Maghahain din ng kaso sa Korte Suprema ang Lawyers for Commuters Safety and Protection laban sa mga sangkot na kontraktor sa flood control projects.
Kasunod ito ng insidente ng paglubog sa pagbaha ang Metro Manila na nagdulot perwisyo sa mga motorista at pasahero.
Ayon kay Atty. Ariel Inton, LSCP president, kabilang sa mga sasampahan nila sa Korte Suprema ay sina dating DPWH Secretary Manuel Bonoan at Quezon City congressman na mapapatunayang may pagkukulang o inirereklamo ng mga complainants.
Kung ginampanan lang aniya sana ng mga legislators ang kanilang mga tungkulin ay walang mapeperwisyo sa malawakang pagbaha.
Kabilang sa mga complainants ay ang mga residente ng Quezon City na lubhang naapektuhan ng baha.
Una nang naghain ang Commission on Audit (COA) at ang DPWH ng limang fraud audit reports sa Office of the Ombudsman.