Nadiskubre ng mga eksperto sa South Africa ang bagong COVID-19 variant, na itinuturong dahilan sa pagtaas ng bilang ng mga kaso ng virus sa lugar.
Tinawag itong B.1.1.529 variant na may multiple mutations.
Ayon sa mga eksperto, ang B.1.1.529 variant ay mayroong sampung mutations, na mas mataas kaysa sa Delta variant na may dalawang mutations at Beta na may tatlong mutations.
Na-detect rin ang naturang variant sa mga biyahero sa Botswana at Hong Kong na nanggaling sa South Africa.
Sinabi pa ni South African Health Minister Joe Phaahla na ang naturang variant ay itinuturing na seryosong ”variant of concern”. —sa panulat ni Hya Ludivico