Nanawagan sa Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine Pyrotechnics Manufacturers and Dealers Association o PPMDAI na huwag ituloy ang bantang total ban sa paputok lalo na sa Disyembre.
Ayon kay Vimmie Erese, Pangulo ng PPMDAI, Hunyo pa lamang ay nagsisimula na silang gumawa ng paputok para sa Disyembre.
Maliban dito, libu-libong manggagawa rin ng paputok sa iba’t ibang panig ng bansa ang apektado kung ipatutupad ang total ban.
Bahagi ng pahayag ni Vimmie Erese, Pangulo ng PPMDAI
Ipinaliwanag ni Erese na dapat tutukan ng awtoridad ang pagbili ng materyales sa paggawa ng paputok.
Karamihan anya ng mga gumagawa ng ipinagbabawal na paputok tulad ng mga ‘goodbye philippines’ at iba pa ay hindi mga lisensyadong pagawaan.
Bahagi ng pahayag ni Vimmie Erese, Pangulo ng PPMDAI
Bocaue explosion
Umabot sa tinatayang 20 milyong piso ang halaga ng napinsalang ari-arian makaraang sumabog ang mga paputok sa isang bodega sa Bocaue Bulacan.
Kinumpirma rin ni Senior Inspector Renante Batchine, Hepe ng Bureau of Fire Protection sa Bocaue Bulacan, na dalawa ang nasawi sa insidente at 24 na iba pa ang nasugatan.
Ayon kay Batchine, isa sa mga nasawi ay nakilalang si Manuel Ayala samantalang kinukumpirma pa kung si Dina Gonzales na may-ari ng sumabog na bodega ang isa pa dahil hindi na makilala ang katawan nito.
Sa ngayon anya ay sinusuri pa nila ang tunay na dahilan ng pagsabog ng mga paputok.
Bahagi ng pahayag ni Senior Inspector Renante Batchine, Hepe ng Bureau of Fire Protection
Samantala, pabor si Batchine sa panukalang total ban sa paputok kung ito aniya ang nais ng nakararami.
Tiniyak ni Batchine na lahat ng legal manufacturers ng paputok sa Bocaue ay nakakasunod naman sa mga panuntunan ng BFP, batay sa kanilang regular inspection.
Bahagi ng pahayag ni Senior Inspector Renante Batchine, Hepe ng Bureau of Fire Protection
By Len Aguirre | Ratsada Balita