Nagbalik sa Philippine area of responsibility (PAR) ang low pressure area (LPA) na lumabas na kahapon ng hapon.
Kaninang alas-syete ng umaga ay nagbalik sa PAr ang LPA at makaraan lamang ang isang oras ay nabuo itong bagyo na tinawag na ‘Goring’ ng PAGASA.
Kaninang alas-diyes ng umaga, ang sentro ng bagyong Goring ay namataan sa layong 190-kilometro sa hilaga, hilagang-kanluran ng Basco, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hangin na umaabot sa 45km/hr at pagbugso na umaabot sa 60km/hr.
Nakataas ang wind signal no. 1 sa Basco, Batanes kung saan inaaasahang makakaranas sila ng lakas ng hangin na aabot sa 30km/hr hanggang 6okm/hr.
Patuloy namang hihilahin ng bagyong Goring ang habagat na inaasahang magdadala ng mga pag-ulan.
Samantala, hindi inaasahang lalapag o tatama sa kalupaan ang bagyong ‘Goring’ at posibleng lumabas rin ito ng bansa mamayang hapon o bukas ng madaling araw.