Umabot na sa 322 ang bilang ng traffic violators na nahuli ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Task Force for Special Operations (TFSO) at ng mga tauhan ng Anti-colorum unit.
Kabilang sa mga lumabag ay illegal-parking o iligal na pumaparada sa hindi tamang lugar.
Ayon sa MMDA, nito lamang sabado, nasa 44 na sasakyan ang hinatak at dinala sa impounding area ng ahensya.
Ang nasabing operasyon ay kasunod ng ikinasang crackdown kontra colorum at out-of-line Public Utility Vehicles (PUV) na bumibiyahe sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila. — sa panulat ni Angelica Doctolero