Home NATIONAL NEWS EXPLAINERS

EXPLAINERS

Kung sa palagay niyo ay imposible ang mabigyan tayo ng second chance at life, nagkakamali kayo. Sa India kasi, isang bangkay ang dadalhin na sana sa huling hantungan pero ibinalik pa sa ospital dahil sa biglaan nitong pag-ubo sa libing.

Kung tuluyan nga bang nabuhay muli ang patay, eto.

Idineklarang brain-dead ang 19-anyos na si Bhau Lachke mula sa Trimbakeshwar Taluka, India matapos magtamo ng matinding injuries sa isang car accident.

Ayon sa pamilya ng lalaki, sinubukan pang isalba ng mga doktor ang kanilang kaanak pero inabisuhan sila ng mga ito na wala nang tyansa na maka-survive ang lalaki.

Tinuring na itong hudyat ng pamilya para simulan ang paghahanda para sa libing ng lalaki.

Nang dumating ang araw ng libing, bago pa magsimula ang seremonyas ay bigla na lang gumalaw at umubo ang bangkay.

Sa sobrang gulat ng pamilya, sa halip na matakot ay nabuhayan ng loob ang mga ito at agad na isinugod pabalik sa ospital ang lalaki kung saan ito muling ginamot at inilagay sa ventilator support.

Samantala, ayon sa ulat, inakusahan ng pamilya ng lalaki ang mga doktor ng misdiagnosing at sinabi na misleading ang pag-anunsyo ng mga ito na brain-dead na ang kanilang kaanak.

Ang depensa naman ng mga doktor, hindi umano sila nagkaintindihan ng pamilya dahil hindi naman daw nila idineklarang patay ang lalaki.

Ikaw, sino sa tingin mo ang may pananagutan sa kasong ito? kasalanan ba ng pamilya na hindi nila naintindihan ang nasabing diagnosis?

October 6, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

Pagibig na sana, naging bato pa. ganyan ang sinapit ng isang matanda mula sa Japan na nahulog ang loob sa nakilala nitong astronaut kuno pero isa pala talagang manggagamit na scammer.

Kung paano nahulog sa patibong ang lola, eto.

Nagkakilala sa social media ang 80-anyos na Japanese woman mula sa Northern Hokkaido Island at ang isang nagpakilalang astronaut na na-stuck umano sa space at nangangailangan ng pera na pambili ng oxygen.

Ang kwento ng astronaut, mayroong umaatake sa kanila habang sakay sila ng spaceship at nangangailangan sila ng oxygen.

Dahil nakuha na nga ng astronaut ang loob ng matanda na tuluyan nang na-in love sa kanya, nagpadala ang lola ng pera para makabili ang mga ito ng oxygen.

Pero ang astronaut, nanghihingi na nga lang ng pera, may kondisyon pa sa matanda. Ang utos sa lola, kinakailangan niyang i-transfer ang pera gamit ang prepaid systems mula sa limang magkakaibang tindahan.

Sa pagitan ng July at August, ipinadala ng lola ang pera na umabot sa 1 million yen o mahigit 370,000 pesos.

Nang sa wakas ay nakatunog ang matanda na scammer ang kausap niya na nagpapanggap na astronaut, doon niya lang ito ikinwento sa kaniyang pamilya at isinumbong sa mga pulis.

SAa kasamaang palad, malabo umano na mabawi pa ng lola ang ipinadala niyang pera matapos mabiktima ng tinukoy ng mga pulis na online romance scam.

Gayunpaman, bilang paalala sa mga taong posibleng samantalahin at targetin ng scammers, isinapubliko ng mga pulis ang nangyari sa matanda at nag-abiso na walang masama na agarang magsuspetsa kapag mayroong nanghihingi ng pera mula sa social media.

Sa mga scammer diyan, bakit hindi niyo na lang gamitin ang galing niyo sa paghahanap-buhay nang marangal sa halip na nag-iisip kayo ng bagong modus? tandaan, pumaldo man kayo sa nakulimbat niyo, iba pa rin kumilos ang karma na bigla-bigla na lang sumusulpot.

October 6, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

Mahirap ang mawalan ng trabaho, lalo na kung hindi mo ito napaghandaan. Pero ibahin niyo ang lalaking ito sa Auckland na inabisuhan pa ng kaniyang boss na magsama ng support person sa kanilang meeting dahil nakatakda pala itong tanggalin sa trabaho. Para pagaanin ang loob ng lalaki, nagsama siya ng clown sa opisina.

Kung nagawa nga ba nang maayos ng clown ang trabaho niya, eto.

Nakatanggap ng email mula sa kaniyang boss ang lalaking kinilalang Si Josh Jack mula sa Auckland kung saan sinasabing kinakailangan nilang pag-usapan sa isang meeting ang kaniyang posisyon sa trabaho.

Bukod diyan, inabisuhan din si Josh na magsama ng support person sa meeting, kung kaya sumagi sa isip nito na dalawa lang ang posibleng mangyari: mapo-promote siya o masisesante.

Sa isang litrato, makikita si Josh sa isang kwarto na masinsinang nakikipag-usap sa dalawa niyang employers kasama ang napili niyang isama na support person na clown.

Ang nirentahang clown, tila nasa isang children’s party lang at gumawa pa ng lobo na hugis unicorn at poodle habang nasa kalagitnaan ng meeting.

Ayon kay Josh, maya’t-maya nilang pinagsabihan ang clown dahil may kaingayan ito habang gumagawa ng lobo.

Gayunpaman, mabuti na lang at nagawa pa rin ng clown ang kaniyang trabaho na magbigay aliw kahit na wala ito sa isang party, lalo na at tuluyan ngang sinesante si Josh.

Bagama’t natanggal ang lalaki sa trabaho, nagpasalamat pa umano ang kaniyang mga boss dahil nagawa niyang pagaanin at lagyan ng twist ang isa sanang mabigat na meeting.

Sa mga natanggal sa trabaho diyan, ano ang ginawa niyong coping mechanism matapos kayong sibakin sa posisyon?

October 3, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

Sinong mag-aakala na isang pamilya ang masisira nang dahil lang sa mababaw na dahilan ng pag-aaway ng mga magulang? Ang mag-asawa kasi, hindi lang naman nagkasundo sa ibibigay nilang pangalan sa kanilang new-born baby.

Kung nagkaroon din ba sa wakas ng pagkakakilanlan ang bata, eto.

Nauwi sa paghahain ng divorce sa Pudong New Area People’s Court ang isang hindi pinangalanang mag-asawa mula sa Shanghai, China dahil umano sa personality indifferences.

Taong 2023 nang ikasal ang dalawa at agad na biniyayaan ng isang baby boy makalipas lang ang isang taon.

Pero nang ipanganak ang kanilang bata, doon na nagsimulang magkaroon ng lamat ang relasyon ng dalawa dahil sa hindi pagkakasundo sa kung ano ang ibibigay na pangalan sa kanilang anak.

Ayon sa mga ulat, dahil sa kagustuhan ng mag-asawa na pareho silang masunod sa magiging pangalan ng baby, magkahiwalay silang nagpunta sa ospital para ipa-register ang preferred names nila, pero pareho itong rejected dahil sa hindi pagsunod sa policy.

Ang misunderstanding ng dalawa, umabot pa sa punto ng pagde-demand ng ‘power of attorney’ nang sa ganon ay isa sa kanila ang magkaroon ng kapangyarihan na mag-decide.

Dahil dito, naiipit ang bata at nalalagay sa alanganin ang kalusugan at hindi makapagpabakuna dahil sa kakulangan sa legal documents.

Matapos ang pagpapabalik-balik sa korte, nagkasundo rin sa huli ang mag-asawa sa ibibigay nilang pangalan sa bata, habang kasama naman nilang pupunta ang judge sa ospital para i-apply ang birth certificate nito at sa wakas ay magkakaroon na rin ng pagkakakilanlan ang bata.

Sa mga ikakasal diyan, mukhang mas maigi kung ngayon pa lang ay magkasundo na kayo ng fiancee niyo sa ibibigay na pangalan sa magiging anak niyo. Sige kayo, baka mauwi lang din sa hiwalayan ang kasal na pagkakagastusan niyo.

October 3, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

He was ‘small but terrible.’ Pinatunayan ng isang maliit na aso sa New Zealand na hindi kailanman masusukat sa laki ang katapangan. Ang aso kasi na ito, buong tapang na nilabanan mag-isa ang dalawang pit bull na umatake sa mga kalaro niyang bata kahit na ang kapalit ay ang mismong buhay niya.

Ang kwento ng katapangan ng maliit na aso na ito, eto.

Nakikipaglaro noon ang siyam na taong gulang na Jack Russell Terrier na si George sa limang bata matapos nilang manggaling sa isang tindahan sa Manaia, New Zealand nang sumulpot sa likuran nila ang dalawang pit bull.

Ayon sa isa sa mga bata na si Richard Rosewarne na noo’y 11-anyos, ang apat na taong gulang niyang kapatid na si Darryl ang target ng mga pit bull.

Bagama’t maliit, walang takot na pinagtanggol ni George ang mga bata. Ayon pa kay Richard, sinubukang itaboy ni George ang mga aso sa pamamagitan ng pagtahol sa mga ito.

Pero ang mga pit bull, agad na umatake at kinagat si George sa ulo at sa likurang bahagi ng kaniyang katawan. Sa tindi ng pinsala sa engkwentro, sinabi ng owner ni George na noo’y 69-anyos na si Alan Gay na tumuklap ang balat ng kawawang aso sa lalamunan, dibdib, at likod.

Sa kasamaang palad, hindi na nailigtas pa ng veterinarian na si Steven Hopkinson ang aso mula sa mga injuries na tinukoy nito na pinakamatinding pinsala na nakita niya.

Matapos nito ay sinurrender ng owner ang mga pit bull sa Dog Control Officers at isinailalim sa euthanasia alinsunod sa kautusan sa kanilang bansa.

Samantala, ilang linggo matapos pumanaw ni George, pinatayuan ito ng rebulto sa Manaia at pinarangalan ng dalawang medalya bilang pag-alala sa katapangan at pagiging selfless ng small but terrible na aso.

Sa mga pet owners diyan, tandaan na hindi natatapos ang pagiging responsible owner sa pagpo-provide ng mga pangangailangan ng mga alaga niyo. kabilang din dito ang paninigurado na hindi magdudulot ng kapahamakan ang inyong mga pets.

October 2, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

Ika nga ng matatanda, enjoyin ang kabataan at huwag masyadong subsob sa pag-aaral. Pero sa kaso na ito sa China, mga magulang mismo ng isang bata ang nagtulak sa kaniya na mag-aral sa loob ng 14 na oras. Dahil sa pagod at kawalan ng pahinga, ang bata, isinugod sa ospital.

Kung ano ang diagnosis ng bata, eto.

Sa halip na good grades, sakit ang nakuha ng isang 11-anyos na batang lalaki mula sa Changsha na matatagpuan sa probinsya ng Hunan, Southern China matapos nitong mag-aral nang halos kalahating araw.

Ayon sa mga ulat, alas otso ng umaga nagsimulang gumawa ng kaniyang summer homework ang bata at natapos ng alas diyes na ng gabi.

Pagdating ng alas onse ng gabi, bigla na lang nag-iba ang timpla ng bata at nakaramdam ng pagkahilo, pananakit ng ulo, pamamanhid ng limbs, at mabilis na paghinga.

Agad namang naisugod ng mga magulang ang kanilang anak sa ospital kung saan agad itong sinuotan ng breathing mask para ibalik sa normal ang paghinga ng bata.

Samantala, ayon sa mga ulat, nag-ugat umano ito sa stress at pressure na naramdaman ng bata sa kaniyang mga magulang na nagbabantay sa kaniya habang gumagawa ng homework sa loob ng 14 hours nang wala man lang pahinga.

Bilang resulta, sa halip na mag-enjoy sa pag-aaral, nakaranas ng hyperventilation ang bata na sa murang edad na-diagnose na ng isang respiratory condition.

Sa mga magulang diyan, hinay-hinay sa pagbabantay. hindi naman porke maluwag kayo sa mga anak niyo ay magbubulakbol na agad ang mga ito sa eskwelahan.

October 2, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

Sabi nga nila, kilalanin mo muna nang maigi ang isang tao bago mo jowain. ganyan naman ang ginawa ng isang babae sa China nang makipag-date ito.
Ang problema nga lang, nasobrahan ang babae at isinama pa ang pamilya niya para lang alamin kung generous ba ang kaniyang ka-date.

Kung ano ang kinahinatnan ng blind date na ito, eto.

Nag-set ng blind date ang mismong nanay ng isang 29-anyos na lalaki mula sa China dahil nababahala umano ito sa matamlay na lovelife ng kaniyang anak.

Nang dumating ang araw ng date ng lalaki sa isang restaurant sa Eastern Chinese Province, hindi lang ang sinet up sa kaniya na babae ang dumating kundi pati na rin ang pamilya nito.

Bagama’t first date pa lang, pinatunayan agad ng wais na babae na gusto muna niyang kilalanin ang lalaki bago niya ito maging nobyo.

Ayon sa mga ulat, 23 myembro ng kaniyang pamilya ang isinama ng babae sa restaurant.

Willing naman umano ang lalaki na bayaran ang kanilang bill pero hindi nito inasahan na hindi lang silang dalawa ng babae ang mag-ge-getting to know.

Matapos ang date ay agad na sumibat ang lalaki nang makita na umabot ng $3,100 ang total ng kinain nila sa restaurant o tumataginting na mahigit 150,000 pesos.

Gayunpaman, kalaunan ay binayaran naman ng lalaki ang parte niya sa bill pero hinayaan niya ang pamilya na bayaran ang natitirang balanse.

Ikaw, ganito ka rin ba ka-agresibo kahit na nasa first date pa lang kayo?

October 1, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

Marami ngayon ang nangangarap na lumipat sa ibang bansa para makapagbagong buhay at manirahan sa lugar kung saan walang nakakakilala sa kanila. Katulad na lang ng lalaking ito mula sa Wisconsin na bigla na lang naglaho para manirahan sa ibang bansa. ang problema, pamilyado itong tao at hindi sinama ang kaniyang pamilya.

Kung gaano katagal ang ipinataw na sentensya sa lalaki, eto.

August 2024 nang maglaho na lang bigla ang 45-anyos na tatay mula sa Wisconsin na si Ryan Borgwardt nang magpunta ito sa isang fishing trip.

Bukod sa pag-iwan nito sa kaniyang cellphone at I.D., natagpuan na lang din sa huli nitong pinuntahang lugar ang isang nakataob na bangka.

Nang imbestigahan ang insidente, nadiskubre na ang nawawalang lalaki ay lumipad na pala patungong Canada bago naglagi sa Georgia kung saan ito nakipag-meet up sa isang babae na nakilala nito online.

Wala naman sanang kaso sa biglaang pag-alis ni Ryan at pagbabagong-buhay sa Europe. Pero ang problema, mayroon itong tinalikurang asawa at tatlong anak.

Tila masusing pinlano ang pag-alis ng lalaki dahil nagawa pa nitong maglipat ng pera sa isang foreign bank account, nag-apply ng replacement passport, at pina-reverse pa ang kaniyang vasectomy.

Sa tulong ng isang russian woman, na-contact nila ang lalaki na siya namang nag-send ng video kung saan sinabi nito na nasa maayos siyang kalagayan.

Nang bumalik ang lalaki sa U.S., sa halip na salubungin ito ng kaniyang pamilya ay obstruction case ang bumungad dito at pinatawan pa ng 89 na araw ng pagkakakulong, katumbas ng mga araw na ginugol ng mga otoridad sa paghahanap sa kaniya.

Pinagbabayad din ito ng $30,000 o mahigit isang milyong piso bilang kabayaran sa ginastos sa isinagawang search and rescue operation.

Bukod sa maigsing sentensyang ito, tuluyan na rin itong hiniwalayan ng kaniyang asawa na naghain na ng divorce.

Samantala, nilinaw naman ng abogado nito na si Erik Johnson na bumalik ang lalaki sa america para harapin ang iniwan niyang problema.

Sa mga may asawa diyan, walang masama kung babantayan niyo ang online activities ng mga asawa niyo at baka bigla na lang itong umalis nang walang paalam para mamuhay nang hindi na kayo kasama.

October 1, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

Hindi naman na bago sa ating lahat ang makarinig ng mga kaso ng kurapsyon dito sa Pilipinas. Halos gawin na ngang libangan ng mga tao ngayon ang pagsubaybay sa mga hearing at imbestigasyon na ginagawa hinggil sa bilyun-bilyong pisong halaga ng flood control scandal.

Gayunpaman, hindi pa rin nawawala sa isip ng mga Pilipino kung paano ba tuluyang mawawala ang kurapsyon sa bansa?

May tyansa pa kaya na isang araw, gigising tayo nang wala ng pangamba para sa tax na binabayaran natin?

Alam niyo ba na ang kalapit nating bansa na Singapore ay naitala bilang least corrupt country sa asya nitong nakaraang taon? Sana all, diba?

Ayon yan sa inilabas na Corruption Perception Index ng Transparency International the Global Coalition Against Corruption kung saan nanguna ang Denmark, Finland, Singapore, New Zealand, at Luxembourg.

Sa katunayan, ayon sa isang report, sunud-sunod ang pagbaba ng mga naitatalang kaso ng kurapsyon sa Singapore.

Noong 2016, 447 reports at 118 cases of corruption ang natanggap ng the Corrupt Practices Investigation Bureau (CPIB) ng Singapore.

Pagdating ng 2023, halos kalahati ang ibinaba ng mga report at naging 215 na lang, habang ang mga kaso naman ay 81 na lang.

At nito lang 2024, naabot na nga ng Singapore ang pinaka mababang kaso ng kurapsyon na naitala sa bansa.

Ayon sa report na inilabas ng CPIB, 177 na lang ang mga natanggap nilang reports na may kinalaman sa kurapsyon. 75 sa mga ito ang naka-register para maimbestigahan at 61 naman sa mga ito ay inireport anonymously.

Pero paano nga ba ito nangyari? ang CPIB kasi, hindi nagpapaka-kampante at talagang sinisiguro nila na mapapanagot ang mga tiwali.

Halimbawa na lang ay ang former Transport Minister na si S. Iswaran na pinatawan ng isang taong pagkakakulong at ngayon ay nakasailalim sa home detention matapos mapatunayang guilty sa pagtanggap ng mamahaling regalo habang nasa pwesto at paglabag sa Obstruction of Justice.

See? Mayroon naman palang solusyon. May pwede naman palang gawin para mapanagot ang mga kurakot at hindi magipit ang mga nasasakupan nito.

Ang tanong ngayon, posible pa kaya tayong lumaya mula sa pandaraya? Tandaan, ika nga ng matatanda, kung gusto may paraan, kung ayaw may dahilan.

September 30, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

Isa na namang balita ang pumutok nito lang September 29 kung saan pormal na inanunsyo ni Ako Bicol Party-list Representative Elizaldy Co sa isang Facebook post ang kaniyang resignation bilang miyembro ng House of Representative.

Sa kasunod na post naman ay pansamantala muna siyang nagpaalam bilang kinatawan ng kaniyang partido.

Nangyari ang mga announcement na ito sa kaparehas na araw na binigay sa kaniya na deadline para bumalik sa Pilipinas.

Gayunpaman, hindi pa rin nawawala ang tanong kung kailan nga ba ito babalik sa Pilipinas?

Matatandaan na nasa ibang bansa ngayon ang dating kongresista dahil sa kaniyang medical condition.

Sa opisyal na panayam ng DWIZ, tinanong ang nakakagirian nito na si Navotas Rep. Toby Tiangco kung ano nga ba ang posibleng kaharapin ni Zaldy Co kapag umuwi ito sa Pilipinas. Ang kongresista, isa lang naman ang gusto at yan ay ang sagutin ni Zaldy Co ang mga paratang na idinidikit sa pangalan niya.

Habang mas maganda aniya na kanselahin ang passport nito kung sakaling hindi ito babalik sa Pilipinas.

Gayunman, nauna nang nag-resign sa kongreso at naghain ng leave of absence sa Ako Bicol Party-list ang dating kongresista sa kadahilanang nasa panganib umano ang buhay nila ng kaniyang pamilya dahil sa natatanggap nilang mga banta.

September 30, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest