Itinaas sa category 3 ang status ng biyahe ng MRT o Metro Rail Transit-3 dakong alas-7:30 ng umaga.
Dahil ito sa problemang teknikal sa isa sa mga tren.
Dahil dito, pinababa ang mga pasahero ng nagka-diperensyang tren sa southbound ng Buendia Station at isinakay sa kasunod na tren.
Nitong Miyerkules, dalawang aberya rin ang naitala sa MRT.
By Len Aguirre