Inaasahang i-aanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte bukas, ang bagong community quarantine classificatioons na ipatutupad sa buong bansa para sa Disyembre.
Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, nakatakda ang pulong ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) kasama ang pangulo bukas.
Dito aniya, inaasahang aaprubahan at iaanunsyo ni Pangulong Duterte ang ipatutupad na bagong klasipikasyon ng community quarantine.
Habang sinabi ni Año na makikipagpulong din siya sa mga Metro Manila mayors ngayong araw para alamin naman ang kanilang magiging rekomendasyon.
Ito aniya ay bagama’t una na ring nagpahayag ng kagustuhan ang mga alkalde ng NCR na patapusin ang taon na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ).