Makakaapekto sa produksyon ng isdang tabang tulad ng tilapia, bangus, at hipon ang El niño phenomenon.
Ito ang ibinabala ni Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Spokesman at Head ng Information and Fisherfolk Coordination Unit Nazario Briguera, hinggil sa El Niño na inaasahang tatagal hanggang Mayo.
Ayon kay Spokesman Briguera, pinalawak ng pamahalaan ang operasyon ng mariculture parks o pag-aalaga ng isda upang maiwasan ang kakulangan sa supply at produksyon nito.
Kaugnay nito, iniulat ng BFAR na wala silang natatanggap na ulat, kaugnay sa limitadong supply ng isda, dahil sa mga hakbang ng pamahalaan upang matugunan ang epekto ng El Niño phenomenon. – sa panunulat ni Charles Laureta