Home NATIONAL NEWS Pag-IBIG financed homes increase 15% to over 68,000 in nine months, socialized housing grows 173% under Marcos’ Expanded 4PH

Bersamin, hinimok ang mga kawani ng Malakanyang na maging totoo

by DWIZ 882 October 10, 2022 0 comment
cats

Hinimok ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang lahat ng mga kawani ng Malakanyang na maging totoo at tapat sa kanilang sinumpaang tungkulin.
Ito ang inihayag ni Bersamin sa kauna-unahang flag raising ceremony na dinaluhan nito ngayong umaga kasama ang iba pang matataas na opisyal ng palasyo.
Ayon kay Bersamin, mawawalan nang saysay ang public servant kung wala itong sinseridad at dedikasyon sa tungkulin.
Aniya, dapat sundin ng mga kawani ng gobyerno ang rule of law sa bawat aksyong kanilang gagawin.
Sinabi ni Bersamin na laging itatak sa kanilang mga isip na sila ay nagsisilbi para maging patas at sumusunod sa batas.

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment