Nakapagtala ang lungsod ng Maynila ng pinakamababang bilang ng COVID-19 infections nitong Lunes, Enero a-kwatro.
Ayon sa OCTA Research Group, bumulusok sa negative seven percent ang seven-day average ng bagong kaso sa lungsod, mula sa dating 1,958 na ngayon ay 1,829.
Sinabi ni OCTA Research Fellow Dr. Guido David na kung magpapatuloy ang pagbaba ng mga kaso sa maynila ay posibleng bumaba na rin ang bilang ng mga bagong kaso sa NCR.
Gayunman, pinaalalahanan pa rin ni David ang mga residente sa rehiyon na patuloy na sundin ang minimum public health standards upang mapanatili ang “downward momentum.”