Ang sibuyas ang isa sa mga pinakakilalang gulay sa kantang Bahay Kubo, madalas itong ginagamit na panggisa, pampalasa, o kasama sa sawsawan.
Ang sibuyas ay mayaman sa antioxidants na tumutulong labanan ang free radicals sa katawan na nagdudulot ng mga sakit.
Sa mga may problema sa puso, ang sibuyas ay may quercetin, isang uri ng flavonoid na kayang magpababa ng blood pressure at cholesterol levels.
Ito rin ay may anti-inflammatory properties na makatutulong sa mga may arthritis o karamdaman sa kasukasuan.
Sa mga nagpapapayat, mababa ang calories ng sibuyas pero mataas ang fiber content nito—nakakabusog at nakatutulong sa maayos na pagtunaw ng pagkain.
Hindi lang panggisa ang ginagampanan ng sibuyas sa lutuin, ito’y kinikilala rin na pangalaga sa kalusugan.