Walang umanong epekto sa bilang ng COVID-19 cases sa Baguio City ang pagkaka-diskubre sa Omicron subvariant BA.2.12 sa lungsod.
Ito ang tiniyak ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa gitna ng posibleng idulot ng nasabing subvariant sa ekonomiya, partikular sa sektor ng turismo sa summer capital.
Bagaman noon pa anyang April 11 nag-positibo ang dayuhan sa Omicron subvariant, hindi naman nagkaroon ng increase ng COVID-19 cases kahit peak tourist season ngayon sa City of Pines.
Kumbinsido naman si Magalong na na-control nila ang sitwasyon.
Samantala, inihayag ni Baguio City Health Officer, Dr. Rowena Galpo nasagawa naman sila ng contact tracing sa lahat ng nakasalumuha ng babaeng taga-Finland na at wala kahit isa sa kanila ang positibo sa COVID-19.
Wala rin anyang nagpakita ng kahit anumang sintomas ng sakit sa mga sumailalim sa test.