Inilabas ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR ang red tide notice sa walong coastal areas matapos magpositibo ang mga shellfish sa paralytic shellfish poison.
Kabilang dito ang ilang mga coastal waters sa Bataan, Masbate, Bohol, Leyte, Eastern Samar, Zamboanga Del Sur, Surigao Del Norte at Surigao Del Sur.
Batay sa inilabas na datos ng shellfish bulletin, lahat ng uri ng shellfish at acetes na kilala rin bilang alamang, ay maaring magdulot ng kapahamakan sa makakakain nito.
Samantala, sinabi ng ahensya na ang coastal waters ng Baroy sa Lanao Del Norte ay libre na sa mapanganib na red tide.—