neglect of a child.

Samantala, nakaligtas naman ang bata matapos dalhin sa ospital ang bata at sumailalim sa medical assessment.

Sa mga magulang diyan, ano sa tingin niyo ang karampatang parusa na dapat matanggap ng babae?

August 14, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

Sabi nga nila, kung sino pa ang walang-wala, sila pa ang mapagbigay. Katulad ng asong ito na nagpagala-gala matapos mahiwalay sa kaniyang pamilya at napilitang mabuhay bitbit ang isang pirasong tinapay. Pero nang dumating na ang tulong, inalok pa ng aso ang nag-iisa niyang tinapay sa mga tumulong sa kaniya.

Kung bakit nahiwalay ang aso sa kaniyang pamilya, eto.

7 weeks old pa lang ang tuta na si Gunnar nang i-rescue ng animal control ang kaniyang pamilya at hindi sinasadyang maiwanan ito.

Dahil dito ay isang linggong nag-iisa at nagpakalat-kalat ang tuta habang kagat-kagat ang isang pirasong tinapay.

Mabuti na lang at nabalitaan ng dog rescue group na Sidewalks Special na naka-base sa De Doorns, South Africa ang sitwasyon ni Gunnar at agad itong pinuntahan.

Ayon sa founder ng Sidewalks Special na si Rachael Sylvester, nang makita niya si Gunnar ay hindi mahahalata rito ang pagod at kalungkutan dahil masayang-masaya ito na sumalubong sa kanila at iwinawagayway pa ang buntot.

Bukod diyan, inalok pa raw ni Gunnar sa mga rescuers ang nag-iisa niyang tinapay.

Ayon sa rescue group, si Gunnar pa lang daw ang nakita nilang may pinakamalalang kaso ng worm and tick infestation, tick bite fever, eye infection, at anemia.

Samantala, sa tulong ng Sidewalks Special, bumuti ang kalagayan ni Gunnar matapos dumaan sa gamutan bago tuluyang nakahanap ng bagong pamilya na kukupkop sa kaniya.

Sa mga fur parents diyan, sinusuportahan at pina-practice niyo rin ba ang advocacy na ‘adopt, don’t shop’?

August 13, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

Maniniwala ka ba na sa murang edad ay nakapasok ang isang lalaki sa gobyerno at hindi basta-basta ang kaniyang posisyon dahil ito mismo ang presidente ng isang bansa na kaniya raw itinatag.

Kung paano ito nangyari, eto.

14-anyos pa lang si Daniel Jackson nang mabuo sa isip niya ang ideya ng Free Republic of Verdis, ang bansa na itinatag niya rin kalaunan pagtungtong niya ng edad na disi-otso.

Matatagpuan ang Free Republic of Verdis sa isang disputed island sa pagitan ng Croatia at Serbia na ngayon ay kinikilalang second smallest country in the world kasunod ng Vatican City.

Kumpletos rekados na ang verdis dahil mayroon na itong sariling flag, mga batas, gobyerno, at halos apat na raang mga residente. Idineklara na rin ang English, Croatian, at Serbian bilang mga official languages ng bansa, habang euro naman ang currency nito.

Pero noong 2023, hinuli si Jackson ng mga otoridad kasama ang iba pang residente at ipina-deport dahil threat umano sila sa seguridad ng lugar.

Gayunpaman, umaasa si Jackson na makabalik at manirahan sa Verdis bilang isang residente. Hindi umano siya interesado sa kapangyarihan at bababa na lang sa pwesto at magsasagawa ng eleksyon.

Bagama’t mayroong problema ang Verdis sa Croatia, hangad pa rin ni Jackson na magkaroon ng maayos sa relasyon sa mga otoridad nito.

Sa mga kabataan diyan, ganito rin ba kalaki sa imagination niyo ang mga ideya na naiisip niyo?

August 12, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

Sa labis na kaadikan sa online games, napilitan ang isang tatay na ipapatay ang karakter ng kaniyang anak sa video games dahil sa kagustuhan na maghanap na ito ng trabaho at tigilan na ang paglalaro.

Kung paano isinagawa ng tatay ang kaniyang plano, eto.

23-anyos na noon ang anak ng Chinese man na kinilalang si Mr. Feng pero wala pa rin itong trabaho.

Sa halip kasi na maghanap ng pagkakakitaan, mas pinili ng kaniyang anak na magbabad sa paglalaro ng video games. Sa katunayan, high school pa lang ay naglalaro na ito.

Bilang resulta ng labis na kaadikan dito, hindi naging maganda ang academic performance ng anak ni Mr. Feng kung kaya hindi ito makahanap ng trabaho.

Dahil sa pag-aalala sa anak dulot ng mahabang oras na inilalaan nito sa paglalaro, nag-hire si Mr. Feng ng mga virtual assassin na papatay sa karakter ng kaniyang anak sa online games dahil sa pag-iisip na mawawalan ito ng gana dahil sa sunud-sunod na pagkatalo.

Ang mga online hitmen pa man din na hinire ni Mr. Feng ay higit na mas malalakas maglaro at may mas matataas na ranks kumpara sa kaniyang anak.

Pero ang anak ni Feng, hindi nagpatinag at tuluy-tuloy pa rin sa kaniyang online gaming addiction.

Bagama’t hindi umubra ang pinlano ni Mr. Feng para sa kaniyang anak, sinabi umano nito na kahit hindi ito naghahanap ng trabaho ay susulitin nito ang kaniyang oras para mahanap ang tamang trabaho para sa kaniya.

Sa mga mahilig tumambay sa computer shops para maglaro diyan, sigurado ba kayo na natututukan niyo ang pg-aaral niyo at hindi lang kayo sa screen nakatutok?

August 12, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest