Hihigpitan ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang mga panuntunan sa pagbabayad sa mga online gambling sites upang hindi ito basta-basta magagamit ng mga bata.
Nagpalabas ng draft circular ang B-S-P kung saan iniutos nito ang mga bangko, e-wallet platforms, at iba pang mga payment service providers na magpatupad ng mas pinaigting na sistema bago mag-facilitate ng mga bayad para sa mga online gambling platforms.
Ilan sa mga pinapanukala ay ang pagpapatupad ng mga arawang spending cap, time limit, at biometric verification upang masigurong walang menor de edad na makakapasok sa mga online gambling site.
Iniutos din ng BSP sa lahat ng mga bangko at mga empleyado nito na huwag makibahagi sa anumang paraan ng online gambling upang panatilihin ang tiwala ng publiko sa mga banking system.