Magiging ‘bumpy’ o maraming balakid pa rin ang pagdadaanan ng Pilipinas para sa pagbangon ng ekonomiya ng ating bansa.
Ayon sa bangko sentral ng pilipinas o bsp, dapat ding ikonsidera ang gross domestic product o gdp ng bansa na aahon mula sa mahabang panahon ng recession magmula pa noong nakaraang taong 2020 hanggang nitong unang quarter ng 2021.
Mababatid naman na binabaan ng economic managers ang growth forecast ngayong taon na aabot na lamang sa 4 hanggang 5 porsyento mula sa dating 6.6 hanggang 7.5 porsyento dahil sa masamang epekto ng covid-19 at mga variants nito.
Samantala, kinakitaan naman ng bsp ng potensyal na makatutulong para sa pangkabuuang economic growth at pagpapabuti naman sa kumpyansa ng mga negosyo, mamimili, private investment at iba pa.