Sabi nga nila, iba-iba ang karanasan at nararamdaman ng mga kababaihan habang nagbubuntis. Katulad ng babaeng ito mula sa China na inakalang kabusugan lang ang dahilan ng pagsakit ng kaniyang tiyan. Ang hindi niya alam, nagdadalantao na pala siya.
Kung naging matagumpay nga ba ang panganganak ng babae, eto.
Katatapos lang mananghalian ng babaeng kinilala sa kaniyang apelyido na Li mula sa Ezhou City, China nang makaramdam ito ng pananakit ng tiyan na inakala niyang dahil lang nasobrahan siya sa pagkain.
Pagpatak ng alas dos ng hapon ay nag-desisyon na si Li na magtungo sa ospital dahil sa patuloy na paglala ng kaniyang abdominal pain.
Bagama’t may iniindang sakit, nagawa pang imaneho ni Li ang kaniyang electric bike at mag-isang isinugod ang kaniyang sarili sa ospital.
Habang sumasailalim ang babae sa ultrasound ay mas tumindi pa umano ang naramdaman nitong sakit na napalitan ng uterine contractions hanggang sa bigla na lang pumutok ang kaniyang panubigan.
Ganon na lang ang gulat ni Li nang ianunsyo ng doktor na nagdadalantao siya, lalo na at aniya ay maingat sila ng kaniyang mister sa paggamit ng mga contraceptives dahil wala umano silang balak na sundan pa ang kanilang anim na taong gulang na anak.
Napansin naman daw ni Li na nadagdagan ang kaniyang timbang, pero bukod sa hindi ito nakaramdam ng kahit anong morning sickness, hindi na nito pinaghinalaan pa ang kaniyang delayed na period daw irregular naman daw talaga ang kaniyang menstruation.
Makaraan lang ang isang oras ay isinilang na ng babae ang isang baby boy na may bigat na 2.5 kg sa pamamagitan ng natural labour at patuloy na inobersbahan sa isang Municipal Health Centre.
Samantala, agad namang bumyahe pauwi ang kaniyang mister na nagtatrabaho sa labas ng Ezhou City matapos nitong malaman ang sitwasyon ng kaniyang misis.
Sa mga kababaihan diyan, ingat-ingat sa mga kinakain at ginagawang activities. Hindi mo lang alam at baka mayroon na palang bata na dapat mong alagaan sa’yong sinaupunan.