Mahigpit na nakatutok ang international community sa resulta ng botohan ng US Senate hinggil sa short term spending bill ng Amerika.
Bagamat naipasa na ito ng republicans sa House of Representatives, hindi pa tiyak ang kapalaran nito sa mataas na kapulungan dahil ilang democrats na ang kumontra o nag anunsyo na ng pagboto laban dito.
Sakaling mabigong maipasa ang spending bill, maaaring mag-resulta ito sa shutdown o pagkaka-paralisa ng operasyon ng kanilang gobyerno.
Kapag nangyari ang government shutdown, pagbabakasyunin ang mga empleyado sa tatlong sangay ng gobyerno dahil walang ipambabayad sa suweldo ng mga ito.
Ang mga nasa public safety at national security ay magpapatuloy sa kanilang trabaho subalit ilan sa mga ito ay walang matatanggap na bayad.