Nakapagtala ng mahigit 100 volcanic earthquakes o pagyanig ang Bulkang Taal sa nakalipas na dalawamput apat na oras.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), nasa 85 ang naitalang bilang ng low-frequency earthquakes at low level background tremor.
Naglabas naman ng 1,500 metro ng steam plume ang bulkan sa direksyon ng timog-kanluran habang umabot naman sa mahigit 1,000 sulfur dioxide emission ang naitala sa Bulkang Taal nito lamang Nobyembre 8.
Sa ngayon, nananatili sa Alert level 2 ang Bulkang Taal na nangangahulugan ng ‘Increased Unrest’. —sa panulat ni Angelica Doctolero