Niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ang lalawigan ng Antique kaninang ala-syete disi sais ng umaga.
Ayon sa PHIVOLCS, tectonic ang origin ng naturang lindol at may lalim na 20 kilometro.
Natunton ang episentro ng lindol sa layong 13 kilometro timog-kanluran ng Anini-y.
Naitala ang intensity I sa San Jose de Buenavista at Culasi, Antique.
Sinabi naman ng PHIVOLCS na walang inaasahang aftershocks at pinsala matapos ang pagyanig.