Tiwala ang National Economic Development Authority na hindi makaaapekto sa ekonomiya ng bansa ang tumitinding banggaan ng malalaking pangalan sa larangan ng pulitika.
Ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan, nakatutok pa rin ang administrasyon upang makamit ang mga mithiin nito na nakapaloob sa Philippine Development Plan 2023-2028.
Sa katunayan aniya, kahit pa ganito na ang sitwasyon ng pulitika noong 1990s, patuloy naman ang pag-unlad ng bansa dahil napanatili nito ang mga polisiyang pang-ekonomiya.
Binigyang-diin pa ng kalihim na hangga’t nasa direksyon ang pamahalaan sa mga prayoridad at proyekto nitong pang-ekonomiya, mapapanatili ang matatag na business community.
Kaugnay nito, inihayag din ni Trade Secretary Ma. Cristina Roque na marami pa ring investment ang pumapasok sa bansa sa kabila ng ingay sa pulitika. – Sa panulat ni Laica Cuevas