Sapilitan na ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa Beijing, China.
Kauna-unahan ito sa mga siyudad sa Mainland China bilang pag-iingat laban sa pagkahawa sa Omicron variant ng COVID-19.
Mula July 11, kailangan nang magpakita ng proof of vaccination ng mga mamamayan kung papasok ito sa mga sinehan, libraries, museums, gyms, stadiums at training centers.
Exempted naman ang hindi maaaring mabakunahan dahil sa isyu sa kalusugan pero kailangang magpakita ng katibayan.
Sa huling datos, tatlong kaso na ng BA.5.2 ang naitala sa Beijing na nagdulot ng malawakang lockdown sa lugar.