Home NATIONAL NEWS Pag-IBIG financed homes increase 15% to over 68,000 in nine months, socialized housing grows 173% under Marcos’ Expanded 4PH

BRIBERY O PANUNUHOL, ITINUTURING NA PINAKAMABIGAT NA KASO LABAN KAY V.P. SARA

by DWIZ 882 August 3, 2026 0 comment
VP SARAAA

Lumabas sa isang survey ng OCTA na apat sa sampung Pilipino o katumbas ng 43 porsyento ng mga Pilipino ang naniniwala na bribery o panunuhol ang pinakamabigat na alegasyon sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.

Pumangalawa rito ang maling paggamit ng confidential funds na may 28 porsyento.

Sumunod ang hindi maipaliwanag na yaman at pagbabanta laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na kapwa may 10 porsyento.

Habang 8 porsyento naman nagsabing hindi nila matukoy kung alin ang pinakamabigat na alegasyon.

Isinagawa ang naturang survey noong Hulyo 4 hanggang 11 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 adult respondents.   l mula sa panulat ni Reianne Antiquina

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment