Home NATIONAL NEWS EXPLAINERS

EXPLAINERS

Madadagdagan na ang options at chances para sa mga magkasintahang nahihirapang makabuo ng anak dahil mayroong makabagong innovation ang China na maaari nang pumalit sa pagha-hire ng surrogate mothers. Kung ano ito? Isa lang namang robot na may kakayahang magbuntis.

Kung paano ito magagawa ng robot, eto.

Maniniwala ka ba na kahit napakarami nang kayang gawin ng AI at ng mga robot, madadagdagan pa ito at maaari na ring ma-achieve ang bagay na tila imposible.

Sa China kasi, in progress na ang ‘pregnancy robots’ na nagmula sa ideya ng founder ng Kaiwa Technology na si Dr. Zhang Qifeng.

Bubuuin ang pregnancy robots na kahalintulad sa katawan ng mga babae at magkakaroon ng artificial womb o sinapupunan na ii-implant sa tiyan nito.

Sa pamamagitan ng hose, matatanggap ng ipagbubuntis nitong sanggol ang mga kinakailangan nitong nutrients. Bukod pa riyan, ang pinagkaiba nito sa mga tunay na babae ay sampung buwan itong magdadalntao.

Pero dahil nasa development stage pa ang robot, hindi pa malinaw kung paano ang magiging proseso ng pagtatanim ng egg at sperm cells sa robot at kung paano ito manganganak.

Kung magiging matagumpay man ang pagbuo sa innovation na ito ilalabas na ito sa susunod na taon at magkakahalaga ng $14,000 o halos 800,000 pesos ang serbisyo.

Ikaw, sa tingin mo ba ay magkapareho pa rin ang magiging kalidad ng buhay ng isang bata kung ipagbubuntis ito ng isang robot?

August 25, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

Naging biruan sa social media na kapag gumawa ka ng kabutihan, plus points ka sa langit o more chances na paakyatin at tanggapin ka roon. Pero ang Irish man na ito, nag-donate nang nag-donate ng pera para i-secure ang kaniyang spot sa heaven dahil mayroon daw nagsabi sa kaniya na iyon ang sagot.

Kung sino ang nagsabi sa lalaki, eto.

Kumita ng $700,000 o P39 million ang 40-anyos na farmer mula sa Ireland matapos ibenta ang kaniyang farm at idinonate ang higit sa kalahati nito sa mga mahihirap.

Ayon sa lalaki, ang Diyos mismo ang nagsabi sa kaniya na kapag ipinamigay niya ang mga pera niya ay mapupunta siya sa langit.

Dahil sa ipina-practice nito na generosity, sinabi ni Justice Michael Twomey na nadiskubre niya na walang kaabog-abog na nagbigay ng 1,000 Euros o mahigit P66,000 ang lalaki sa isang homeless.

Sinabi naman sa korte ng Solicitor na si Katherine Kelleher na umabot na ng 38,000 euros o mahigit P2 million ang naipamigay ng lalaki pagkalipas lang ng ilang linggo.

Dahil sa posibilidad na simutin ng lalaki ang pinagbentahan ng kaniyang farm, nakiusap si Katherine sa high court na magtalaga ng magpoprotekta sa lalaki at sa panganib na maaaring dalhin ng labis-labis na pamimigay nito ng malaking halaga ng pera.

Samantala, sumangayon naman si Justice Twomey na gabayan ang lalaki.

Sa mga makasalanan diyan, mayroon din ba kayong ginagawang hakbang para magkaroon ng plus points sa langit?

August 22, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

Inulan ng kritisismo ang pa-raffle ng Jollibee para sa inaabangang Coke Studio Concert mula sa mga netizen online dahil sa hinihinalang AI-generated names ng mga nanalo.

Kung ano ang paliwanag ng Jollibee sa kontrobersya na ito, eto.

Inilabas nitong nakaraang buwan sa Facebook page ng sikat na fastfood chain na Jollibee ang mechanics para sa kanilang collaboration sa Coke Studio na tinawag na Burger Blowout kung saan kinakailangan ng mga customer na bumili ng piling burger meals mula sa mga participating stores para makakuha ng raffle entry at manalo ng ticket para sa gaganaping Coke Studio Concert.

Base sa mechanics, tatakbo ang promotion mula July 17 hanggang August 24, 2025 kung saan nahahati sa major at minor prizes ang maaaring matanggap ng mga mapalad na manalo.

1,750 participants ang maaaring manalo ng major prizes. Ang bawat isa ay makakatanggap ng dalawang tickets para sa Coke Studio Live concert na gaganapin sa Araneta Coliseum, alas kwatro ng hapon sa September 5, 2025.

Habang tumataginting na 68,250 winners naman ang makakatanggap ng minor prizes na regular Jollibee crispy fries, regular coke float, at regular tuna pie.

July 27 nang i-announce ng Jollibee sa kanilang Facebook page ang major and minor winners sa first draw, at August 3 naman inilabas ang list of winners ng second draw.

Pero pagdating ng ikatlong linggo ng pag-a-announce ng winners, kinwestyon ng mga netizen kung AI-generated ba ang ilan sa mga nakalistang pangalan katulad ng Bonita Gulgowski, Albert Goldner, at Norbert Pfannerstill.

Matapos nito ay agad na naglabas ng statement ang Jollibee at sinabing nakikipag-ugnayan sila sa Department of Trade and Industry (DTI) sa pagre-review ng issue at pansamantala munang ipagpapaliban ang mga susunod na raffle draws.

Ayon sa Jollibee, nadiskubre nila mayroong fraudulent third parties na nagpasa ng multiple entries sa kanilang system.

Para panatilihin fairness, dinisqualify na ang mga invalid major prize winners mula sa week 3 draw at magsasagawa ng re-draw at special raffle.

Samantala, nagpaalala ang jollibee na hindi for sale ang tickets para sa nasabing concert kung kaya huwag bibili sa mga unauthoried sources.

Ikaw, ipaglalaban mo rin ba ang raffle entries mo sa ngalan ng mas murang halaga na concert tickets?

August 22, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

Drop your things and leave them behind. Hindi mo na kailangang maaligaga na baka may maiwan kang gamit sa pagpasok mo sa eskwelahan o trabaho. Dahil sa China, literal na everything is in your hands. Sa isang kaway mo lang, bayad ka na. Yan ang bagong mode of paymnet sa China kung saan hindi mo na dadalhin pa ang wallet mo dahil palad mo lang ang kailangan mo.

Ang detalye ng makabagong teknolohiya na ito, eto.

Sa dami ng commuters na nagsisiksikan sa mga public transportations, bukod sa pangamba na masalisihan ng mga kawatan, nagsisimula rin ang traffic sa pila sa ticketing booths at pagta-tap ng key card, partikular na sa mga istasyon ng tren.

Pero ang China, pinatunayan na naman na pagdating sa teknolohiya at innovations ay mayroon silang ibubuga.

Ang bagong innovation na ito, hindi na kailangan pang pagkagastusan dahil literal na nasa kamay niyo na ang sagot. Sa pagsa-scan lang ng palad, bayad na ang mga dapat mong bayaran.

Kung paano? Gumagana ito katulad ng facial recognition. Binabasa ng sensor ang mga palm print o mga guhit sa palad ng isang tao at ang patterns ng mga ugat nito.

Ito ang Weixin Palm Scan Payment na nagmula sa Chinese tech company na Tencent na siya ring nagmamay-ari sa application na Wechat.

Una itong ginamit sa express train sa Beijing Airport at Shenzhen University bago tuluyang ginamit sa mga convenience stores sa guangdong province.

Sa pamamagitan nito, hindi na kailangan pang pangambahan ang pagkawala at pagnanakaw ng cards at cash dahil sa isang kaway mo lang, bayad ka na.

Ikaw, sa tingin mo ba ay maiibsan nito ang araw-araw na pasanin ng mga commuter dito sa Pilipinas?

August 21, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

Sino ba naman ang hindi magseselos kapag napansin mo na tila mayroong favoritism ang mga magulang mo? Ganiyan ang naramdaman ng isang dalagita sa kaniyang kapatid at mas tumindi pa ito nang hindi umabot sa graduation ang kaniyang mga magulang matapos bilhan ng rare Labubu doll ang kaniyang kapatid.

Ang kwento ng dalagita, eto.

Katatapos lang mag-martsa ng isang 18-anyos na dalaga ayon sa kaniyang post sa isang discussion forum application. Sa kaniyang post, ibinahagi niya kung paano na-late ang kaniyang adoptive parents sa kaniyang graduation dahil sa paghahanap sa isang rare labubu doll.

Ang nasabing manika, kasalukuyan palang kinaaadikan ng kaniyang sampung taong gulang na babaeng kapatid na inilarawan niya bilang isang spoiled na bata at ang paborito ng kanilang mga magulang.

Ayon sa nag-post, nagseselos siya sa kaniyang kapatid. Sa sobrang spoiled nito, naninira umano ito ng mga gamit, nananakit, at naiinis kapag hindi nabibigyan ng atensyon.

Para iwasan ang kapatid, inabala niya ang kaniyang sarili sa pagsali sa mga club, sports, at pagtatrabaho. Halos tumira na rin ito sa bahay ng kaniyang boyfriend at sinabing tanggap siya ng pamilya nito.

Hanggang sa araw ng kaniyang graduation, doon umuwi ang babae sa bahay ng kaniyang boyfriend dahil ang kaniyang mga magulang, halos wala ng inabutan sa ceremony dahil sa paghahanap sa rare labubu doll para sa bunso niyang kapatid.

Matapos niyang hindi pansinin ang mga ito, humingi umano ng tawad ang kaniyang mga magulang at makailang beses na nag-text at tumawag sa kaniya.

Nagpadala pa umano ng pera ang mga ito dahil sa pag-aakala na ito ang kaniyang issue.

Pero ang poster, hindi nagpatinag at hindi pinansin ang efforts ng kaniyang mga magulang na ngayon ay nananakot na irereport siya ng mga ito at idedeklarang missing o runaway.

Samantala, pumanig naman sa poster ang mga commentators at sinabing nasa legal na edad na ito at hindi maaaring tawaging runaway.

Sa mga magulang diyan, anu-anong efforts ang ginagawa niyo para siguraduhing hindi makakaramdam ng inggitan sa isa’t isa ang inyong mga anak?

August 21, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

Tila intro sa isang horror movie ang naging tagpo sa pagbisita ng isang potential buyer sa bahay na bibilhin niya sana sa North Carolina. Ang natagpuan ng buyer, hindi nakakakilabot na antigong salamin o cabinet, kundi isang naaagnas na bangkay.

Kung may foul play nga ba sa kamatayan ng bangkay, eto.

Isang araw binista ng isang hindi tukoy na indibidwal ang isang bahay sa Statesvill, North Carolina dahil sa interes na bilhin ito.

Habang iniikot ang bahay para i-check ang kalagayan nito, nadiskurbe ng potential buyer sa likurang bahagi ng bahay ang naaagnas na bangkay ng isang tao.

Nang dumating naman ang mga tinawag nitong pulis ay hindi rin agarang natukoy ang pagkakakilanlan ng bangkay dahil may katagalan na itong patay ayon sa Iredell Sheriff’s County Office.

Pero matapos ang dalawang araw na pag-iimbestiga, napag-alaman ng mga otoridad na ang natagpuang bangkay sa likod ng bahay ay ang 50-anyos na si Kevin Queen na siyang naninirahan sa nasabing property.

Samantala, hindi na makapagbibigay pa ng karagdagang impormasyon ang North Carolina Office of the Chief Medical Examiner ngunit pinaniniwalaan na natural cause ang ikinamatay ng lalaki.

Sa mga nagbabalak na bumili o lumipat ng bahay, alamin niyo muna ang history ng bahay na tinatarget niyo at baka may iba pala kayong kasama na maninirahan diyan, hindi niyo nga lang nakikita.

August 20, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

Ika nga nila, take advantage of your strength. Ganiyan ang ginawa ng isang yoga master mula sa South Korea na talagang ginamit ang kaniyang flexibility para makatakas sa kulungan sa pamamagitan ng pagdaan sa napakakipot na butas.

Kung paano ito ginawa ng lalaki, eto.

Limang araw na nakulong sa isang police station sa Daegu, South Korea ang yoga master na si Choi Gap-Bok dahil sa hinalang pagnanakaw.

Pero maniniwala ka ba na isang araw habang nasa piitan ay nakatakas si Choi sa pamamagitan ng paglusot sa food slot, o ‘yung makitid na butas sa ibabang bahagi ng mga rehas kung saan inilulusot ang pagkain ng mga detainee.

Para maging smooth ang pagdaan ni Choi sa maliit na butas, nagpahid ito ng skin ointment sa kaniyang upper body.

Ayon sa local media, ang nilusutang butas ni Choi ay may taas na 5.9 inches at lapad na 17.7 inches.

Base sa iba pang mga ulat, tumagal lang ng 34 segundo ang pagtakas ni Choi na itinaon niya habang natutulog ang tatlong gwardiya.

Gumamit pa umano ng technique si Choi mula sa isang pelikula kung saan inayos nito ang kaniyang higaan sa paraan na magmumukhang natutulog lang siya sa loob ng kulungan.

Ikaw, alin sa mga kakaiba mong skills ang sa tingin mo ay magagamit mo kapag desperado ka na?

August 20, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

Ika nga nila, prevention is better than cure. Kung kahandaan lang din naman ang pag-uusapan, kayang-kaya rin manguna ng Japan. Ang access kasi sa pagkain at inumin, inilapit na mismo sa mga residente kung sakali man na mayroong kalamidad na tumama sa kanilang bansa.

Kung saan matatagpuan ang mga vending machine na ito, eto.

Hindi na lingid sa kaalaman ng karamihan na isa ang Japan sa mga bansa na pinaka tinatamaan ng mga kalamidad katulad ng bagyo, lindol, at tsunami.

Kung darating man ang oras na masalanta na naman ang bansa, hindi na kakailanganin pa ng mga residente na maghintay sa pagdating ng mga ayuda dahil sa mga nagkalat na vending machines dito.

Pero take note, mayroong bagong uri ng vending machine sa Japan na kusang bumubukas para makakuha ng mga libreng inumin at pagkain ang mga residente sa tuwing mayroong inisyu na heavy rain warning o evacuation order matapos ang lindol.

Matatagpuan ang dalawang vending machines sa Western Coastal City of Ako na sinasabing vulnerable sa malalakas na lindol.

Ayon sa manufacturer, nais nilang mag-install ng mga nasabing vending machines sa buong bansa na naglalaman ng 300 inumin at 150 na emergency food items.

Bukod pa riyan, mayroon ding in-install na vending machine sa isang park sa Tokyo na ina-activate ng malalakas na lindol at may kakahayang maglabas ng emergency broadcast.

Mga netizen, sa tingin niyo ba ay kaya rin nating makasabay sa ganitong innovation?

August 19, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

Kadalasang sinasaway ng mga magulang ang kanilang mga anak dahil sa pagbababad sa computer at paglalaan ng mahabang oras sa paglalaro. Pero ang gamer na ito mula sa UK, nakaligtas mula sa medical emergency dahil sa tulong ng kaniyang kalaro na milya-milya ang layo.

Kung paano nakatulong ang gamer, eto.

Ka-chat ng noo’y 17-anyos na si Aidan Jackson mula sa Widnes, United Kingdom ang kaniyang kalaro at online friend na 20-anyos na si Dia Lathora mula sa Texas nang bigla na lang magkaroon ng seizure si Aidan.

Bagama’t limang milya ang layo sa isa’t isa, mula sa texas ay tumawag si Dia sa mga pulis sa UK para ipaalam ang emergency na nangyayari sa bahay ng mga Jackson.

Nasa first floor ng kanilang bahay ang mga magulang ni Aidan at nanonood ng TV nang may dumating na mga pulis sa tapat ng kanilang bahay.

Nang makausap ng nanay ni Aidan na si Caroline ang mga pulis, sinabi ng mga ito na nagmula pa sa America ang natanggap nilang tawag na mayroong emergency sa kanilang bahay at doon lang nito nalaman na nagsi-seizure ulit ang kaniyang anak.

Nauna na kasing nag-seizure si Aidan bago pa ang insidente at naghihintay na lang sa susunod niyang appointment.

Samantala, ayon naman sa kaibigan ni Aidan na si Dia, sa pamamagitan ng kaniyang headset ay nadiskubre niya na nagsi-seizure si Aidan, at nang hindi na ito sumagot pa ay tumawag na si Dia ng tulong.

Labis namang nagpasalamat si Caroline kay Dia na nakagawa ng paraan para tumulong kahit milya ang layo nito sa kanila.

Gayunpaman, ayon kay Caroline ay naging maayos naman ang lagay ni Aidan matapos ang insidente.
Sa mga gamers diyan, maaasahan niyo rin ba ang mga online friends niyo na saluhin kayo sa totoong buhay at hindi lang sa laro?

August 19, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

The tables have turned. Kung noon mga kriminal lang ang ipinahuhuli at ipinapapatay, ibahin niyo ang kaso na ito dahil isang police dog ang tinutugis ng mga kriminal dahil sa galing nito na makaamoy ng mga iligal na droga.

Kung ano ang hakbang na ginawa ng mga kriminal, eto.

Mahusay sa kaniyang trabaho bilang drug sniffer ang German Shepherd na si Sombra mula sa Colombia.

Sa katunayan, sa sobrang husay nito sa kaniyang trabaho, gusto itong ipa-dakip at ipapatay ng mga drug smugglers dahil umabot na ng 200 ang nahuli at tone-toneladang mga iligal na droga na ang nakumpiska dahil sa kaniya.

Ang aso, tila isang most wanted criminal dahil ang mga criminal organizations, nag-alok pa ng pabuya na $70,000 o mahigit 3 million pesos sa kagustuhan na dispatsahin ito.

Ayon sa isang pulis, nakakasagabal umano si Sombra sa transaksyon ng mga kriminal para mag-alok ang mga ito ng malaking halaga ng pera para ipapatay.

Dahil sa mga natatanggap nitong death threats, inilipat si Sombra sa Bogota International Airport mula sa pagdu-duty nito sa Atlantic Coast Ports kung saan madalas ipinadadala ang mga produkto ng isang drug gang.

Samantala, bukod sa nagdestino sa mas ligtas na lugar ang police dog, mayroon an rin itong sariling security guards para higit pang protektahan mula sa mga nagtatangka sa buhay nito nang dahil lang ginampanan nito ang kaniyang trabaho.

Sa may mga binabalak na masama diyan, itigil niyo na ang mga iligal na transaksyon niyo at baka maisahan pa kayo ng isang aso.

August 18, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest