Nakatakdang talakayin ngayong araw ang bagong master plan para sa rehabilitasyon ng Boracay.
Ayon kay Tourism Assistant Secretary Frederick Alegre, makikipag-pulong ang iba pang opisyal ng DOT kay Urban Planner Jun Palafox upang siyasatin ang ipi-prisintang plano ng arkitekto para sa pagsasa-ayos ng kilalang tourist spot sa bansa.
Kabilang sa magpupulong ay sina Tourism Secretary Wanda Tulfo-Teo, Environment Secretary Roy Cimatu, Interior and Local Government Officer In Charge Eduardo Año.
Kasama rin sina Public Works and Highways Secretary Mark Villar at Justice Secretary Vitaliano Aguirre.
Ipinabatid din ni Alegre na kanila nang isina-sa-pinal ang panukalang pagdedeklara ng State of Calamity sa isla bago o pagkatapos ng Semana Santa.