Posibleng pumutok na anumang oras o anumang araw ang Bulkang Mayon.
Ayon ito sa PHIVOLCS o Philippine Institute of Volcanology and Seismology matapos na magbuga ng makapal na abo ang bulkan.
Sinabi ng research specialist ng PHIVOLCS na si Paul Alanis na patungo sa timog-kanluran ang direksyon ng abo na mula ‘moderate to heavy’ ang bagsak.
Sa ngayon ay ‘zero visibility’ na ang ilang daan sa bayan ng Guinobatan dahil sa maitim na abong nakapalibot sa lugar.
Maliban dito , apektado na rin ang mga bayan ng Camalig, Oas M Polangi at lungsod ng Ligao.