Indikasyon ng matibay na ugnayan ng Pilipinas at Estados Unidos ang naging pagbisita ng barkong pandigma nito.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana na ito’y partikular na makatutulong sa usapin ng depensa at interoperability ng dalawang bansa.
Giit pa ni Lorenzana na bukod sa dalawang usaping iyon ay marami ring dulot na maganda sa bansa ang naturang pagbisita ng sasakyang pandigma ng Estados Unidos.
Mababatid na nitong Lunes ay nagsagawa ng kauna-unahang pagbisita sa bansa ang independence – variant littoral combat ship ng US na USS Charleston.