Dumami pa ang bilang ng mga Filipinong nagsabing nakararanas sila ng gutom sa ikatlong bahagi ng taon.
Batay ito sa resulta ng survey ng Social Weather Stations (SWS) mula Setyembre kung saan lumabas na 13.3 percent o katumbas ng 3.1 million na mga Filipino ang nakararanas ng involuntary hunger sa nakalipas na tatlong buwan.
Mas mataas ito ng 3.9 percent kumpara sa 9.4 percent na naitala noong Hunyo.
Ito rin ang pinakamataas na naitala simula noong Disyembre ng taong 2017 sa 15.9 percent.
Nakita naman ang pinakalamalaking pagtaas sa bilang ng nagugutom sa Mindanao, balance Luzon at Metro Manila.
Isinagawa ang survey mula Setyembre 15 hanggang 23 sa 1,500 mga adults mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.