Sumampa na sa 175 ang nasawi sa pananalasa ng bagyong Agaton habang 110 pa ang nawawala.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), sa nasabing bilang, 156 ay mula sa Eastern Visayas, partikular sa mga lugar na naapektuhan ng landslides;
Labing-Apat sa Western Visayas; tatlo sa Davao region habang dalawa mula sa Central Visayas region.
Karamihan naman sa mga hindi pa nahahanap ay mula sa Eastern Visayas, partikular sa mga Baybay City at Bayan ng Abuyog, Leyte na naapektuhan ng landslide.
Samantala, nasa 2M katao ang naapektuhan ng kalamidad sa tinatayang 2,400 barangay.