Muling dumaan at nagpatrolya ang barkong pandigma ng Estados Unidos sa South China Sea bago tuluyang dumaong sa pantalan sa Pilipinas.
Pinangunahan ng US aircraft carrier na USS Ronald Reagan ang paglalayag ng mga US Navy strike group sa South China Sea.
Sakay ng nasabing barko ang nasa 70 eroplanong pandigma ng Amerika at limang libong (5,000) crew.
Ayon sa US, ang nasabing pagpapatrolya ay bahagi ng pagtitiyak na bukas sa lahat at ligtas ang karagatan kung saan dumaraan ang mga commercial ship.
Mensahe rin umano ito ng Amerika sa mga kanilang kaalyadong bansa na nakahanda silang itaguyod ang kapayapaan at commitment nito sa rehiyon.
—-