Tila kinalimutan na umano ni Pangulong Rodrigo Duterte na siya ang pangulo ng bansa kaya’t pawarde-warde ang mga nagiging hakbang nito.
Iyan naman ang buwelta ng grupong Karapatan sa naging pagbabanta ng pangulo na kaniyang sususpindihin ang pribilehiyo ng Writ of Habeas Corpus at paglulunsad ng revolutionary war.
Ayon sa grupo, malinaw sa naging pahayag na ito ng pangulo ang pagnanais nitong patahimikin ang kaniyang mga kritiko lalo’t nahaharap na anila ang bansa sa matinding kahihiyan.
Kabilang na rito anila ang paglulumuhod umano ng administrasyon sa China lalong lalo na sa mga usaping may kaugnayan sa agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea, pagwawalang bahala sa karapatang pantao at kagaspangan ng salita sa mga kritiko ng pangulo.
Binigyang diin pa ng grupo, matagal na anilang sinuspinde ni Pangulong Duterte ang pribilehiyo ng Writ of Habeas Corpus sa pamamagitan ng panggigipit kina Senadora Leila De Lima, Maria Ressa at iba pang political prisoners.