Nangako ang Punong Ministro ng Bahrain at kanilang gobyerno na kanilang bibigyan ng proteksyon ang karapatan ng bawat manggagawang Pinoy sa kanilang bansa.
Ito’y kasunod ng naging desisyon ng pamalaan na magpatupad ng total deployment ban ng mga Overseas Filipino Workers o OFW sa Kuwait matapos mapaulat ang serye ng mga pang-aabuso at pagkasawi ng mga OFW sa kanilang bansa.
Ayon sa Department of Foreign Affairs o DFA, nagparating ng pagkabahala sa naging kalagayan ng mga OFW si Prime Minister Prince Khalifa Bin Salman Al Khalifa nang makausap niya si Philippine Ambassador to the Kingdom of Bahrain Alfonso Ver.
Dito ipinabatid din ni Prime Minister Khalifa na bukas ang Bahrain para sa mga umuwing OFW mula sa Kuwait dahil aniya binibigyang kilala niya ang pagiging masisipag at mapagkakatiwalaang mga manggawa ng mga Pinoy.
Dagdag pa ng Punong Ministro maraming Pinoy ang nagta trabaho sa kaniyang opisina at palasyo kasabay ng panghihikayat sa mga Pinoy na magtrabaho sa kanilang bansa.
Sinabi ni Khalifa na handang tumanggap ang kanilang tanggapan ng anomang mga sumbong mula sa mga OFW sa Bahrai kung sakaling makaranas ang mga ito ng pang-aabuso o anomang hindi magandang pagtrato sa kanila ng kanilang employers.
Posted by: Robert Eugenio