Masusing sinusuri ng BFAR o Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang mga inaangkat na tilapia fingerlings sa bansa. Ito ay bilang pag-iingat sa posibleng pagpasok sa bansa ng bagong tuklas na virus na namemeste sa mga tilapia sa ibang bansa. Ang nasabing virus ay tinatawag na TILV o tilapia lake virus na kumalat sa mga bansang Colombia, Ecuador, Egypt, Israel at Thailand. Ang TILV ay nagdudulot sa tilapia ng pagkasugat sa mga balat, pagkakatanggal ng kaliskis, malabong mga mata at pagkamatay. Bagaman, sinabi ng food and agriculture organization ng United Nations na walang masamang epekto sa tao kung makakakain ng tilapia na may TILV. Posibleng maging dahilan naman ito ng pagkaubos ng mga cultured at wild tilapia sa mga apektadong lugar. By Krista de Dios BFAR nakatutok laban sa tilapia lake virus was last modified: June 14th, 2017 by DWIZ 882Comments comments 0 comment 0 Facebook Twitter Google + Pinterest DWIZ 882 previous post AFP nagpakawala ng artillery fire sa Jolo next post Ariana Grande bibigyan ng honorary citizenship of Manchester You may also like Año dumepensa sa pagkumpirma niyang kasama si... February 17, 2020 3 indibidwal na sangkot sa pangha-hack ng... April 27, 2022 Panibagong bigtime oil price hike, muling inilarga June 14, 2022 Desisyon hinggil sa hirit na umento sa... April 30, 2022 Bawas singil sa tubig, ipatutupad ng Maynilad June 17, 2022 Mga pulis inirereklamo ang natanggap na hazard... April 3, 2020 Komisyon nina JPE at Ruby Tuason, ibinunyag... May 29, 2015 Miyembro ng young guns ng kamara, nanawagan... October 21, 2024 DSWD, patuloy ang pag-alalay sa mga apektado... February 28, 2016 Ilang partylist reps umalmang buwagin ang partylist... August 1, 2016 Leave a Comment Cancel Reply