Pabor si Buhay Party-list Representative Lito Atienza sa pagsusulong ng federalismo sa pamamagitan Constitutional Convention o Con-Con kung saan maghahalal ng mga kinatawan na babalangkas ng batas.
Sa pulong balitaan sa Manila, sinabi ni Atienza na hindi siya sang-ayon sa Constitutional Assembly kung saan sila mismong mga mambabatas ang babalangkas ng batas.
Paliwanag ni Atienza dapat mga eskperto o espesyalista ang babalangkas ng batas para maiwasan ang pang-aabuso ng mga pulitiko sa mga pagbabago sa Saligang Batas.
Gayunman iginiit ni Atienza na hindi siya tutol sa federalismo pero dapat aniyang suriing mabuti ang magiging epekto nito sa bansa.
(Ulat ni Aya Yupangco)