Tiniyak ng Department of Budget and Management na may sapat na pondo ang pamahalaan para sa disaster response at recovery efforts sa mga lugar na tinamaan ng kalamidad.
Ayon kay DBM Secretary Amenah Pangandaman, nakahanda ang gobyerno na tumugon sa mga pangangailangan ng mga indibidwal na na-displace dahil sa malawakang pagbaha dulot ng malakas na pag-ulang dala ng habagat at mga pumasok na bagyo sa bansa.
Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., naglaan aniya sila ng maraming available funds na maaaring gamitin para sa mga Pilipino sa disaster-hit areas.
Maliban dito, pinaglaanan din ng stand-by fund ang mga front-line agencies na maaaring gamitin sa kanilang relief and recovery efforts.
Iginiit ng kalihim na hindi dapat mag-alala ang publiko dahil agad nilang bibilisan ang pagpoproseso at pagpapalabas sa nasabing calamity funds.
—sa panulat ni Mark Terrence Molave