Umabot na sa mahigit pitong libo ang naitala ng mga otoridad na dumalaw sa sementeryo sa Barracks sa Pasig ngayong bisperas ng Undas.
Ayon sa mga otoridad, tuloy-tuloy ang pagdating ng mga bumibisita sa sementeryo upang dalawin ang kani-kanilang mga yumaong mahal sa buhay.
Sa ngayon, pinapayagan pa rin ng pamunuan ng sementeryo ang cremation pero hanggang ngayong araw na lamang, dahil bukas ay inaasahan nilang daragsain ito ng mga bibisita sa puntod.
Kaugnay nito, kinukumpiska naman ng mga otoridad ang mga ipinagbabawal na gamit gaya ng mga matatalim na bagay tulad ng cutter at kutsilyo, gayundin ang sigarilyo.
Samantala, posible namang tumaas bukas ang presyo ng mga kandila na sa ngayon ay nasa 10 pesos kada tatlong piraso, habang 150 pesos naman ang pinakamahal.
Sa bulaklak, sa ngayon ay nasa singkwenta pesos hanggang 350 pesos.
Bantay-sarado naman ng PNP ang paligid ng sementeryo upang matiyak ang seguridad sa lugar.





